Note 124

95 8 2
                                    

nasa hapag kainan ako ngayon, kumakain ng umagahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

nasa hapag kainan ako ngayon, kumakain ng umagahan. habang si mama naman ay abala sa pagliligpit ng mga niluto niya sa tupperware. di ko alam kung bakit sobrang busy niya. nagtaka nga ako kung bakit nandito pa siya sa bahay.

nasanay kasi ako na kapag breakfast ako nalang ang nandito sa bahay. ugali kasi ni mama na maagang magbukas sa cafe. tapos hindi din naman dito nakatira si kuya. may sarili kasi siyang apartment.

"here's your lunch anak. I also packed lunch for Daisy. ibigay mo nalang sa kanya ha." nilapag niya sa harapan ko ang paperbag na maylaman ng mga binalot niya.

"thank you ma."

"make sure na ibigay mo yan sa kanya. pakisabi na din na miss ko na siya. ang tagal niya ng hindi bumalik dito satin." nakangusong sabi nito.

"kakapunta niya palang dito noong tuesday ma. baka nakalimutan mo." nakakamot kung saad. tinignan naman ako nito ng masama

"aba't huwag ka ng umepal diyan. miss ko na siya. pero alam mo ba anak--"

"gusto ko siyang alagaan. ang bait-bait niya kasi, jowain mo na siya anak. gusto ko siyang maging in law."

napaubo ako sa sinabi niya. grabi si mama in law na agad ang gusto. di ko pa nga naliligawan si daisy.

pagkarating ko sa school dumiretso agad ako sa locker room para ilagay ang mga dala ko. busy kami ngayon sa preparation para sa academic festival.

ganito talaga sa Aelin University pagkatapos mag exam. maraming mga pa booths na itatayo minsan nga dumadalo dito ang mga estudyante sa ibang paaralan. wala naman akong masyadong gagawin maliban nalang sa pagkuha ng litrato. ang club kasi namin ang naatasan na mag document. kada member ng club namin may inassign na gawain.

wala pa akong idea kung ano ang idodocument ko. sobrang common na kasi kung ang pangyayari lang sa festival ang idodocument ko. gusto ko maiba naman. gusto ko iba ako sa lahat.

nasaan kaya si Daisy ngayon. ano kaya ginagawa niya. gusto kung mambulabog sa kanya ngayon. charot hahaha

matapos kung ilagay ang mga gamit ko. pumunta agad ako sa locker ni Daisy. ilalagay ko kasi tung letter na ginawa ko. sana walang makakakita sakin.

dali-dali kung hinulog ang letter at paalis na sana ako

"Asher?"

napatigil agad ako sa paghakbang at kabadong napalingon sa tumawag sakin. mabubuking na ba ako? shit naman oh.

Adore (Falling Flower Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon