Note 184

78 7 18
                                    

"chester isa ka nalang talaga sakin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"chester isa ka nalang talaga sakin. masasapak na kitang depunggal ka."

"ang damot mo talaga. isang spray lang naman."
nakangusong sabi nito.

"ulol. ang isang spray sayo katumbas na yan sa isang galong tubig. huwag ako lokohin mo."  inagaw ko sakanya ang pabango ko at tinago na ito sa bag.

dismissal na namin at pupunta na ako ngayon sa rooftop. may oras pa naman akong maghanda. inutusan ko din kasi si freesia na magpasama muna siya kay daisy sa library para maayos ko pa ang rooftop.

"diretso kana doon bro?" tanong ni Fletcher.

"natural. alangan naman uuwi siya." pilosopo sagot ni chester. ambang babatukan sana siya ni fletcher pero nakailag na ito.

"bakit ikaw ang sumagot. si asher ka ba?"

"nyeac, nyeac. wala akong naririnig."

ewan ko sa dalawang ito. puro nalang asar ang nalalaman---- kung hindi naman nang-aasar, magkakalat naman. char parang hindi rin ako makalat.

"sige na, una na ako. kailangan ko pang iset ang projector"  sabi ko at naglakad na kami palabas ng classroom.

"wow mag momovie marathon kayo?"

"ebarg may pa Netflix and chill ang gago."

"Netflix and Chill lang ha baka may kababalaghan kayong gawin." malokong asar ni Chester sakin. sinundot niya din ako. ang dumi dumi talaga ng utak ng pokemon na to.

"pakyu chester. huwag mo akong itulad sayo." binatukan ko siya at tumakbo na ako paalis.

"ARAY TANGINA! HOY ASHER BASTOS KA HA!"

"AWIT SOBRANG EXCITED NIYA. SIGE GOODLUCK BRO!"

"INOM TAYO PAGKATAPOS HA!"

Sigaw nila, kumaway lang ako sa kanila at nagmadali ng pumunta sa rooftop.

kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Daisy kapag malaman niya na ako ang nagpapadala ng letter sa kanya.

kanina sabay kami nag lunch panay siya kwento sakin. paulit-ulit niyang sinasabi na excited siyang makilala si A.K. napansin ko rin na pinaghandaan niya talaga ang araw na to. ang ganda niyang tignan sa ayos niya ngayon.

nakatali kasi ang buhok niya. sobrang nakaka attract. yung tipong mapapatitig ka nalang sa kanya.

pagkarating ko sa rooftop. nag set-up agad ako. sana talaga magustuhan niya ang ginawa ko. simple lang naman ang hinanda ko. hindi naman siya gaano ka bongga.

naalala ko kasi yung sinabi niya sakin noon. mas gusto niya na simple lang daw ang set-up kapag may aamin sa kanya. hindi naman daw kasi mahalaga ang set-up ng lugar kasi para sa kanya mas mahalaga daw yung pag-amin kung ano talaga ang totoong nararamdaman mo sa taong pag-aaminan mo.

sinabit ko ang mga series na dala ko. oh diba, simple lang. char. trip ko lang mag lagay ng series. para naman mas maging romantic. para din advance naming ma celebrate ang pasko.

pagkatapos kung mag set-up umupo muna ako sa bakanteng upuan na nandoon.

Asher: Sia, tapos na akong mag-ayos. nasan na kayo?

Freesia: ay jusko! salamat naman at tapos ka na kuya. myghad nauubusan ako ng palusot kay daisy. gagi.

Asher: hahaha sige na pakawalan mo na yan. thank you talaga ha. kaya love na love kita eh🥺💕

Freesia: ano ka ba kuya. maliit na bagay. huwag kang masyadong kabahan ha. fighting!

Freesia: nakaalis na siya ng library kuya.

Asher: sige sige. thank you.

tinago ko ang telepono ko at tumayo. matatagalan pa yun si daisy. nasa kabilang building kasi ang library. gago kabado ako na excited. ewan ko nalang talaga.

siguro go with the flow nalang ako mamaya. naglakad lang ako ng pabalik balik.

naramdaman ko ang pag vibrate ng telepono ko. kaya kinuha ko ito at tinignan.

si mama

"hello ma---"

"huh!? ano!!? sige sige papunta na ako diyan."

_________________________________________

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now