Note 113

85 4 0
                                    

priv_aschere you look so cute

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

priv_aschere you look so cute. lalong lalo na kapag nagfofocus ka sa ginagawa mo.

kinuha ko yan habang nagsusulat ka ng notes. di ka naman mahirap turuan. kasi nakikinig ka naman at naiintindihan mo agad ang nga sinasabi ko. pinaliwanag ko sayo lahat at tumango tango ka lang.

para kang tuta na nakikinig sakin. kasi napaka amo ng mukha mo at sobrang simple mo lang tignan kanina. naka pantulog ka lang na damit which is oversized shirt at spongebob pajama. a cutie

pinagsabihan kita na umupo ka ng komportable kasi napapansin ko na palagi kang napapa-ayos sa pag-upo. natawa nga ako kasi parang nag aling-langan kang ipatong ang paa mo sa inuupuan mo.

sinamaan mo ako ng tingin kaya ngumiti lang ako sayo. ang babaw na siguro ng kaligayahan ko. pero masisisi mo ba ako? kung na cu-cutan ako sayo?

nagpatuloy lang ako sa pagturo sayo. hanggang sa humikab ka na.

"bukas na natin ipagpatuloy to Daisy. magpahinga ka na. inaantok ka na oh." i softly said.

"hindi kaya ko pa naman." pilit mo

"no, bukas na. diba sabi ko sayo huwag ka masyadong magpupuyat? bukas na natin to ituloy."

ngumuso ka at tumango nalang bilang sang-ayon sakin.

"sige na, iligpit mo na yang mga gamit mo and go to bed na. goodnight" malambing kung tugon sayo.

di ka sumagot sakin at linigpit mo lang ang mga gamit mo. nanatili lang akong nakatingin sayo. nakikita ko na inaantok ka na talaga. ang mga mata mo ay pumunggay. matapos mung magligpit ay hinarap mo na ulit ako. kinuha mo ang telepono mo at tinapat sa mukha mo.

"goodnight asher. thank you for teaching me sa earth sci. i really appreciate it." nakangiti mung sabi sakin.

"you're welcome. sabi ko naman kasi sayo. handa akong turuan ka eh. basta next time don't hesitate to tell me kung nahihirapan ka sa mga lessons. okay?"

"sige na matulog na tayo. goodnight. sweet dreams." mahinahon kung saad.

"ikaw din, sweet dreams." you ended the videocall.

natutuwa ako kasi kahit na sa simpleng paraan natutulungan na kita. sa gabing ito natulog ako ng may mga ngiti sa labi.

__________________________________

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now