Note 81

110 6 0
                                    

"HEATHER BILISAN MO! KAPAG TALAGA NAUBOSAN TAYO NG KWEK-KWEK AT SIOMAI IBABALIBAG TALAGA KITA!"  Sigaw ni Ate lili sa kay Ate Heather na tumatakbo sa pwesto namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"HEATHER BILISAN MO! KAPAG TALAGA NAUBOSAN TAYO NG KWEK-KWEK AT SIOMAI IBABALIBAG TALAGA KITA!" Sigaw ni Ate lili sa kay Ate Heather na tumatakbo sa pwesto namin.

"OO NA NGA POTA. KITA MO NAMANG NAGMAMADALI NA AKO OH!" Sigaw din pabalik ni Ate Heather.

Humihingal siya noong nakarating na siya sa harapan namin.

"Pesticide ka Heather. Takbo na yon para sayo!? Gaga para ka lang namang naglalakad eh." Bagot na saad ni Ate lili sa kanya. Hinampas siya ni Ate Heather sa braso

"Ano na naman!? Tara na baka maubosan tayo. Favourite ko pa naman yung quicky-quicky ni Aling Ruela."

"Gaga ka kwek-kwek yun. Isa pang quicky-quicky diyan. Ihahampas ko sayo tong librong hawak ko." Saad ni Ate Peony. Umirap lang si Ate Heather at hinila na nito si Ate lili palabas ng gate. Kaya naman sumunod kami sa kanila.

Kasabay kung maglakad si Ate Iris. Nakasabit ang isa niyang kamay sa braso ko. Tahimik lang kaming nakasunod sa kanila Ate Peony.

Nilakad lang namin kasi malapit lang naman dito ang plaza. Nandoon kasi lahat ang stall ng mga street food. Maganda din doon kapag hapon kasi maraming mga pa event. Kahit na public place ito may banda ding tumutugtog.

Natawa akong pinagmasdan sila Ate. Ang kukulit talaga nila. Di mo akalain na seniors na sila kasi ang ligalig nila kung umakto. Si Ate Iris lang siguro ang pinaka kalmado sa kanilang lahat. Pagkarating namin sa plaza nagtungo agad kami sa stall ni Aling Ruela.

"MAMEH RUELA! I MISSED YOU SO MUCH PO!" Biglang sigaw ni Ate Heather. Napatingin naman agad sa amin ang mga kumakain din doon.

"Luh. parang hindi tayo pumunta dito kahapon." Saad ni Ate Aster. Hindi siya pinakinggan ni Ate Heather kasi naglakad na agad ito papunta sa kay Aling Ruela

Namula ang mukha ko sa hiya. Iba talaga tong si Ate Heather. Di talaga siya nahihiyang magwala kahit saan. Naramdaman ko din na humigpit ang pagkapit ni Ate Iris sa braso ko.

"ANIMAL KA HEATHER! SOBRANG TINIS NG BOSES MO! MAAWA KA NAMAN SAKIN. KATABI MO LANG AKO POTTACA. DUMUDUGO TAINGA KO SAYO EH!" Saway ni Ate Lili sa kanya.

"Oh bakit ka galit?" Inosenteng saad ni Ate Heather. Ambang babatukan sana siya ni Ate Lili ng biglang sumabat si Aling Ruela.

"Nako! Kayo na naman! Jusko ang lakas talaga ng boses niyo. Para kayong nakalunok ng megaphone sa sobrang tinis ng boses." Pag sermon ni Aling Ruela sa kanila.

Hinayaan nalang namin sila doon at humanap kami ng mauupuan. Nakahanap na kami at makikita dito sa pwesto namin ang palubog ng araw. Linagay namin lahat ng gamit namin doon at pinuntahan sila Ate Heather.

"Mameh Ruela you're hurting me. Kala ko pa naman miss mo ako." Ate Heather cutely said while pouting.

Umakto namang nasusuka si Ate Lili sa tabi niya "Yuck ang dugyot mung tignan Heather."

Natawa naman si Aling Ruela sa kanila. "Aba namiss din kaya kita. Oh ano order niyo?"

Sinabi namin ang gusto namin at nagbayad.

"Fall in line ha. Babatukan ko ang sisingit." Pagbabanta ni Ate Glad. Nakita niya kasi na sumingit si Ate Peony sa harapan niya.

"Bebeloves pati narin dito? Ipagdadamot mo sakin ang linya?" Madramang saad ni Ate Peony.

"Anong pinagdadamot. Hoy FYI paulit-ulit kaya kitang pinagbibigyan na sumingit. Pottaca, huwag mo akong idaan sa drama mo. Gutom ako!" Nag pout nalang si Ate Peony sa kay Ate Glad.

Di talaga mada-daan sa pa cute si Ate Glad kapag gutom. Inisin niyo na ang lahat basta huwag lang ang taong gutom.

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now