Note 66

124 8 2
                                    


Pagkarating ko sa library nakita ko agad si Daisy na naka pwesto sa pinakatagong lugar sa library

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Pagkarating ko sa library nakita ko agad si Daisy na naka pwesto sa pinakatagong lugar sa library. Pinuntahan ko agad siya habang bitbit ang bag ko na may lamang mga pagkain.

Habang papunta ako sa kanya nakikita ko na sobra niyang busy sa pagsusulat at paminsan-minsan tumitingin ito sa laptop na nasa harap niya. Nang makarating ako sa pwesto niya ay umupo agad ako sa bakanteng upuan na nasa harap niya at linapag ko ang bag ko sa lamesa.

Napatingin ito sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya sakin at pinagpatuloy na ang ginagawa.

"Daisy." Pagkuha ko sa atensiyon niya.

"Hmm?" Takang tanong nito sa akin

Nakangiti kung tinulak sa harapan niya ang dalawang Burger at c2. Tinignan niya ito at kalaunan ay tumango siya

"Thank you Asher."

Kumain siya ng patago habang nagsusulat. Mabuti nalang at nasa pinakatagong lugar kami naka pwesto. Kaya pwede siyang makakain at wala din masyadong tao naka upo sa paligid namin.

"So..para saan yang ginagawa mo?" I asked while leaning to her.

"I need to copy this. It's a notes from Ma'am Villa and Sir Cha lecture earlier. Late kasi ako sa subject nila kanina kaya nanghiram ako ng notes sa kaklase ko and I need to give it back to her later." Mahaba niyang paliwanag sa akin.

Kailangan niya nga talaga mag copy ng notes kasi may pagka terror din ang mga professor na iyan. At palagi nilang requirements sa last quarter ang notes mag mula sa first quarter. Tinitigan ko siya na seryosong nagsusulat at minsan tumitigil para kumain.

"Natapos mo na ang isa?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan ang mga kagamitan niya sa harapan namin.

"Hindi pa."

Kaya kinuha ko ang mga notebook na linagay niya sa tabi at binuklat ko ito isa-isa.

"So where do I start?" Saad ko habang nakatingin sa mga sinulat niya.

"Huh?" Takang tanong niya sakin. Kaya napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin.

"I'll help you copy para mas mapadali." Nakangiti kung sagot

"Are you sure? Huwag na, I can handle it naman eh. And besides breaktime mo dapat nagpapahinga ka." Umiiling na saad nito habang inaabot ang mga notebook na hinawakan ko.

"Okay lang talaga Daisy, gusto ko din tulungan ka at gaya nga ng sabi mo breaktime mo din dapat nagpapahinga ka din pero ito nagsusulat ka. Kaya tutulungan nalang kita para mas mapadali at makapag-pahinga ka kasi alam kung pagod ka."

Mahaba kung paliwanag sa kanya. Wala siyang ibang nagawa kaya tumango nalang siya at sinabihan ako kung ano ang icocopy ko.

Naging tahimik kaming dalawa nang magsulat na kami. Madami pala ang kailangan niyang isulat mabuti nalang tinulungan ko siya. Kasi sigurado ako di niya to matatapos ngayon kung siya lang ang magsusulat.

"Daisy." Pagtawag ko sa kanya habang nagsusulat parin.

"Hmm?"

"I know it's kinda personal but I just want to ask kung bati na ba kayo nila Fressia?" Saad ko habang tinitigan siya na may halong pagtataka. Sa tanong kung iyon napatigil siya sa pagsusulat at napatingin din sa akin.

Ilang segundo ang nagdaan at nanatili parin kaming nakatingin sa isat-isa. Iniwas niya ang kanyang tingin.

"Were not okay yet." Sagot nito habang malungkot na nakatingin sakin. Matapos niyang sumagot sakin ay yumuko na ito at pinagpatuloy ang pagsusulat.

Naawa ako sa kanya dahil alam ko na gusto niya ng makipagbati sa kanila.  Pero pinagugunahan siya ng takot na baka di siya tanggapin nila Freesia. Nararamdaman ko iyon kahit na hindi ito sabihin ni Daisy sa akin.

"-And wait paano mo nalaman na nag-away kami?" Napatigil ito at nagtatakang tumingin ito sa akin.

"Freesia told me that you guys are not in good terms." Sagot ko sa kanya habang nagsusulat na din.

Kahit hindi ko siya tignan naramdaman ko parin siyang tumango sa sagot ko.

"I know I may sound like a chismoso. Pero sa nakikita ko okay naman kayo eh, di naman kayo magka-away. Ang problema nga lang ay itinutulak mo sila palayo sayo kahit na handa sila makinig sayo. And based on what I have seen gusto mo makasama sila pero mas pinangugunahan ka ng takot na baka na offend mo sila sa mga sinabi mo noong nag-away kayo. And I can also see that they are just waiting for you to open up to them or forgive them kahit na ginawa nila iyon para sa iyo."

Natigil ako sa pagsusulat at napatitig ako sa kanya na ngayon ay nakatingin din sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang halo halong emosyon. Nanatili lang kaming magkatingin sa isat-isa. Hanggang sa nagsalita muli siya.

"I wanna talk to them pero di ko alam kung ano ang una kung sasabihin kapag kaharap ko na sila. I wanna say sorry to them kasi na realize ko na ginawa nila iyon dahil nag-aalala sila sa akin at di nila gustong masaktan ako ng dahil lang sa isang lalaki. Alam kung mali ang ginawa kung pag-away sa kanila na wala namang ibang ginawa kundi gabayan ako iparamdam sa akin na may pamilya parin ako. Honestly speaking pero miss ko na sila, miss ko na ang lahat ng mga bonding namin."

Habang nagpapaliwanag siya sa akin nakatingin lang ako sa kanya at nakikita ko na gusto niya nga talagang makipag-usap sa kanila at makipagbati.

"Then try talking to them because you know, there is nothing wrong in trying naman. You should settle the things that are vague." Saad ko sa kanya habang unti-unting kumawala sa labi ko ang ngiti.

Adore (Falling Flower Series #1 )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu