Note 22

187 13 7
                                    

Ang araw ng pagkikita

Sobrang excited si Daisy dahil dumating na ang araw kung saan magkikita na naman sila ni Lawrence. Mas naging masaya siya dahil malaya siya ngayon araw. Wala kasi ang kanyang ina ngayon sa bahay dahil umalis ito papunta sa probinsya.

Kasalukuyang nag-aayos si daisy para sa espesyal na araw na ito. Pinili niyang suotin ay ang dress na binili niya kahapon.

Pagkatapos niyang mag-ayos ay umalis na siya ng bahay at masaya siyang tumungo sa Park kung saan sila magkikita ni Lawrence. Pagkarating niya sa Park ay nakita niya agad si Lawrence kaya napangiti siya at tumakbo patungo sa pwesto nito.

Noong tuluyan na siyang nakalapit sa nakatalikod na Lawrence ay yinakap niya ito at malambing na sinabi ang katagang "miss na kita". Humarap si Lawrence sa kanya at ngumiti lang ito sa kanya kaya ngumiti din ito ng matamis pabalik sa kanya.

Pagkatapos nilang magkamustahan ay nagtungo na sila sa amusement park at doon nagsaya. Sobrang naaliw ni Daisy dahil nakapiling na naman niya ang kanyang mahal. Pero napapansin niya na di nag eenjoy si Lawrence pero pinagsawalang bahala niya lang ito at sinulit niya nalang ang mga pagsasama nila.

Habang sa kalagitnaan ng kasayahan nila ay may tumawag sa telephono ni Lawrence. Dali-dali naman itong kinuha ni Lawrence sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag. Habang may kausap ito sa telephono ay nanatili lang nakakapit si Daisy sa braso ni Lawrence. Peo biglang nalang nataranta si Lawrence kaya na alerto din si Daisy.

Pinatay ni Lawrence ang tawag at sinabihan si Daisy na magkita nalang sila sa cafe na pupuntahan nila dahil may importante pa siyang pupuntahan sandali. At bilang maunawain na tao pumayag din si Daisy dahil sa baka importante ang pupuntahan nito.

"Sige mag-h--- may sinasabi pa sana si Daisy pero di niya natapos dahil tuluyan na itong umalis kaya napabitaw ito sa paghawak sa braso niya.

Ngumiti ng malungkot si Daisy at tumungo nalang siya sa cafe. Pagkarating niya sa cafe ay gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa taglay na bango ng ibat-ibang klaseng kapi. Umupo siya sa bakanteng misa na katapat ang bintana at hinintay si Lawrence.

___________________

Lumipas ang ilang oras at di parin dumating si Lawrence. Pero di parin nagpatinag si Daisy dahil nanatili parin itong nakaupo. Malaki kasi ang tiwala niya kay Lawrence na babalikan siya nito.

Ligid sa kaalaman niya na may isang tao palang nakatingin sa kanya kanina pa simula noong dumating siya sa cafe. At nahahalata nito na may hinihintay ang dalaga.

Naiinis ito sa taong hinihintay ni Daisy dahil nagawa nitong paghintayin ang dalaga ng dalawang oras.

Naiiyak na tumayo si Daisy at mapait na ngumiti sa sarili ng mapagtanto niyang di na siya pupuntahan pa ni Lawrence dito sa cafe kaya napagdesisyonan na nito ang umuwi nalang.

Lumabas na siya at lumakad na pauwi. Kasabay ng paglabas niya ay lumabas na din ang lalaki na nakamasid sa kanya kanina. Sinundan siya nito nang palihim. Di ito nahahalata ni Daisy dahil nalunod ito sa kanyang iniisip. Naglakad lang ng patuloy si Daisy at doon lang napagtanto ng lalaki na papunta ito sa Park.

nang malapit na si Daisy sa Fountain. Di niya inaasahan na makita niya si Lawrence doon na may kasamang ibang babae. Masaya itong nakikipagbiruan habang nakakapit ang babae sa braso nito.

nakangiti siya ng malungkot habang nakatanaw sa kanila. At umaagos ang mga luha niya habang pinagmamasdan sila. nasasaktan siya sa kanyang nakita, pero wala siyang ibang magawa dahil sa ayaw niyang ito ang magiging huli nila pagkikita. kahit masakit sa kanyang loob tumalikod nalang siya sa kanila at nagmadaling lumakad palayo sa lugar na iyon dahil di niya gusto na may makakita sa kanya na umiiyak pero ligid sa kaalaman niya na may isang taong nakasaksi sa lahat ng nangyari. 


Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now