Note 12

227 20 6
                                    

Nandito ako sa Canteen at hinihintay ko sila Ate Aster na dumating

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nandito ako sa Canteen at hinihintay ko sila Ate Aster na dumating. Maaga kasi kaming pinalabas ng professor ko. Kaya habang wala pa sila ay linibang ko muna ang sarili ko sa libro na dala ko.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday Dear Daisy, happy birthday to you"

Nagulat ako dahil may kumakanta sa likuran ko. Liningon ko ito at nakita ko sila Ate na kumakanta habang may mga ngiti sa kanilang labi. Bitbit naman ni Freesia ang cake.

Si Ate Peony naman ay linagyan ako ng party hat sa ulo kaya naman natawa ako.

Nakakahiya dahil maraming nakakatingin sa amin pero pinagsawalang bahala lang ito nila Ate dahil may lahing makapal ang mukha talaga sila.

Umupo sila sa mga bakanteng upuan at inilagay ni Freesia ang Cake sa harapan ko.

"Happy birthday Daisy" naka ngiting bati nila sakin

"T-thank you mga Ate" naluluha kung pasalamat sa kanila. Pinagsabihan ko sila na di na nila kailangan mag abala dahil sa halip na sila ang magbigay sakin, ako na ang mag lilibre sa kanila.

Pero ginawa parin nila kaya na touch ako dahil kahit sa simpleng bagay na ginawa nila ay napasaya nila ako.

"Sige na, mag wish kana Daisy" nakangiting saad ni Ate Iris.

Pinikit ko ang mga mata ko at nagwish na. Sana palagi nalang ganito yung masaya ako at sana maging okay na ang lahat.

Pagkatapos ay hinipan ko na ang kandila at tinignan itong umuusok, napangiti ako pero ilang sandali ay napalitan ito ng malungkot na ngiti. Tinatagan ko parin ang sarili ko dahil kaharap ko sila Ate. Di ko gustong makita nila na di ako masaya kaya pinipilit ko parin maging masaya para sa kanila.

"Ano wish mo Daisy?" Excited na tanong ni Ate Lilac sakin

"Hoi tanga ka ba? Di dapat sinasabi ang wish kasi di ito magkakatoo. Kaya manahimik ka nalang diyan." Saway ni Ate Heather sa kanya

"Ay ganon ba? Weh sure ka? pano mo nasabi?" Pilosopong sagot ni Ate Lilac sa kanya.

"Duh~noon kaya nag wish ako sa birthday ko na sana maging kami ni crush at sinabi ko yon sa inyo na yun ang wish ko. Pero shutek di pa nga ako nag coconfess binasted na agad ako. Kaya di dapat sabihin ang ganyan upang magkatotoo" sagot niya pabalik habang ang tono ng pananalita niya ay maarte

"Duh, di talaga kayo meant to be ng crush ko kaya di natupad wish mo" panggaya ni Ate Lilac sa kanya.

"Boom sagad sa heart HAHAHAHHA" Sigaw ni Ate Gladiolus habang pinupokpok ang kamay sa mesa.

"Huwag masyadong masaktan baka ma stroke. HAHAHA." Saad ni Ate Aster sa kay Ate Heather.

tumawa naman ang iba at sinabayan na nila sa pag-asar si Ate Heather. Natawa nalang akong nakatingin sa kanila. Minsan talaga kapag kasama ko sila Ate Nawawala ang mga problema ko dahil sa pinapasaya nila ako.

"Sana palagi nalang ganito yung masaya ako. At sana maging okay na ang lahat." Singit ko sa bangayan nila kaya napatigil sila at tinignan ako.

"Huh?" Takang tanong ni Ate Aster

"Yun ang wish ko." Nakangiti kung saad

"Palagi naman tayong masaya Daisy eh. Basta magkakasama tayo at nagdadamayan magiging okay ang lahat." Nakangiting tugon ni Ate Aster sakin. Ngumiti naman ang iba at sumang-ayon sa sinabi niya.

Tumango nalang ako at ngumiti ako ng malungkot habang nakatingin sa Cake.

Bumalik sila sa bangayan nila habang kumakain nang cake.

Sana nga mga Ate. Sana nga maging okay na ang lahat.

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now