Note 17

197 18 4
                                    

Matapos ang klase ay umuwi na ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matapos ang klase ay umuwi na ako. Dahil alam ko na magagalit ang mga magulang ko kung di ako maagang umuwi. Plano sana nila Ate Glad na magha-hangout kami pero tinangihan ko ito dahil baka may makakakita sa akin na relative's ko at isumbong ako kila Mama at sasabihin na naman nila na nagbubulakbol ako. Na di daw ako nag-aaral ng maayos, kaya minabuti ako nalang ang lalayo sa gulo dahil mas ikakabuti ko ito at para naman di na ako saktan nila Mama.

Mabagal ang mga naging hakbang ko patungo sa bahay. Alam ko na gulo na naman ang mangyayari sa pag-uwi ko kaya linubos ko nalang ang pagkakataon na mapayapa akong naglalakad.

"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi ng bahay Daisy" sabi ni Mama habang nakatayo siya sa harap ng pintuan namin. Nakatingin ito sakin ng masama.

Yumuko lang ako at nagmano sa kanya pero linihis niya ang kanyang kamay kaya di ako nakapagmano sa kanya. Nanatili lang akong nakayuko sa harapan niya, dahil kahit na ganyan ang pakikitungo nila sakin malaki parin ang respeto ko sa kanila. Dahil sila ang bumuhay sa akin at siya ang nagluwa sa akin.

"Sorry po, kung natagalan po ako sa pag-uwi" mahinhin kung sagot sa kanya habang nakayuko parin.

"Ano na naman yung mga sinabi nila Marive sa akin na nagbubulakbol ka na naman Daisy!?"

"Kababaeng tao pero kung maka atsa parang di babae. Wala kanang galang samin. Di kita pinalaki ng ganyan Daisy ha na Magbubulakbol. Pinapa-aral ka namin nang maayos tas isusukli mo sa amin ay iyang pagiging walang galang mo. So ano nalang ang halaga ng mga ginastos namin sayo? Mauuwi nalang ba iyon sa wala!?" Sermon niya sakin habang tinutulak tulak ang kokote ko

Di ako sumagot dahil alam ko ang totoo. Di ako gumagawa ng masama. Di ko na din kayang ipagtanggol ang sarili ko dahil kahit na anong tanggol ko sa sarili ko ay lalabas parin na ako ang masama. Uuwi ito sa pag kokompara niya na mas mabuti pa si Ate Ysa dahil nag-aaral ng mabuti.

Nanatili lang akong nakayuko at di siya sinasagot.

"Ano tatayo ka nalang ba diyan. Di mo gagawin yung mga gawain sa loob?" Tinaas nito ang kilay niya dahil sa galit.

"Hoy para maalala mo na di ka pinanganak para maging prinsesa kay kumilos ka at huwag maging tamad!" sigaw nito habang tinutulak tulak ako

"Opo mama"

"Huwag mo akong matawag tawag na mama dahil di kita anak. Alalahanin mo sampid ka lang dito at isa kang pagkakamali na dumating sa buhay namin."

Sa salitang binitawan niya ay parang nawasak ang mundo ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit na paulit-ulit nila itong sasabihin sa akin nasasaktan parin ako. Di ko parin magawang masanay sa salitang iyan. Kahit na itatak ko sa sarili ko na hindi iyon totoo.

Iniwan niya akong nakatayo sa pintuan. Kaya sa pagkakataon iyon tuluyang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan kumawala sa aking mga mata.

Nakakatawa nga dahil sa paaralan tinuturing nila akong prinsesang maraming nakabantay pero kung dito naman sa bahay tinuturing akong prinsesang walang taga-gabay.

Walang nakaka-alam sa kalagayan ko maski sila Ate Peony. Di ko sinabi sa kanila na ito ang palagi kung inu-uwian. Dahil sa di ko gustong magbago ang tingin nila sakin. Sa likod ng masayahing kung mukha, doon nakatago lahat ang sakit atbpaghihirap na dinadanas ko sa kanila Mama. Di naman ganito noon eh, pero bakit nagbago bigla ang lahat?

Ganito nalang ba? Araw-araw na naman ba ako iiyak? Pwede ba magpahinga muna ako sa kakaiyak. Pagod na pagod na ako na para bang babagsak na ang katawan ko dahil sa pagod na nadarama.

Kaya sana matigil na ito.

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now