Note 103

97 5 1
                                    

"class dismissed

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"class dismissed."

kanya kanyang labas agad ang mga kaklase ko. breaktime na kasi at next week midterm na namin. sobrang dali lang ng panahon parang kahapon lang nagsimula ang klase. busy lahat ng studyante sa Aelin kasi kinakailangan na mapasa ang mga requirements before the midterm examination.

buti nalang talaga at natapos ko na lahat ng gawain ko. nagpasa na ako last week. di ko kasi gustong magtambak yung mga gawain ko.

tumayo na ako at naglakad na papunta sa cafeteria.

Di na muna kasi kami kakain sa labas ni Asher. May kailangan pa kasi siyang gawin. ita-take niya mga kulang niya na mga quizzes. nagdabog nga yun sakin eh, kasi daw nakapagtake na naman siya pero bakit daw kailangan niya pa umulit.

kaya ayon may conclusion siya na baka crush siya ni maam kaya ginaganon siya para daw magsama sila ng solo. lakas talaga ng apog ng lalaking iyon. binatukan ko nga sa sobrang hangin. 

ang taray din parang nag reresearch study ang gago.

pagkarating ko sa cafeteria dumeritso agad ako sa table namin nila ate Glad. naabutan ko silang kumakain.

"hoy, Peony dalian mo diyan. may itatake pa tayong quiz." saad ni Ate Glad.

"gusto mo bang mabulunan ako? maghintay ka diyan, di naman tayo mauubusan ng testpaper."

"tanga ka? natural magmamadali ako kasi may gagawin pa PO ako sa club namin." sermon ni ate Glad.

"wait ka lang kasi. di ako mabubusog kapag mamadaliin kung kumain." nakangusong sabi ni ate Peony. at kumain na uli.

"ang weweak niyo naman. dami niyong kulang. buti pa ako wala na. ang sipag ko talaga." pagmamayabang ni Ate Heather. tinignan nila ng hindi makapaniwala si Ate Heather.

"di ka nga kulang sa requirements pero nakulangan naman si ano sa sinagot mo sa kanya." bagot na sagot ni Ate lili. ng dahil sa sinabi ni Ate Lili nagkagulo sila.

"aba't aba sino naman ang nakulangan? name drop na yan" tanong ni Ate Aster.

"gusto kung maging kriminal ngayon" masama ang naging tingin ni Ate Heather kay Ate lili. di siya pinansin ni Ate lili at patuloy parin ito sa paglamon.

nakisabay lang ako sa biruan at kwentohan nila.

"ikaw Daisy, wala ka na bang lackings?" tanong ni Ate Iris sakin.

"wala naman po."

tumango nalang si Ate Iris at bumalik na ulit sa pagkain.

"KUYA ASHER! NAPAKASAMA MO TALAGA. HINDI MO AKO SINABAY KANINA!" nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Freesia. tumayo din ito sa inuupuan niya.

pati na rin ang mga tao na kumakain sa cafeteria. lumingon ako at nakita ko na nasa may pintuan sila Asher.

lumapit si Asher sa pwesto namin at umupo ito sa tabi ko.

"ANG KUPAD MO KASING MAGBIHIS. KAYA SINABIHAN NA AKO NI TITA NA HUWAG KA NALANG HINTAYIN."

"ABA'T TINOTOO MO NAMAN? NAGLAKAD AKO PAPUNTA DITO!"

"weh? ikaw ha liar ka. di yan ang narinig kung kwento." asar nito kay Freesia.

namula naman si Freesia at hinampas siya sa braso.

"DI AKO PINALAKING LIAR NI MOMMY!"

"ISUSUMBONG KITA KAY TITA. GINAMIT MO NAMAN SIYA. BLEH."

para silang mga bata. nakakatuwa ngang makita na sobrang close nila na mag pinsan. yung mga pinsan ko kasi di ko masyadong ka close. nakakausap ko naman sila pero hindi gaano.

"EWAN KO SAYO! UMALIS KA NA NGA. NABABADTRIP AKO SA MUKHA MO EH."

"yiee aminin kahit na nababadtrip ka sakin. love mo parin ako. yiee"

"tanga. may sayad ka ba sa brain?"

natawa nalang ako sa mga pinagsasabi nila. pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. habang sila Ate naman ay nakikisabay na din sa asaran nila Asher at Freesia.

tumahimik na sila at kanya kanyang usap na sila Ate. may kumalabit sakin kaya tinignan ko ito.

"pwede manghingi?"

anong hinihingi nito?

"ng alin?" litong tanong ko.

ngumuso ito.

pakshet nanghihingi ba ito ng kiss? napanganga ako sa kanya

"A-ano?" i stuttered. bakit nauutal ako? shet naman oh.

ngumuso ulit ito. naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil ginawa niya. gago ba to? bakit nanghihingi ito ng halik? hinohokage ba ako nito?
lakas mang big time ng ulopong na ito ha.

napatulala ako sa kanya. tinapik nito ang pisngi ko kaya naman napabalik ako sa huwesiyo.

"baka mapasukan ng langgaw yang bibig mo." itinikom ko ang bibig ko at tinignan siya ng masama.

"ano ulit sabi mo kanina?" tanong ko ulit.

"manghihingi ako."

"ng ano nga kasi?"

"manghihingi ako sa kinakain mo."  kinuha nito ang kutsara ko at kinain niya ang natirang pagkain sa plato ko.

tangina?

mas nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. gago, akala ko kiss yung hinihingi niya eh. sarap magpalamon sa lupa ngayon. pinaypayan ko ang sarili ko dahil sa naiinitan ako. ramdam ko din ang pagtulo ng pawis ko sa noo.

"okay ka lang? bakit pinagpawisan ka?" nag-aalalang tanong nito sakin. pinaypayan niya din ako gamit ang panyo niya.

napaubo ako

"a-ah ano o-okay lang. wahh ang init n-naman d-dito. di ba naka on yung aircon?" nauutal ako pakshet. self umayos ka naman please. nagpapahalata ka na eh.

ano bang nangyayari sakin. bakit yun agad pumasok sa isipan ko noong ngumuso siya. ang gaga mo talaga Daisy.

napansin ko na naging tahimik din sila Ate. tinignan ko sila at doon ko lang napagtanto na nakatingin silang lahat samin. habang naka nganga.

anyari sa kanila?

"Ate?" tawag ko sa kanila. napatingin din si Asher sa kanila.

"D-did y-you just used Daisy's utensils?" di makapaniwalang tanong ni Ate Peony.

huh? anong sinasabi nila? anong used my utensils?

"huh? Oo, bakit?" lito ding tanong ni Asher.

"TANGINA KA KUYA ASHER ANG SPEED MUNG LUMANDI!" sigaw ulit ni Freesia.

"DI PA NAGLILIGAWAN PERO NAG SHARE NA NG UTENSILS. SANAOL TO THE HIGHEST LEVEL." Exaggerated na saad ni Ate Heather.

kakain na sana ulit ako ng mapansin ko na wala na ang plato ko sa harapan ko. at nakita ko ding hawak ni Asher ang kutsara at tinidor ko. sakto ding sumubo ulit ito.

napanganga ako sa ginawa niya. di niya pinansin yung mga sinabi nila Ate at nag enjoy lang ito sa pagkain.

tangina? bakit ginagamit niya na kutsara at tinidor ko? nahihibang na ba siya? di niya ba na realized na nag indirect kiss kami sa ginawa niya?

gago.

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now