Note 62

178 13 0
                                    

Nang mabasa ko ang chat ni Freesia sakin ay nagmamadali agad akong umalis ng bahay para hanapin si Daisy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang mabasa ko ang chat ni Freesia sakin ay nagmamadali agad akong umalis ng bahay para hanapin si Daisy. Nag-aalala ako dahil gabi na, baka ma paano siya sa daan. Nagtaka din ako kung bakit nawawala siya kasi sa pagkaka-alam ko. Di na ito lumalabas kapag gabi na kaya laking hinala ko na may problema na naman ito.

Tinawagan ko sila Kuya Dylan para tulungan kami sa paghahanap. Para naman may kasamang lalaki sila Freesia. Matapos ko silang tawagan ay tinakbo ko agad ang Park ng subdivision namin para hanapin si Daisy doon. Pero nadismaya ako kasi hindi ko siya nakita doon.

Kailangan mahanap ko siya dahil baka kung ano ang gawin niyang ika kasama sa kanya.

Linibot ko ang subdivision namin dahil baka nandito lang siya sa paligid. Habang tumatagal ang paghahanap ko sa kay Daisy di ko parin siyang nagawang mahanap.

Inis akong napapdyak sa kawalan. Kasi di ko man lang nagawang mahanap si Daisy sa mga oras na nangangailangan niya ng kasama. Napabalik ako sa reyalidad noong tumunog ang cellphone ko na nagpapahiwatig na may tumatawag sa akin.

"KUYA NAHANAP MO NA BA SI DAISY!?"  sigaw nito sa akin kaya nailayo ko ng wala sa oras ang telephono ko sa tainga.

"Di pa"

"Jusko ha na stress na ako. Wala ka na bang ibang alam kung saan pwede puntahan ni Daisy?"   Frustrated na tanong nito sa akin.

Napaisip ako muli sandali at doon ko lang natandaan na may iba pa pang pinupuntahan si Daisy at ako lang ang nakakalam kung saan iyon.

"Hoi sagut---" di na natuloy ni Freesia ang sasabihin niya kasi pinatay ko na agad ang tawag at tumakbo agad ako patungo sa lugar na kung nasa'an si Daisy.

Malaki ang pag-asa ko na nandun si Daisy dahil nitong mga lumipas na araw palagi ko siyang nakikita doon mag-isa.

Tumakbo lang ako na parang ito na ang huling takbo ko sa mundo. Marami nakaharang sa tinatakbuhan kung daan pero di ito naging hadlang para huminto ako. Nang nakarating na ako sa Veterans Park di nga ako nagkamali dahil doon nakita ko siya.

Nakita ko siyang mag-isa na umiiyak sa kawalan. Tinawagan ko agad si Freesia para naman maibsan ang pag-alala nila kay Daisy.

"Hello Kuya Asher"

"Nakita ko na siya"

"Huh! nasan kayo? Sige papunta na kami diyan"

"Huwag na. Ako na ang maghahatid sa kanya pauwi"

Matagal bago siya nakasagot sa sinabi ko
"G-ganon ba sige. Mag ingat kayo"

"kayo din"

Pagkatapos naming mag-usap ni Freesia ay dahan dahan akong tumungo sa pinag-uupuan niya.

Di niya ako pinansin pero alam ko ramdam niya ang presensya ko. Pinagpatuloy niya lang ang pag-iyak kaya kinuha ko ang panyo ko at binigay ko iyon sa kanya kasi napupuno na nang luha ang maamo niyang mukha.

Gusto ko siyang yakapin at pagsabihan siya na nandito lang ako para makinig sa problema niya. Pero di ko magawa dahil hihintayin ko nalang na siya na mismo ang handang magsabi sa akin kung ano talaga ang problema niya.

Dahil alam ko naman na di pa siya komportable sa akin. Dahil bago niya pa lang akong nakilala, at sa tingin ko kahit na nandito lang ako sa tabi niya sapat na iyon para maramdaman niya na hindi siya nag-iisang haharap sa problema niya.

Ilang minuto ang nagdaan at nanatili parin kaming magkatabing naka-upo. Binalot lang kami ng katahimikan at ang tangi naririnig ko lang ay ang mga hikbi niya.

"Ang unfair noh?" pagbasag niya sa katahimikan na bumabalot sa amin.

"Yung mali mo. Paulit-ulit nilang isu-sumbat sayo. Pero yung mga sacrifices mo di man lang nila na-appreciate."

Sa paraan ng pagbitaw niya sa kanyang salita ay ramdam ko na nasasaktan siya ng todo at ramdam ko ang pangugulila nito.

"Akala nila okay lang sa akin yung nangyari sa amin ni Kuya. Di nila alam na nagpapanggap nalang akong okay ako kahit naman talaga hindi a-at-" humihikbi na kwento niya sa akin kaya hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya.

"I'm so tired of pretending to be okay, pretending na okay lang sa akin yung nangyari pero yung totoo sobrang nasasaktan na din ako. Sa kada pinipikit ko ang mga mata ko naalala ko ang aksidente na naganap noong mga gabing iyon."

"And I'm tired of trying to be strong all the time."

Nasasaktan ako dahil di ko alam na ganito pala kalaki ang dinadala niyang problema.

"Is it my fault kung bakit kami na-aksidente? Is it my fault why my brother died? Is it my fault that I was with him when that accident happened?"

Hinayaan ko lang siyang ilabas lahat ng hinanakit niya sa akin dahil alam ko na makakatulong ito upang gumaan ang pakiramdam niya.

"Nakakalungkot kasi kung sino pa ang taong naging parte ng buhay ko yun pa ang kailangan mawala, Kung sino pa yung taong nakakaintindi sa akin yun pa ang namatay."

"How I wish na ako nalang yung nawala kung ganito lang din naman ang mangyayari pagkatapos nang aksidenteng iyon. Sana ako nalang kasi wala namang nagmamahal sa akin eh. Magulang ko nga sinisi sakin ang pagkamatay ni kuya ano nalang kaya ang mga relatives ko." Mapait itong tumuwa at pinahid ang mga luhang kumawala sa kanyang mata.

"Pati yung mga relatives ko ginagawa akong masama sa paningin ng mga magulang ko. Okay sana kung totoo iyong mga binabalita nila sa magulang ko pero hindi eh, kasi yung mga sinasabi nila ay puno ng kasinungalingan. Nakakatawa kasi diba dapat kapag relatives mo. Sila dapat yung masasandalan mo kapag may problema ka o nahihirapan ka pero bakit iba sila? Palagi nilang binabantayan ang kilos ko na para bang may gagawin na akong masama na ikakabagsak ng lahi namin."

"Pero even if they they aren't sorry to me. I would still forgive them dahil wala akong magawa dahil kadugo ko parin sila. Di ko sila kayang talikuran kahit na marami na silang kasalanan na ginawa sa akin. Di ko kayang makita na nasasaktan sila ng dahil sa akin. Mas okay na siguro na ako lang ang masaktan basta huwag lang sila kasi sila ang nagbibigay lakas sa akin at pamilya ko din sila."

Humagulgol na ito sa harapan ko kaya yinakap ko agad siya dahil nanginginig na ito sa sobrang iyak. Naramdaman kung nagulat siya pero ilang sandali ay yumakap na ito nang mahigpit sa akin.

Ilang sandali kaming nanatili magkayakap at naramdaman ko na kumalma na siya kaya minabuti kung binitawan ang salitang

"Huwag ka ng mag-alala nandito na ako sa tabi mo, di kita iiwan"

Humigpit ang yakap ko sa kanya nung matapos kung bitawan ang katagang iyon. Totoo ang sinabi ko na di ko siya iiwan dahil sa pagkakataong ito ay pursigedo na akong pasayahin siya at pahalagahan siya ng buong buo.

_________________________________________

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now