Note 35

162 12 0
                                    

"Break na tayo, ayaw ko na dahil napapagod na ako sa relasyon natin"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Break na tayo, ayaw ko na dahil napapagod na ako sa relasyon natin"

mga katagang kanina ko pa pinaghahandaan na marinig pero bakit sobrang sakit parin kung sa kanya na mismo nanggaling? iyan pala ang importante niyang sasabihin sa akin. Sana pala di nalang ako pumunta para di ito mangyari.

Gusto ko sanang itanong sa kanya kung saan ako nagkulang at kung bakit niya ako iiwan. Pero walang lumalabas sa bibig ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya na seryoso ding nakatingin sakin.

"Di na ako masaya sa relasyon natin Daisy. Nawawalan na tayo ng oras para sa isat-isa alam mo namang hindi ko gusto iyon kaya sana mainitindihan mo at palayain mo na ako" saad niya sa akin

"Yan ba talaga ang gusto mo? O may mahal ka nang iba kaya iiwan mo na ako" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang luhang kumawala sa aking mga mata. 

hindi siya sumagot kaya naman napayuko ako at ngumiti ng mapait. bakit di niya nalang sabihin tanggap ko naman eh.tanggap ko naman na nagkulang ako kaya humanap siya ng iba.

"Si Zeira ba?"  tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang sagot. Di siya sumagot kay naman payak akong natawa.

"B-bakit siya? Anong meron sa kanya na wala ako Val? Nagkulang ba ako? Sabihin mo para naman maitama ko. Para naman malaman ko kung saan ako nagkamali-"  tanong ko sa kanya habang nag uunahan sa pagtulo ang aking mga luha.

"k-kasi habang tumatagal yung relasyon natin nakikita ko ang pagbabago mo. Alam mo bang sobrang hirap mag-panggap na okay ka sa harap ng iba kahit naman talaga ang totoo ay hindi? Sige na, sabihin mo sa akin para naman maliwanagan ako. Maliwanagan ako na di na talaga ako ang mahal mo" humihikbi kung saad habang pinupunasan ang luha ko

"Kailagan ako ni Zeira at siya lang ang palaging nakakaintindi sa akin- " sa sinabi niya biglang nag-init ang ulo ko

"Bakit ako di ba kita na iintindihan? Kulang paba ang pag-iintindi ko sa iyo? Bakit noong kailangan kita wala ka sa tabi ko! Alam mo ba kung gaano kita ka kailangan, lalong-lalo na sa ngayon. Val kung alam mo lang nalulunod na ako sa mga problema ko. Wala akong mapag sasabihan kasi natatakot ako. Natatakot ako na husgahan kaya nga pinipilit kung maging okay sa harapan nila at ikaw lang ang bukod tangi kung masasandalan. Pero mas pinili mo akong iwan, Pero kung kay Zeira nandon ka agad kahit na hindi naman kayo?-"

"Ay mali pala ako-"

"kasi kahit na tayo pa mag jowa nadin kayo. Kitang-kita ko nga sa dalawa kung mata eh,kung gaano mo siya kamahal. Kung paano ka-iba ang pakikitungo mo sakin kaysa sa kanya. Kahit ako ang totoong jowa, ako pa ang nag mukhang kabet." Saad ko habang tumawa ng mapakla 

"kahit minsan Daisy di ka nagkulang. Sadyang di ko na naramdaman ang dati kung nararamdaman sa iyo. Kaya nga noong maaga palang humanap na ako ng paraan para bumalik ang dati kung nararamdaman sa iyo. Yong sparks na kapag nakikita kitang masaya pero habang tumatagal hindi ko na ito naramdaman muli. Nawalan na ng sigla ang relasyon natin kaya pasensya kana. Sana ito na ang huli nating pagkikita at sana ma iintindihan mo ako. Paalam "

Pinagmasdan ko lang siya habang unting unti siyang lumalayo sa aking paningin. Ilang minuto ang lumipas pero nakatayo parin ako sa kanyang pinag-iiwanan. Napaupo ako sa kinatatayuan ko at napayukong umiiyak.

Madaming tanong ang bumabagabag sa isipan ko. Dahil ako din mismo di alam kung saan ako nagkulang. Pinaramdam ko naman sa kanya ang mahal na hinahanap niya pero bakit mas pinili niya pa din maghanap ng iba? Di pa ba sapat ang ibinigay ko? Di na ba ako kamahal mahal? Bakit sa lahat ng tao pa na pwedeng lumisan sa aking piling ay yun pa ang taong importante sa akin. Bakit yun pa ang mga taong mahal ko?

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now