Note 19

184 17 1
                                    

Dear Daisy,

Nakita kita kanina na umiiyak sa park ng subdivision niyo. Lalapitan sana kita pero di ko kaya dahil di pa ito ang tamang oras para makilala mo ako. Bakit ka nga pala umiiyak? Nag-alala ako sayo dahil grabi ang iyak mo kanina na para bang nahihirapan ka ng huminga. Mabuti nalang may mga batang naglalaro doon kanina kaya inutusan ko silang lapitan ka at ibigay ang panyo ko at nakita ko naman na ngumiti ka ng totoo sa harapan nila kaya nabawasan ang pag-alala ko.

Sana Daisy wag ka manatiling malungkot dahil di ko kayang makita kang malungkot. Kung meron ka mang problema sana huwag kang magpapadala sa emosyon mo. Baka kasi ano ang gawin mo na di nakakabuti para sa iyo at sana maalala mo na nandito lang ako sa paligid mo pati na din ang mga kaibigan mo. Gagabayan ka namin sa mga pagsubok na darating sa iyo. Kaya cheer up kana :)

A.K

________________________________

Sa di inaasahang pagkakataon ay naramdaman ko na ligtas ako. Dahil sa sulat na binigay niya sakin. Salamat dahil sa pina-alala mo sakin na may mga tao pang nagmamahal sa akin. Alam kung sinabi mo na di ka pa handa magpakilala sa akin, pero sana magpakilala ka na dahil kailangan kita.

Adore (Falling Flower Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon