Note 88

94 4 0
                                    

11:30 PM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

11:30 PM

I can't sleep. Kanina pa ako nakahiga pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nagbasa na din ako ng libro at pinagod ko ang sarili ko pero ewan ko kung bakit hindi parin ako makatulog.

Ichat ko kaya si Asher baka sakaling gising pa siya. Paano naman kung tulog na siya? Aish. Baka maabala ko ang tulog niya. Gusto lang namang may kausap ako. Di ko talaga alam kung bakit hindi ako makatulog.

Ano kaya ang ginagawa nila Mama ngayon sa probinsya. Napapansin ko kasing napapadalas na ang pagpunta nila doon. Gusto ko ding bumisita doon, simula kasi noong nawala si kuya di na ako dumadalaw doon. Kasi pakiramdam ko hindi buo ang pagdalaw ko doon. At ayaw ko din magkagulo.

Kamusta na din kaya sila Lola at Lolo. Ilang taon na akong walang balita sa kanila. Di ko sila magawang tawagan kasi wala akong lakas na gawin yun. Galit parin siguro sila sakin.

Hayst. Nag o-overthink na naman ako. Kaya di ko gustong mag-isa eh kasi dinadapatan ako ng lungkot.

Kinuha ko ang telepono ko at binuksan ito. Ite-text ko nalang si Asher. Baka gising pa siya. Hindi naman sigurong masamang itry diba? Kung di siya sasagot yan na siguro ang sign na kailangan ko nang matulog.

Daisy: Hey

Daisy: you awake?

Nakatitig lang ako sa telepono ko. Baka tulog na nga siya. Ang tagal niya kasing mag reply. Binalik ko nalang ulit ito sa sidetable at napatitig na naman sa kisame.

Tinitigan ko ito na parang may interesadong bagay doon na dapat pagbigyan ko nang pansin.

Tumunog ang telepono ko kaya naman dali dali ko itong kinuha.

Asher: Yeah, ikaw bakit hindi ka pa natutulog?

Daisy: I can't sleep. Ikaw?

Matagal bago siya nag reply.

Asher: kakain pa kasi ako😅

12AM na tapos hindi pa siya kumakain? Bakit kaya. Di naman siguro masamang itanong kung bakit no?

Daisy: hindi ka pa kumain ng dinner?

Asher: kumain na ako. pero nagutom uli ako eh.

Ah ganon pala.

Daisy: ah ganon ba. sige kumain ka muna diyan. Eat well.

Asher: okay lang, hindi pa naman ako kumakain. Pasakay palang kasi ako sa sasakyan.

Daisy: akala ko ba kakain ka na? Where are you going?

Asher: Mcdo hehehe. Wala na kasing ulam samin.

Wow yayamanin naman pala. Parang nag crave ako bigla ng chicken fillet. Sumama kaya ako. Tumunog uli ang telepono ko kaya binasa ko ito.

Asher: tara samahan mo ako.😅

Napangiti ako sa message niya.

Daisy: libre mo?

Asher: depende🤷‍♂️

Asher: kidding. Sure ililibre kita.

Daisy: okay! magkita nalang tayo sa mcdo.

Asher: hindi na. susunduin nalang kita.

Daisy: hala! huwag na baka matagalan ka.

Asher: okay lang naman. Baka nakalimutan mo na mag ka subdivision lang tayo🤣

Oo nga pala. Magka subdivision lang pala kami. Napaka boba mo Daisy.

Daisy: sorry ha. malilimutin lang🙄

Asher: sige na hintayin nalang kita sa labas ng bahay niyo. Papunta na ako. See you!

Tumayo ako at nag-ayos agad sa sarili. Ilang sandali lang ay naka tanggap ako ng message kay Asher na nasa labas na siya. Nagmamadali akong lumabas at sinugurado ko na naka lock ang bahay.

Hinihintay niya ako makalapit sa kanya at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

"Thank you" mahina kung pasalamat sa kanya at pumasok na.

Ngumiti lang ito sakin at umikot na din siya sa driver seat at pumasok.

"Okay na? Wala ka na bang nakalimutan?"  Tanong nito sakin

"Wala na."

Tumango na ito at pina-andar niya na ang sasakyan.

"Buti pinayagan ka ng mga magulang mo na lumabas ng ganitong oras." Simula ko sa usapan.

"Aba ako pa! May tiwala kaya sila sakin. Tapos ang bait ko din kasi. kaya nila ako pinayagan" Hambog na sagot nito sakin.

Binigyan ko siya ng hindi makapaniwala na tingin. Liningon niya ako at natawa ito sa naging itsura ko.

"Ang hangin mo."

"Luh. Di naman, slight lang HAHAHA"

Natawa nalang ako sa kanya at tumahimik na rin kami. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Mcdo. Pagpasok namin nakita ko na kaunti nalang ang mga tao.

Aba natural kaunti nalang kasi dis oras ng gabi. Pumunta agad kami sa counter at nag order.

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now