Chapter 1

3.5K 178 45
                                    

Chapter 1

Grabe naman ang mahal naman netong sapatos na 'to.

Presyong ginto.

Naglilibot-libot ako ngayon sa mall at binibilhan yung kapatid ko ng sapatos malapit na kasi yung birthday nya. At alam ko naman na mahilig sya sa sapatos so why not na dagdagan ang collection nya ng sapatos diba.

“Miss?” Tawag ko sa attention ng sales lady agad naman syang lumingon.

“Good afternoon ma'am. Do you need anything?” Magalang na banggit ng babae bago ngumiti.

"May size 10 ba kayo neto?" wika ko at tsaka  pinapakita sa kanya yung sapatos na napili ko.

"Wait lang po ma'am ah, titignan ko lang po kung may size 10 pa."Magalang na sabi ng sales lady bago umalis dala ang sapatos na napili ko.

Nag tingin tingin pa ako ng mga sapatos habang hinihintay ko yung sales lady dahil baka may magustuhan pa ako na sapatos para saakin.

Maya-maya lang ay bumalik na ito at dala ang sapatos.

"Ma'am sakto po at iisa-" di na nito natapos yung sinasabi nya dahil may biglang nag salitang lalaki na umaggaw ng attention naming dalawa.

"I'll get that shoes."maawtoridad na wika neto. Naka suot pa ito ng business suit na akala mo ay kagagaling lang ng meeting...

"Teka ako ang nauna jan e."Sigaw ko sa lalaking yun, dahil ako naman kasi talaga yung nauna dun sa sapatos na yun e.

Pero laking gulat ko ng biglang binigay nung sales lady yung sapatos sa unggoy na yun. Halos lumuwa ang mata ko sa gulat.

"Oi teka bakit mo sakanya binigay? Ei ako nauna dun e."Pinandilatan ko ng mata yung sales lady. Ngumiti naman ito na para bang nanghihingi ng tawad.

"Ikaw nga yung nauna pero sakin nauna ibigay."Mayabang na sabi nung lalaki. Aba't talaga  nga naman.

"Sorry ma'am ang pogi kasi ni sir e."malanding sabi nung sales lady. Halos umusok ang ilong ko dahil sa sinabi nya parang gusto kong sugurin ang babae dahil sa sinabi nya. Totoo namang gwapo itong kumag na lalaki na 'to e pero hindi sapat na rason yun para ibigay nya yung sapatos na para sa kapatid ko.

"Meron pa bang size 10?"Tanong ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Wala na po ma'am last na po yun e."Sabi nung sales lady sabay kamot sa batok nya. Diyos ko patawarin nyo sana ako kapag nasabunutan ko itong babaeng ito.

"Hoy manong ibigay mo na sakin yan, ako naman yung nauna jan e."Sabi ko at nag puppy eye pa ako siguro muka akong shunga dito pero keri lang, cute parin naman e para sa sapatos.

"What? What did you say?"tanong nya nakakatakot yung tingin nya para nya akong kakainin ng buhay.

Pero kaya ko 'to.

"Ang sabi ko ibigay mo na yan sakin manong-" diko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla itong nagsalita.

"Do I look like manong."Wika nya habang dahan-dahang lumapit saakin, lalo akong kinabahan dahil sa klase ng tingin nya ay parang ngayon na ang huling araw ko. Dahil sa takot ko nagtago ako sa likod nung sales lady.

"Ate tulungan mo ko, nakakatakot sya." Sabi ko habang nagtatago sa likod ng sales lady.

Bigla nalang tumawa yung unggoy, napatingin ako sakanya pero bigla syang sumeryoso.

"Date me first and I'll give you this shoes."sabi nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko.

“Ate tama ba ang dinig ko?” Tanong ko duon sa babae dahil baka nabibingi lang ako o baka naman ay pinaglalaruan na ako ng pandinig ko. Tama ba date? Baka naman sabi nya late.

“Opo ma'am tama po ang narinig nyo, sana all po sainyo ma'am.” Sabi ng babae at bahagyang napatawa.

“Nako ate, pareho na ata tayong bingi. Naglinis naman ako ng tenga kanina. Ikaw ba ate?” Tanong ko sakanya at natawa naman silang dalawa.

Baliw na ba itong dalawang ito?

“You hear it right, baby.” Sabi nung lalaki at halos mag wala ang reproductive system ko dahil ang manly ng boses nya.

“Grabe lord, hindi pa naman po ako matanda ah pero bakit nagiiba na po ang naririnig ko?” Mahinang sabi ko kay lord narinig ko pang natawa ang sales lady.

“Si ma'am talaga. I-date nyo na si sir oh. Ikaw pa talaga ang mag iinarte ma'am. Di ka naman po kagandahan.” Sabi ng sales lady.

“Aba't bastos yang bunganga mo ah.” Sabi ko sakanya.

“You want this shoe, right?” Sabat nung lalaki, ano ba naman ito nasa pinas kami pero kung maka english e wagas.

“Oo malamang.”Walang pag aalinlangang sagot ko.

“Then, date me.”

“Ha?” Parang tuod na sabi ko.

"Do I need to repeat what I said?"seryoso ng sabi nya.

"Fine, I said date me first then I'll gave you this. Deal??"Sabi nya at pinakita yung sapatos.

"Pero bakit ako?"Tanong ko sakanya. Sa dami ng babaeng pwedeng i date ako pa talaga? Gwapo naman sya at mukhang hindi ito mahihirapan na maghanap ng babaeng mas maganda at hot pa sakanya. Sigurado akong ang mga babae pa mismo ang lalapit sa kanya kaya hindi ko talaga magets kung bakit ako? Mayaman din naman sya at ang katawan nya ay mukhang babad sa gym. So bakit ako, isa lamang akong Diyosa na nanahimik sa sarili kong mundo.

Ganun ba ako kagada para sya mismo ang umaya sakin na makipag date, minsan hindi ko maiwasang sisihin ang mga magulang ko kung bakut gumawa sila ng gantong kagandang nilalang I mean look at me. Ang lalaking ito pa talaga ang nag aya.

“Gaga ka siya lang naman ang naglakas ng loob na idate kano. Tsaka wag kang mag maganda dahil hindi ka maganda. Assumerang babae na 'to.” Sabi ng isip ko sakin

Medyo harsh ang isip ko saakin natututo ng sumagot sagot. Kala mo naman may exam.

"Wag na madaming tanong."sabi nya at tsaka umalis sa harap ko, sinundan ko sya ng tingin lumapit sya sa isang lalaki at inabot ang sapatos tsaka may sinabi at umalis.

Napa tanga ako sa ginawa nya.

Seryoso ba sya?

As in date?



You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon