Chapter 10

939 49 0
                                    

Chapter 10
Nagising ako dahil sa sunod sunod na ingay ng aking cellphone kinuha ko iyon at tinignan muna kung ano ng oras.

11 na pala napasarap yung tulog ko.

Wala na sa tabi ko si melody ng magising ako napagpasyahan nyang dito nalang matulog kagabi matapos nung nangyari sa cafe ay umuwi na kami nun dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao roon.

Kapag naalala ko yung nangyari kahapon ay parang may kung anong matulis na bagay ang tumutusok sa puso ko. Kung paano nya ako tignan, nasasaktan ako kasi parang di nya ako kilala.

Naramdaman ko nalang na parang may tumutulong luha sa mukha ko agad ko itong pinunasan.

Bakit ako nasasaktan?

Bakit ako umiiyak ngayon?

Tuluyan ko na bang binuksan ang puso ko at nakapasok na duon si Dash.

Napa tigil ako sa pag e-emote ng biglang bunukas ang pinto.

"Gising ka na pala, Tara na kain na tayo nag luto ako ng adobo. Paborito mo yun diba?"sabi nya at lumapit saakin at malambing na yumakap. Niyakap ko sya pa balik yung sobrang higpit nagpapasalamat ako na meron akong melody na nanjan para saakin, naging sandalan ko sa lahat ng problema ko. Hindi nya ako iniwan hindi kaibigan ang tingin ko sa kanya dahil para sakin kapatid ko sya.

"Okay ka lang ba?" tanong nya sakin at tumango lang ako bilang sagot.

"Kain na tayo, Tumayo ka na at magmumug ka na dun ang baho ng hininga mo...Nakakaturn off."sabi nya at sabay tumawa ng malakas, inamoy ko ang hininga ko hindi naman mabaho siguro pinapagaan nya lang ang pakiramdam ko.

"Mauna ka na dun, susunod ako." sabi ko sakanya at kumuha ng tuwalya para maligo.

Nang matapos akong maligo ay hindi muna ako lumabas kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko ang messages at miss calls.

Merong 203 messages at 156 calls.

Galing lahat yun kay Dash.

Kagabi pa ito tumatawag at nag tetext pero hindi ko ito sinasagot.

From:Dash

Where are you?

Answer my call, damn it.

Hey.

Answer it.

Hindi ko na binasa ang iba dahil sobrang dami.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pagkalabas ko ay naamoy ko agad ang mabangong amoy ng niluto ni melody na adobo.

"Tara na kain na tayo." pagaaya ni melody, umupo ako at nilagyan nya ako ng plato at kutsara at tinidor sya rin mismo nag lagay ng kanin at ulam ko.

Bago kumain ay nag dasal muna kami.

Nasakalagitnaan kami ng pagkain ng maybiglang kumatok nagkatitigan kami at ng tatayo na sana sya ng bigla akong tumayo at pigilan ito.

"Ako na ang titingin kung sino yun." sabi ko sa kanya at pumunta sa may pinto Para silip in kung sino yun.

Nang buksan ko ang pintuan ay iniluwa nun ang isang lalaki.

Nawalang iba kung hindi si Dash Lazaro.

"Anong ginagawa mo dito" pagmamataray ko sakanya.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kagabi?" bungad na tanong nito sakin.

"Ano bang pake mo, di ko nga kayo pinakialaman ng babaeng kasama mo kahapon e." sabi ko sakanya at sya naman ay parang walang idea kung anong sinasabi ko. Ganun kunyari walang maalala.

"Babae?" tanong neto na nakakunot ang noo.

"Oo babae mo, kunyari ka pang di mo alam. Nanliligaw ka pa lang ganyan ka na pano pa Kaya pag sinagot na kita." sabi ko at tsaka ko inikot ang mata ko ng 360°.

"Wala akong babae." depensa nya.

"Anong wala ako ba talaga ginagawa mong bulag ha? May pa sabi sabi ka pang may emergency meeting ka tapos makikita kita sa Cafe na may kasamang babae." galit na sabi ko sakanya. Sa tono ng pananalita ko ay para akong nagseselos na girlfriend,wala na akong pake kung mahalata man nya yun o ano.

"Kasi naman nasa meeting ako kahapon. Anong oras mo ako nakita sa Cafe?" tanong nito sakanya.

"Mga bandang alas sinco." sabi ko sakanya.

"Nasa meeting ako nun dahil may dumating na investors." sabi nya na parang nag sasabi ng totoo.

"Sinungaling." sabi ko at nagcross arms.

"Kaya kong patunayan na nasa meeting ako kahapon, kung gusto mo tawagan ko ang secretary ko." sabi nya at agad na kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa ilang saglit lang ay sinagot na iyon ng sekretarya na binata.

"Hello miss secretary, May gusto lang akong itanong." sabi nya at ini-loudspeaker ang tawag.

"Yes sir?" sagot ng kanyang sekretarya.

"Nasaan ako kahapon ng bandang alas sinco?" tanong ni dash sa sekretarya nito.

"Nasa meeting po kayo, with the Italian investors sir." walang pagaalinlangang sagot ng sekretarya nito sa kabilang linya. Napangiti si dash yung ngiti na kala mo e nanalo sya sa lotto. Pinatay nya ang tawag at tsaka tumingin sakin.

"That's my twin brother." Nakangising sabi neto.

Twin?? May kambal si Dash??

"Twin brother??" tanong ko sakanya.

"Yeah, his name is Ashton Jace Lazaro." pag papakilala nito sa kambal nya.

"OH...MY... GOD!" hindi makapaniwalang sabi ko.

Ibig sabihin yung sinapak ni Melody kahapon ay walang iba kung hindi si Ashton.

Kaya pala ash ang tawag nung babae kahapon doon.

OMG, yari si Melody neto.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni dash ng bigla akong mapaluhod.

"I-ibig sabihin hi-hindi ikaw yun?" tanong ko sakanya sa mahinang boses.

"Hell no." kaswal na sagot nito saakin.

"Ibig sabihin hindi ikaw yung sinuntok ni Melody?" halos maiyak na ako dahil sa sobrang hiya.

"What? Sinuntok?" gulat na tanong nya at agad din yung napalitan ng halakhak tumawa ito ng pagkalakas lakas.

"Ba-bakit ka tu-tumatawa? Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Kinakabahang tanong ko bipolar ba tong lalaking 'to?

"Seriously?" tanong neto saakin at tango lang ang naisagot ko.

Napa tigil ang pagtawa nya ng biglang dumating si melody.

"Sino ba yang bisita mo? Bakit di mo papasukin?" sabi ni melody ng makita nya kung sino yun ay bigla nalang itong sumigaw.

"GAGO KA AH ANG LAKAS NG LOOB MONG PUMUNTA DITO. DI PA BA SAPAT ANG SUNTOK KO SAYO KAHAPON AT NAKUHA MO PANG PUMUNTA DI—" na putol ang sasabihin nito ng bigla akong magsalita.

"Melody hindi sya yun."Sabi ko kay melody medyo nagtataka ang mukha nito.

"—ANO IPAGTATANGGOL MO PA ITONG LALAKING TO HA? "bulyaw nya sakin.

"Kasi hindi naman talaga sya yun, yung nakita natin kahapon na lalaki sa cafe hindi sya yun. Kambal nya yun." paliwanag ko sakanya bigla namang namutla si melody.

"Hi-hindi s-sya y-yun?" nauutal na Sabi ni melody.

"Hindi yung lalaking sinuntok mo kahapon ay ang kambal nya si Ashton." sabi ko sanya at bigla itong naupo sa sahig at may sinasabi.

Hindi ko iyon narinig.

So hindi pala talaga si Dash yun.

Medyo nakahinga ako ng maluwag sa nalaman ko.



You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon