Chapter 20

824 50 4
                                    

Chapter 20

Papunta akong bayan para mamili ng kakainin namin sa buong linggo.

Pumunta muna akong super market para bumili ng gulay at mga karne.

Iniwan ko ang kambal kanila nanay Helena, hinatid ko sila kanina dun sa bahay ng dalawang matanda. Na katabi lang naman namin.

May nakita akong tindahan ng mga laruan pumunta ako duon para bilhan ng pasalubong ang kambal sigurado akong matutuwa sila.

At bumili din ako ng ice cream.

Sa kalagitnaan ng pagbili ko ay para akong may naramdamang may sumusunod sakin.

Tumingin ako sa paligid ko pero wala naman akong nakitang kung anong kahinahinala.

Pa punta na akong sakayan ng bigla nalang humila sakin at may pinaamoy na kung ano.

Unti unti akong nahilo.

Ito na ba ang katapusan ko?

Pinilit kong labanan ang antok pero hindi ko kaya.

Naramdaman kong sinakay nila ako sa van.

At duon na ako tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ako ng marinig kong may nagsalita.

"Grabe pare, ang ganda naman nitong pinadampot satin ni boss." sabi nung isang lalaki.

"Ang kinis nya pare, hindi na ako makapag hintay na ibigay sya sakin ni boss." sabi pa nung kausap nya. Nakaramdam ako ng takot sa mga sinabi nila.

Sinong boss?

Wala naman akong matandaan na mayroon akong nakaaway o ano.

"Oh gising na pala si miss beautiful e." sabi pa nung silang lalaki lumapit ito sakin para hawakan ang mukha ko.Hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko dahil tinali nila ito at nilagyan naman ako ng tali sa bunganga.

Nakita ko ang pagnanasa sa mga Mata nito. Nakaramdam ako ng pandidiri sa ginawang pag hawak ng lalaki sakin.

Pinalibot ko ang mata ko para kaming nasa warehouse na di na ginagamit.

Kailangan kong maging matatag para makauwi pa akong buhay sa mga anak ko.

'Lord ano bang nagawa ko sa past life ko at kailangan pa akong mapunta sa gantong sitwasyon, pero may tiwala ho ako sainyo alam ko pong di nyo ako pababayaan.'

Napa tingin ako sa pinto ng bumukas iyon.

"Ayoko po sainyo bitawan nyo po kami, isusumbong ka po namin sa papa namin." boses ng isang batang babae hindi ako pwedeng magkamali.

Si...

Zephyr...

Diyos ko kahit ako nalang ang mapahamak wag lang ang mga anak ko, nagmamakaawa po ako sainyo iligtas nyo po kami.

"Wag ka ng magsalita bata kung ayaw mong malintikan samin, bakit di ka gumaya dito sa kapatid mo tahimik lang."sabi ng lalaki.

"Mama?" tawag sakin ni Zachary tumingin sa gawi ko si Zephyr.

"Mama!" sigaw ni zep.

Tinabi nila sakin ang mga anak ko. Na kagaya ko ay nakatali din ang paa at mga kamay at nilagyan nila ito ng tali sa bibig.

Naawa ako sa mga anak ko, ang babata pa nila para makaramdam ng gantong takot.

Umiiyak si Zephyr sa tabi ko.

Napaiyak na din ako dahil wala akong magawa para itakas sila dito.

"Nandito na si boss." sabi nung lalaking nakabonet.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon