Chapter 26

712 41 6
                                    

Chapter 26

Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad saakin ang puting kisame. Lagi nalang akong nagigising na puting kisame ang una kong nakikita. Ayoko na ng ganto.

Tumingin ako sa kaliwan ng maramdaman ko na parang may makahawak sa kamay ko. Napakahigpit na hawak.

Nakahawak sa kamay ko si dash at na kayuko ito sa tingin ko ay tulog ang binata.

Kukunin ko sana ang kamay ko ng bigla syang gumalaw. At mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Para bang isa akong mahalagang bagay na ayae nyang mawala. Kung hawakan nya ako ay para akong kayamanan na dapat inggatan.

"Z-zuri?" sabi nya at dahan dahang inangat ang ulo nya mula sa pag ka kayuko. Mukha itong pagod dahil halata sa mukha nya, lagi nalnagbsya ang nag aalaga saakin. Darating ang panahon na makakabawi din ako sa kabutihang ito ni dash.

"A-ayos ka lang ba?... Masakit pa ba ang ulo mo?... Teka tatawag ako ng doctor." sunod sunod na Sabi nya at tsaka pinindot ang intercom. Para itong aligaga dahil sa ginagawa nito natataranta na hindi alam ang gagawin.

"I need a fvcking doctor now. Zuri needs a doctor." maawtoridad nyang sabi na akala ko ay sya ang batas.

"... Wag ka munang gagalaw parating na ang doctor." sabi nya tumawa naman ako dahil sa inaakto nya.

"Bakit ka tumatawa?" kunot noong tanong nya saakin.

Umiling ang ako habang pinipigilan ko ang tawa ko.

"What?" sabi nya at halatang naiinis na ang mukha nya. Ang sarap palang asarin ng isang ito. Ang cute-cute masyado nya kapag naiinis.

Sumeryoso ako.

"Ano palang nangyari kanina?" tanong ko sakanya.

"Hinimatay ka kanina,kaya di nala kita agad dito." Bakad ang pag aalala sa boses nito

Ano yung nakita ko kanina na imahe ng dalawang bata na tinatawag nila akong mama.

Parte ba yun ng nakaraang nakalimutan ko?

Kung ganun ay may anak ako?

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang doctor na si Doc. Montefiore sya din ang doctor na tumingin saakin nung nakaraan.

"Sumasakit pa ba ang ulo mo?" tanong nya sakin at umiling ako.

"Anong naramdaman mo nung sumakit ang ulo mo? May nakita ka bang kung ano sa isip mo?" tanong nya pang muli saakin.

"Para pong pinipiga ang ulo ko doc sa sakit, pa minsan minsang sumasakit pero nakakaya ko nama—" na putol ang sasabihin ko ng biglang magsalita si dash.

"Bakit di ka nag sasabi saakin pag nasakit ang ulo mo?" tanong sakin ni dash na patingin naman ako Kay doc na nakatingin Lang saamin.

"Kaya ko naman tiisin e, tsaka kanina lang naman sumakit ng todo." sabi ko sakanya tsaka nginitian sya. Tinarayan nya ako. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya,kita mo tong lalaking 'to dinaig pa ako kung makataray. Napa ka attitude ng taong ito.

"Tss." diko nalang sya pinansin at tumingin ulit Kay doc.

"May nakita ka ba na memorya mo o ano nung sumakit ang ulo mo? Meron bang parang video na nag play sa isip mo? Blurry ba?" tanong nito saakin at tumango ako.

"Opo doc, may nakita po akong dalawang Bata kaso blur ang mukha nila at tinawag po nila akong mama hindi ko po alam kung totoo bang nangyari yun... Pero para po kasing totoo." sabi ko sakanya at tumango tango lang.

Narinig ko na parang may binulong si dash pero diko naintindihan hindi ko nalang ito pinansin at nagpaalam naman si doc na aalis na. Pero bago ito umalis ay kinausap muna nito si dash.

Pwede na daw ako mamaya umuwi. Ang OA naman kasi sumakit lang yung ulo ko hospital na kaagad. Pero sabagay baka nga nagaalala saakin si dash kaya nya ako dinala dito.

Dinischarge na ako ni dash. At palabas na kami ng hospital.

"Dash pwede bang dumaan muna tayo sa park?" tanong ko sakanya.

Hindi ito umimik ang akala ko ay ayaw nya pero dinala nya rin ako sa Park. Nakaalalay lang sya bawat galaw ko.

Umupo kami sa may bakal na upuan dito sa Park.

Maraming batang naglalaro.

Pinagmamasdan ko sila. Ang sarap nilang pag masdan.

Pano kaya pag nagkaanak ako ganyan din ba sila kakulit?

Habang pinagmamasdan ko sila ay naalala ko ang dalawang batang nakita ko kanina habang sumasakit ang ulo ko.

Sino sila?

Nakita ko pang hinahabol ng isang lalaki ang batang babae sa tingin ko ay papa nya yun.

Kung hindi kaya pinatay sila mommy at daddy ganyan din kaya kami?

Hindi nag kulang sa pagpaparamdam ng pagmamahal ang mga kinagisnan kong magulang saakin.

Tinuring nila akong para nilang pamilya, hindi nila ako tinuring na outsider sa pamilya nila kung anong pagmamahal na binibigay nila sa anak nila ganun din ang binibigay nila saakin.

Pero kahit na sobrang pagmamahal na ang na ibigay nila saakin ay hinahanap ko pa din ang pagmamahal ng totoo kung magulang.

Masama ang loob ko kay daddy kasi hindi nya tinupad yung pangako nya.

Naniniwala na ako sa promises are meant to be broken.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko dahil nag halo halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman ko nalang na may nag punas ng mga ito at ng tignan ko Kung sino ito ay walang iba Kung hindi si dash. Lagi nalang nya nakikita ang mahina kong side.

Ngumiti ako sakanya at ginantihan nya din ako ng isang ngiti.

Nagulat ako ng bigla nya akong hilain papalapit sakanya at tsaka ako yakapin ng mahigpit. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nya.

"I'm always here for you... I won't leave your side always remember that." bulong nya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko bagkos ay niyakap ko sya ng mahigpit.

"... Because I love you." dagdag nya pa ng dahil sa sinabi nya ay parang nanigas ang katawan ko. Naramdaman ko na parang may Kung anong dumampi  sa leeg ko.

Pero tama ba ang narinig ko? Baka naman pinaglalatuan lang ako ng pandinig ko... Lalo na at kagagaling ko lang sa isang aksidente.

Mahal nya ako?

Totoo ba ang sinasabi nya?

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.
____

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon