Chapter 25

709 38 1
                                    

Chapter 25

Paano na punta dito ang kwintas na ito?

Hindi Kaya...

Omg!...

Ibig sabihin sya si...

Si...

D???

Sya yung batang lalaki nung gabing yun?

"Zuri? I thought you're with the kids and melody?" sabi ni dash, nakalabas na Pala sya ng cr. Hindi ko man lang namalayan.

Lumingon ako sakanya.

At pinakita sakanya ang kwintas ko.

"Ba-bakit nasayo 'to?" tanong ko sakanya.

Para akong maiiyak.

"Saan mo nakita yan?" tanong nya sakin at kinuha ang kwintas.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko at tumakbo ako sakanya at niyakap ko sya.

"Bakit hindi mo sinabi na ikaw pala si D?" tanong ko sakanya.

Galit ako sakanya kasi hindi nya sinabi na sya pala yung batang nagligtas saakin.

Pero mas lamang parin ang saya ko ng malaman kong sya pala yun.

"Gusto kong ikaw mismo ang magkakilala saakin." sagot nya at ginantihan din ako ng yakap.

Hinding hindi ko malilimutan ang gabing yun.

Dahil ang gabing yun,

Yun ang gabing na namatay ang totoo kong mga magulang.

Ang kinikilala kong nga magulang ngayon ay matalik na kaibigan ni mommy.

Sila ang kumupkop at nagalaga saakin.

Anim na taong gulang lang ako nung pinatay sila.

Kitang kita ko mismo kung paano sila pinatay at pinahirapan.

Mula ako sa mayamang pamilya at ang mga magulang ko ay maraming negosyo.

Wala akong kapatid.

-Flashback-

Masaya kaming kumain ng ng biglang may nagpaputok sa labas ng bahay.

"Dito lang kayo." maawtoridad na utos ni daddy.

"Pero dilekado sa labas Dominic." sabi ni mommy at tumayo tsaka hinawakan sa braso si daddy.

Kahit na anim na taong gulang palamang ako ay naiintindihan ko na ang mga nangyayari sa paligid.

Pinaintindi nila saakin na dilekado ang mundong ginagalawan namin.

Maraming gustong pumatay kay daddy.

Dahil kilala ang daddy ko sa pag gawa ng mamahaling mga alak at wine.

Maraming nagtatangka sa buhay nya, sa buhay naming mag-anak.

"Daddy please wag po." sabi ko sa maliit na boses at lumapit sakanya Para yakapin sya sa hita. Lumuhod ito para mag pantay kami.

Hinawakan nya ako sa mukha at hinalikan sa pisngi.

"lalabas lang ako anak para tignan ang nangyayari sa labas. Pangako babalik ako." sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.

Lumapit si mommy samin at nakikiusap parin Kay daddy na wag ng lumabas dahil baka mapahamak sya.

Matigas ang ulo ni daddy at lumabas parin sya nakita kong may kinuha si daddy na baril mula sa likod nya at lumabas.

"Lumabas ka jan Dominic! Harapin mo ako!" sigaw ng boses ng lalaki at nagpaputok ng baril.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon