Chapter 22

755 43 0
                                    

Chapter 22

Bumisita kanina dito sila mama at papa upang kamustahin ako. Sinigurado nilang maayos na ang lagay ko.

Ang sabi pa nga nila ay sakanila muna ang dalawang bata.

Sila daw muna ang mag-aalaga habang nagpapagaling ako.

Medyo nalulungkot ako dahil hindi ko sila makakasama.

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko sa dalawang batang yun at dun sa lalaking tinatawag nilang dash.

May kung anong meron sila na hindi ko alam. Parang kilalang kilala ko sila pero hindi ko alam kung kaano ano ko sila, pero magaan ang loob ko sa dalawang batang iyon.

Nakikita ko kasi sakanila na mababait sila at napalaki talaga sila ng tama.

Mamayang hapon daw ay pwede na akong lumabas sabi ng doctor.

May gagawin pa daw na examination sa akin at sa katawan ko pag tapos daw nun ay pwede na akong umuwi at magpahinga nalang sa bahay.

Sa bahay nalang siguro ako ni melody magpapahinga. Lagi naman ako nandun kaya alam kong ayos lang sakanya yun.

"Ready ka na bang umuwi friend?" tanong saakin ni melody. Excited na ako dahil finally makakalabas na ako ng hospital. Sana naman hindi na ako ulet makapasok dun. Ayoko na sa hospital, ayoko na ng amoy ng chemical.

Tumango ako at biglang bumukas ang pinto at pumasok duon ang lalaking nagngangalang dash may dala itong wheelchair.

"Let's go." sabi nya saakin at inalalayan akong sumakay sa wheelchair. Nang makita ko palang ang wheelchair ay lalo akong na- excite na umuwi.

Parang may libo libong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang hawakan nya ako at alalayan parang may kung anong nalipad mula sa tiyan ko, pero ang komportable ng hawak nya pakiramdam ko ay safe ako sakanya.

Napailing iling ako ano nanaman ba itong naiisip ko, nagiging malisosyo na akong tao.

Hindi ko alam kung anong pakiramdam itong nararamdaman ko pero ang alam ko lang ay masaya ako kapag nanjan sya sa tabi ko.

Marahan akong napabuntong hininga.

Sino ba 'tong lalaking to?

Ano ko ba sya?

Bigla tuloy gusto ko ng makaalala, gusto ko nang bumalik nag memoryang nawala ko, kung hindi man babalik ang memoryang iyon ay hindi ako papayag. Gagawin ko ang lahat para bumalik saakin ang mga alaalang Nakalimutan ko kahit na gaano pa ito kasakit o kasaya.

"Sandali lang ah, may tatawagan lang ako." paalam ni melody.

Lumabas si melody at naiwan kaming dalawa ni dash sa loob ng silid na iyon walang nagsalita saamin kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Da-dash?" sabi ko ng nauutal, bakit ako nauutal? Magtatanong lang ako.

Tumingin ito sakin. Kinilabutan akon klase ng tingin na ibinibigay nya saakin, puno iyon ng pagnaasa.

Grabe na talaga ang imagination ko. Pinilit kong kinumbinse ang sarili ko na imagination ko lang ang nakita kong emosyon sa mata nya.

Hindi naman siguro ako ganun na kaakit akit para pag nasaan e.

Pero sa ganda kong ito hindi iyon imposible.

Nagmamaganda ka nanaman.

Sabi ng isip ko.

"Hmmmm?" tugon nya. Bakit pakiramdam ko ay inaakit nya ako.

"A-ano ba kita?" tanong ko sakanya bakas sa mukha nya ang gulat sa tanong ko. Ayoko ng mag paligoy ligoy pa, baka kapag sinagot nya kung ano ko siya ay maalala ko o baka sa sagot nya ay ma trigger nya ang parte ng utak ko nanakalimot. Nararamdaman ko na malaki ang ambag nya sa nakalimutan kong ala-ala.

"Ayokong sabihin sayo kung ano mo ako." sabi nya sakin at halata sa mata nito na nasasaktan sya.

"... Gusto ko ikaw mismo ang makaalala  saakin, satin o sa kung ano man tayo." Sabi nya na puno ng hinanakit at nag iwas ng tingin.

"Alam mo sa tingin ko." sabi ko sakanya at tumingin ito ulet saakin. Ito nanaman ang tingin nya.

"Sa tingin mo ano?" tanong nya. Mukhang excited sya sa sasabihin ko.

"...Sa tingin ko gu-gusto kita." sabi ko sakanya at nagiwas naman ako ng tingin. Nakakahiya naman ngayon ko pa talaga naisingit ang kalandian ko. Ano ba yan Zuri napakalandi mo. Sabi ko sa sarili ko.

Isang minuto na ang nakalipas ng magsalita ito. Parang ngayon lang ito makabawi sa gulat ng sinabi ko sakanya. Ano namang nakakagulat sa sinabi ko? Sa panahon ngayon pwede nang babae ang mag first move ngayon ko lang 'to gagawin ayokong ako ang mag fi-first move.

"Gu-gusto mo a-ako?" tanong pa nito. Nauutal sya, napakurap ako dahil parang nakita ko na namula ang pisnge nya. Kinikilig ba sya?

Tumango ako.

"Kasi pag nakikita kita parang akong magkakaroon ng sakit sa puso dahil sa sobrang bilis ng tibok nito." pag amin ko sakanya. Nakita ko itong nakangiti ang ngiti nito ay umabot sa mga mata nya.

"Ta-talaga?" tanong nya pa, natawa naman ako dahil nauutal sya.

"Bakit mo ako pinagtatawanan." sabi nya saakin at sumimangot.

Ang cute nya para syang bata. Kanina lang seryoso syang kausap ngayon naman ay para itong bata.

"Ang cute mo kasi e." sabi ko sakanya at namula ang mukha nya. Kinikilig ba sya?

Tumalikod ito at lumabas.

"Hoy! Anong problema mo?" sabi ko sakanya medyo nilakasan ko ang boses ko pero hindi ito tumingin at diretso lang itong lumabas ng silid.

May nasabi ba akong masama?

Baka na offend sya sa sinabi ko?

Ano bang problema nya.

ILang minuto lang ay bumukas ulet ang pinto.

Iniluwa nun si dash.

"Anong problema mo bakit ka lumabas?!" sabi ko sakanya.

"Nag cr lang ako." sabi nya at tumingin kung saan.

Nag cr?

E may cr naman dito sa loob.

"Pinaglololoko mo ba ako? Bakit lumayo ka pa mayroon namang cr dito ah?" sabi ko sakanya. Mag c-cr lang kailangan sa malayo pa?

"Mayroon ba... Di ko kasi napansin e" sagot nya saakin.

Lumapit ito sakin at medyo yumuko para mag pantay ang mukha namin.

Tumingin sya sa mata ko.

"Zuri?" tawag nga sa pangalan ko.

Nakatingin lang ako sakanya at hinawakan naman nya ang mukha ko.

Tumingin sya sa labi ko at hinaplos ang mukha ko.

Unti unti nyang ni lapit ang mukha nya.

At...





You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon