Chapter 38

929 43 7
                                    


Chapter 38

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. May apat na sulok ang silid na ito.kulay puti at walang kagamit gamit maliban lamang sa upuan Kung saan ako nakagapos ngayon. Natatakpan din ng tape ang bibig ko. Hindi kalaunan ay bumukas ang pintuan at niluwa nito ang isang bulto ng lalaki at babae nang makita ko Kung sino ito ay nagulat ako.

Si tita Lourdes...

Sunog ang kalahating bahagi ng mukha nito at kasama natin ang leeg nito...

“Gising na pala ang pinakamamahal kong pamangkin.” parang baliw na sabi nito. Tumingin sya sa lalaking nasalikod nito. Sa tindig at itsura nito ay medyo may edad na sa tingin ko ay nasa mga 50+ na sya.

“Tanggalin mo ang tape sa bibig nya, Emanuel.” nagpantig ang tenga ko sa tinawag nya sa lalaki. Ibig sabihin sya ang pumatay sa mga magulang ko, sya ang dahilan kung bakit diko nakasama nang mas matagal ang Maga magulang ko.

“Masusunod, mahal ko.” Sabi ni Emanuel, Sumunod sya sa pinaguutos ni tita. Pagkatanggal nya ay natyempuhan ko ang kamay nya at kinagat ko ito ng madiin. Nagulat sila sa ginawa ko pero nang mabawi ni Emanuel ang kamay nya ay sinampal nya ako ng buong lakas, nalasahan ko ang dugo sa aking bibig at nagsimula ng humapdi ang pisngi ko pero hindi ko yun ininda iniisip ko Kung paano ako makakatakas sa mga hayop na ito.

“Walang hiya kang babae ka, muntik mo na akong mapuruhan.”Sigaw ni Emanuel at muli akong sinampal. Muli ay nalasahan ko ang dugo sa aking bibig. Hindi ako nagsalita pilit na pinapalakas ang aking loob.

“Kita mo ba ang mukha ko?” Tanong ni tita Lourdes na masamang nakatingin saakin pero hindi pa rin ako umimik.

“NAKIKITA MO BA ANG MUKANG ITO HA?” sigaw nya at lumapit saakin tsaka ako hinawakan ng mahigpit sa pisngi, halos maluha ako sa klase ng pag hawak nya sa aking pisngi at idagdag mo pa ang dalawang beses na pag sampal saakin ni Emanuel kanina. Dahan dahan akong tumango mabuti naman at binitawan nya na ang pisngi ko bago pumatak ang luha ko dahil sa sakin. Ayokong Ipakita sakanila na mahina ako,dahil gagamitin nila iyon laban saakin.

“At alam mo ba Kung sino ang may gawa nito saakin ha?” Tanong ulit nito saakin at umiling ako bilang sagot.

“Ang gumawa nito sa pagmumukha ko ay kundi ang demonyo mong fiance.” Sabi nya at nakikita ko ang galit sa kanyang Mata.

“H-hindi, hindi m-magagawa ni dash ang ganyang bagay.” Sabi ko habang umiiling. Tumawa naman si tita Lourdes na Para ba itong nababaliw.

“Hindi? Eto ng at nagawa nya sa mukha ko.” Sabi nya sakin, doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko.

Hindi...

Hindi magagawa ni dash ang ganung bagay... Kilala ko sya mabuti syang Tao.

Alam kong hindi nya yun magagawa.

“Shookt ka? Di mo ba alam kung anong mga kademonyuhang ginagawa nyang fiance mo?” Tanong ni tita Lourdes.

“Mabuting Tao si dash at hindi nya magagawa ang binibintang mo sakanya.” Sabi ko at hinila nya ang buhok ko.

“Gusto kong makaganti sa ginawa nya, bakit di ko nalang gawin sayo ang ginawa nya?” Sabi nya, isa Lang ang masasabi ko sa babaeng ito...

... Baliw sya

“Emanuel kunin mo ang gas sa labas.” Sabi ni tita Lourdes. Tumango si Emanuel pero pag bukas ni Emanuel pinto ay may tumutok sa ulo nya ng baril at walang kaawa awang pinutok ito, agad na tumumba ang katawan ni Emanuel at nang matumba ang katawan nito ay Para akong mawawalan ng malay nang makita ko Kung sino ang pumatay rito.

Si...

... Dash

“Do something stupid and your dead.” Sabi ko dash at tinutok Kay tita Lourdes ang baril, mas hinigpitan ni tita Lourdes ang pagkakasabunot sa buhok ko.

“D-dash.” nanghihinang sabi ko. Biglang sumakit ang tiyan ko. Nakita ko na nagbago ang expresyon ng mukha ni dash at mabilis na pinaputok ang baril at tumama iyon sa hita ni tita Lourdes dahilan para bitawan nya ako.

Biglang may pumasok na limang pulis sa silid na iyon. At si dash ay Dali dali namang tumakbo papalapit saakin at tsaka ako pinakawalan.

"Y-you... y-your bleeding.” Sabi nya at napatingin sa hita ko, agad ko itong tinignan. At may dugo na umaagos doon. Tinignan ko sya at binuhat naman nya ako. At inilabas sa silid na iyon at may nag aantay na ambulance sa labas.

“Don't fu cking close you're eye.” Sabi nya habang nakasakay kami sa ambulance. Nilalabanan ko ang antok pero mas malakas ito kesa saakin.

__

Nagising nalang ako dahil sa amoy gamot na ewan. Nangimulat ko ang Mata ko ay bumungad saakin ang puting kisame. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko na nanduon si dash sa tabi ng kamang hinihigaan ko at natutulog.

Pinagmasdan ko ang gwapo nitong mukha. Mukha itong anghel pag natutulog.

Gumalaw ito nang bahagya at naalimpungatan.

“G-gising ka na?” Tanong nya saakin, hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lamang sakanya.

“D-do you r-remember me?” kinakabahan tanong nya saakin. Dahan dahan akong tumango at Para itong natanggalan ng tinik sa lalamunan dahil sa ginawa ko.

“Thanks God! Do you want something?” Tanong nya saakin.

“SI tita Lourdes?” Tanong ko sakanya.

“Don't worry about them, nakakulong na sila.” Kalmadong sabi ni dash pero halata ang galit sa mukha nito

“I-ikaw ba talaga ang may gawa nun s-sa mukha nya?” Tanong ko sakanya at parang wala lang sakanya ang sinabi ko.

“So, Sinabi na pala mya sayo. What a fucking bitch.” Sabi nya sa walang emosyong boses. Hindi ko maramdaman ang pag sisisi sa boses nya, Tumango ako.

“bakit?”

“Because she deserve it.” Sabi nya na para bang wala lang sakanya yun.

“Pero dash—” di na natuloy ang sasabihin ko nang putulin nya ito.

“Don't stress yourself, Lalo na ngayon na buntis ka.” Sabi nya at napatanga ako sa sinabi nya.

“A-ano?”

“You're 7 weeks pregnant, Mrs. Lazaro... Now tell me do you still want to marry this Devil? Oh besides you don't have a choice but to marry me. Sinasabi ko sa'yo na wala ka ng kawala saakin kung kailangan na iposas kita sa sarili ko ay gagawin ko. Huwag mo lang akong iwan, I can't afford to lose you my Queen... The moment na kinausap mo ako nung una tayong nagkita ay tinatak ko sa isip ko na akin ka na.” Sabi nya na puno ng awtoridad kung angkinin nya naman ako ay parang isa akong mahalagang pag aari.

Hindi ako nagulat doon sa sinabi nya na buntis ako kasi expected naman na yun.

Pero yung tawagin akong  Mrs. Lazaro  yun ang mas kinagulat ko.

Mrs. Lazaro daw....

“Grabe ka naman kung makaangkin, pero pasalamat ka mahal kita. Baka kanina pa kita nasampal kung hindi. Tsaka papakasalan naman kita, lalo na at madadagdagan nanaman tayo...” Sabi ko sakanya at hinawakan ang mukha nya at dahan dahan itong hinihimas. “Kung makaarte ka naman kala mo ikaw ang babae.” Sabi kl at tinarayan ko sya nakita ko pa na nawala ang ngiti sa mukha nya.

“I love you.” Sabi nya at hinalikan ako ng mabilis sa labi at hinalikan pa amg tyan ko.

“Daddy can't wait to see you my little angel.”

“I love you too, Dash.”


You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon