Chapter 36

736 37 5
                                    

Chapter 36

Makalipas ang sampong araw na pag hahanda para sa kaarawan ng kambal ay sa wakas ay tapos na. Ang Sabi ko nga ay simple lang dapat pero si dash talaga ang nagpumilit na bigyan ng magarbong birthday party.

Sa isang hotel gaganapin ang birthday party ng kambal, kung sino sino ang inimbitahan nya, katamihan ay mga business man.

Tinawag ko sila Mama para ipaalala sakanila na ngayon ang birthday ng kambal although nasabihan ko na sila nung nakaraan.

ILang ring lang ay sinagot na ni mama ang tawag.

“Hello ma?”

“Kamusta na anak?”

“Okay lang po kami ma, mamaya po ah wag kayong mawawala sa party ng kambal ah.” nakangiting Sabi ko.

“Aba't syempre naman, ito talagang batang ito. Anong akala mo saakin ulyanin na at makakalimutan ko ang kaarawan ng pinakamamahal kong nga apo.” tumatawag Sabi ni mama sa kabilang linya.

“Si mama naman, ang aga-aga ay high blood agad. Pinapaalala ko lang naman po.” paliwanag ko at natawa naman ito sa kabilang linya.

“Oh sya ibababa ko na, para makapag handa kami. Lalo na ako mag papa salon ako at mag papa spa para naman mukha akong fresh sa party.” natawa naman ako sa sinabi ni mama.

“Sige po ma, kailangan kayo ang pinaka maganda doon ah. I love you.”sabi ko.

“I love you too anak, ba-bye.” paalam nito bago patayin ang tawag.

Nang matapos ang tawag ay napatingin ako sa natutulog na si dash. Tumabi ako dito at tsaka ko ito niyakap ng mahigpit. Bahagya itong gumalaw at sumuksik sa aking dibdib. Napangiti naman ako dahil sa ginawa nya.

7 pm magsisimula ang party, 5:30palang ngayon at inaayusan na kami ni Zephyr. Nagunpisahan nang ayusin ang buhok namin at lagyan ng make up.

“Mama, excited na po ako.” bakas sa mukha nito ang excitement.

“Huwag kang masyadong magalaw anak, baka mahirapan silang ayusan ka.” Sabi ko sa anak ko.

“Nako madame, okay lang po sanay na po kami sa ganito Lalo na po at Bata.” sagot ng baklang Nagaayos Kay Zephyr.

“Pasensya na ganyan talaga kasi yang si Zephyr e.” pag hingi ko ng pasensya sa kanila.

“Ang Ganda nyo pa rin po madame, namana po sainyo ni Zephyr ang Ganda nya.” papuri nito saakin.

“Diyos ko be, nagagandahan ka sa gantong mukha? Pero sabagay.” natatawang sabi ko, tumawa rin sila dahil sa sinabi ko.

Nang matapos kaming ayusan ni Zephyr ay nagpalit na kami ng aiming susuotin. Dress ang sakin at gown ang Kay Zephyr. Ang saakin ay kulay itim at ang Kay Zephyr naman ay kulay pula.

Biglang bumukas ang pinto Kung saan kami inaayusan. At iniluwa noon si dash at Zach.

Pareho itong Naka tuxedo navy blue ang Kay Zachary at black naman ang Kay Dash walang necktie ang Kay dash at nakabukas ang ilang butones.

Lumapit si Zach papalapit saakin at yumakap sa bewang ko.

“Mas lalo po kayong gumanda mama.” Sabi ni Zach at ngumiti, yumuko naman ako para halikan ito sa noo.

“Ang gwapo mo din anak, e ang kapatid mo anong masasabi mo sa damit nya.”

“I think she's ugly..” Sabi ni Zach at ngumisi, pati ba naman ang pag ngisi nito ay nakuha nya sa ama nya. Nasaan ang hustisya ha? Ako naghirap tapos kamukha nya ang ama nya.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon