Chapter 9

1K 62 0
                                    

Chapter 9

Natuloy na din ang date namin ni dash. At this time wala na akong naapakang Tae.

Nandito kami ngayon sa fishball-an, dadalhin nya sana ako sa mamahaling restaurant pero tumanggi ako.

Sabi ko sakanya okay na sakin yung mura lang.

Dinala ko sya sa karinderya kanina at natutuwa naman ako dahil hindi sya mapili sa pagkain. Nang makakita ako ng may nagtitinda ng fishball inaya ko sya. At sakto dahil di pa daw sya nakaka-kain nun.

"Ano bang gusto mo?" tanong ko sakanya.

"I want to eat that orange."sabi nya sabay turo sa kwek-kwek. Akala nya siguro orange.

"Manong isa nga pong kwek-kwek at sampong pisong kikiam." sabi ko sa nagtitinda at binigyan nya kami.

Binigay ko sakanya yung kwek-kwek.

"Try mo lagyan ng suka yan, para mas masarap." nakangiting Sabi ko agad naman nya itong sinunod.

"Hmmm, taste good." sabi nya bakas sa mukha nito na nasasarapan sya sa kwek-kwek.

"Eto, try mo din 'tong kikiam." pagkasabi ko sa kanya ay agad kong tinapat sakanya ang kikiam na nakatusok sa stick. Nakatingin sya sa mga mata ko at walang sabing sinubo ang kikiam ko.

Bigla nalang akong nailang sa paraan ng pagtitig nya parang may ibig sabihin yun. Nag-iwas ako ng tingin.

"Gusto mo din bang subukan yung palamig?"kaswal na sabi ko.

"Yeah?" sagot nito sakanya.

"Manong dalawang palamig nga po."sabi ko kay manong at tsaka inabot ang bayad para sa nakain namin.

"Ako na ang nagbabayad." sabi ni dash.

"Hindi na, ako na ako naman nag-aya sayo dito e Kaya Libre ko na." sabi ko sakanya at tsaka ngumiti

"Ito na yung mapalamig nyo, hija." agaw ng pansin samin ni manong.

"Salamat po." Nagpasalamat ako sakanya at tsaka kinuha ang inumin.

Ng matapos kaming kumain doon ay napagpasyahan naming maglakad papuntang park.

"Dash Lazaro?" may babaeng tumawag kay dash na patingin kaming pareho. Maganda sya pero mas maganda naman ako,Matangkad sya pero mabait naman ako.

"Yes?"nangunot ang noo ni dash na ani mo'y binabasa nya ang pagkatao ng babaeng tumawag sakanya.

"Jezel Solis, do you remember me?" malanding Sabi ng babae.

"Sorry but I don't remember you." walang emosyong sabi ni dash dito.

"We met in the club remember?" sabi pa ng babae na para na itong naiinis.

"Okay, we need to go." pormal na Sabi ni dash at hinila ako patungo kung saan. Malapit na ang magdilim dumadami na ang mga taong namamasyal.

Namalayan ko nalang na nandito na kami sa Park.

Umupo kami at pinanuod ang mga batang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang.

Bahagya akong napatawa ng makita ko ang batang muntik ng madapa.

Minus points na agad ako sa langit.

Nawala ang atensyon ko sa kanila ng tawagin ako ni dash.

"Zuri?" mababang tonong sabi nya.

"Bakit? Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko sakanya baka kasi di nya na e-enjoy yung ginagawa namin e pwede naman akong mag adjust.

Hindi ito sumagot tila may iniisip syang malalim.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon