Chapter 33

722 38 2
                                    

Chapter 33

Nagising ako ng may tumapik sa balikat ko, pero di ko muna idinilat ang mga mata ko.

“Wake up sleepy head.” Boses ni dash ang naririnig ko. Tinatapik pa rin nya ang balikat ko.

“Gigising ka o madadagdagan pa ng isa ang anak natin. You choose.” sa sinabing iyon ni dash ay agad akong napamulat ng mata ko at uupo sana ako ng maayos kaso nauntog ako.

“Aray, yung noo ko.” daing ko sabay hawak sa noo ko.

“I'm sorry I didn't mean to hurt you, ikaw naman kasi e nagkukunwari ka pang tulog.” Sabi nya saakin, tinignan ko sya ng masama.

“E bakit parang kasalanan ko pa? Ikaw nga dyan yung kung ano anong sinasabi e. Tapos ngayon kasalanan ko pa?” pagsusungit ko Kay dash.

Naglalambing na yumakap ito saakin.

“Sorry na kasalanan ko na okay? Kanina pa lang ako nagtanim tas naglilihi ka na sakin ngayon?” Sabi nito at pilyong ngumiti.

Namula ang pisngi ko sa sinabi nya.

“Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo Dash Gray.” inis na sabi ko sa kanya.

“Wag na mag tampo, kiss na lang kita.”sabi nya at walang pagaalinlangang hinalikan ako. Naistatwa ako sa ginagawa nya. Bumalik lang ako sa katinuan ng may kumatok sa bintana ng kotse ni dash.

Inayos ko ang sarili ko at binuksan ko ang pinto ng sasakyan ni dash.

Nang makalabas ako ay lumabas na din si dash.

“Kanina pa kayo nag park sa tapat ng bahay, tapos ang tagal nyong lumabas.” Mayroong mapaglarong ngisi sa mukha ni Ashton.

Napayuko nalang ako kahit dahil bahagyang namula ang buong pagkatao ko. Ganun ba kami ka tagal ni dash sa loob.

Tinignan ko ang bahay na pinagdalhan sakin ni dash.

Maganda malaki, hindi ito ang bahay na pinagdalhan nya saakin nung nakaraan.

Napa tingin ako sakanya.

“Ahhhm, kanino pala tong bahay na to?” tanong ko sakanya.

“This is yours.” maikling sagot nito kaya nalakunot noo akong tinignan sya.

“Wala akong matandaan na bumili ako ng ganto ka laki at ka gandang bahay dash... Teka isa din ba ito sa property nila daddy?” inosenteng tanong ko sakanya.

Natawa naman si Ashton at si Dash naman ay walang emosyon ang mukha.

“Tss, I brought this house for you.” Sabi nito.

“We totoo ba to dash?” tanong ko sakanya.

“Satingin mo ba joke lang to?” asar na Sabi nya.

“E bakit parang masama ang loob mo? Edi sana di mo nalang binili 'to.” inirapan ko sya magsasalita pa sana ito pero may biglang umiyak ng sobrang lakas. Boses iyon ni Zephyr agad kaming tumakbo papuntang loob para tignan kung anong nangyari.

Naabutan namin si Zephyr na nakaupo sa sahig at umiiyak si Zachary naman ay sinuntok ang isa pang batang lalaki at kinuwelyohan

“Shit/Fuck!” sabay na Sabi ni dash at Ashton natataranta pa silang dalawa kung anong gagawin ang patahimikin ba si Zephyr o ang awatin si Zachary at ang batang lalaki.

“Zachary Millar tama na yan.”Kalmadong Sabi ko at agad namang nitong binitawan ang batang lalaki. Nang bitawan nya ito ay parang wala lang sa batang lalaki na sinuntok sya ng anak ko, putok ang labi nito. Lumapit ako Kay Zephyr at ni yakap ito para pakalmahin.

“Anak bakit ka umiiyak?” mahinahong tanong ko sakanya.

“M-mama, h-hinalikan nya p-po ako sa p-pisngi.”sabi ni Zephyr at tsaka turo sa batang lalaki.

“WHAT?!” malakas na sabi ni dash. Sumiksik naman sa pagkakayakap si Zephyr saakin habang humihikbi pa rin.

“Chill lang bro, ang oa mo naman kasi maka react e baka naman friendly kiss lang ang ginawa ni Tyson.” pilit na pinapakalma no Ashton ang kambal nito.

“Kaya mo ba sya sinuntok Zachary?” tanong ko kay Zachary na ngayon ay nakayuko. Lumapit ito saakin at yumakap.

“Sorry po ma.. but he deserve it.” Sabi nito saakin habang nakayakap bahagyang nanlaki ang mata ko dahil. Sa sinagot nya. Diyos ko mag lilimang taon palang po ang mga anak ko pero Kung mag salita ay parang binatilyo na. Lumapit ako Kay Tyson Para tignan ang sugat nito, hindi naman ganun Kala lalim pero dumudugo.

“Nasaan ang First aid kit?” tanong ko kay Ashton. Umalis naman ito saglit at pag palik nito at dala na nya ang kit.

Agad kong ginamot ang sugat ni Tyson  walang nag salita ni isa saamin ang tangi lamang naririnig ay ang pag hikbi ni Zephyr sa tabi ko. Si dash ang bumasag sa katahimikan.

“Is that your kid ash?” tanong ni dash may Ashton.

“Of course not. Maingat ako kaya imposible...Kay Villarreal yang anak.” sagot ni dash.

“What's happening here?”boses ng isang lalaki napatingin kaming lahat doon. Tumakbo naman si Tyson papuntang pinto at ng makita ko Kung sino ang mga iyon ay hindi ako pamilyar sa mukha nila. Isang lalaki at babae, kasing tangkad Lang ni dash ang lalaki at kung tatanungin nyo ako kung sinong mas gwapo ay syempre si dash. Naka business attire ito at ang babae naman ay Naka jeans at black na blouse lang at flat shoes simple Lang ang suot nito pero masasabi kong bumagay talaga sa Ganda nya ang suot. Kahit ano sigurong suotin nya ay bagay sakanya.

“Your son kiss my daughter Villarreal.” Sabi ni dash

Tumingin naman yung lalaling tinatawag ni dash na Villarreal Kay Tyson na nakayakap na ngayon sa babaeng kasama ng daddy nya.

“it's that true, son?” tanong nito at tumango naman ang anak nya. Nakayakap ito sa babae na sa tingin ko ay mommy nya.

“Bakit mo sya hinalikan anak?” lumuhod ang babae para mag pantay sila ni Tyson.

“I like her that's why.” seryosong sagot nito sa ina nya, napangiwi naman ito.

“Diyos kong bata ka, limang taon ka pa lang.” Sabi nya sa anak nya.

“That's normal babe.” Sabi naman ni Mr Villarreal sa babae.

“Normal? Sayo normal yan Aaron kasi babaero ka, e yang anak mo bata pa yan tapos kinukunsinti mo pa.”medyo timaas ang boses ng babae. Tumingin ito sa gawi ko.

“Pasensya na sa ginawa ni Tyson sa anak mo ha, di na nya uulitin.” paghingi nito ng paumanhin saakin.

“Ayos na, pasensya na din sa ginawa ni Zach Kay Tyson. Mag sorry ka Kay Tyson anak.” Sabi ko at tsaka tumingin Kay Zachary.

“Pero mama—” pinutol ko ang sasabihin nya.

“Zachary! Isa!”sabi ko sakanya.

“Okay, I'm sorry.” medyo labag pa sa loob nya Kaya tinignan ko sya ng may pag babanta.

“Sorry.” ulit nya.

“Mag sorry ka rin sa kanila Tyson.” may diin sa boses ang mommy ni Tyson.

“I don't want to say sorry mom.” matapang na sagot ni Tyson sa ina nito. Pinanlisikan naman sya nito ng Mata.

“Fine, I'll do it. I'm sorry Zephyr your just so beautiful that's why I kissed you—”sabi ni Tyson.

“Tyson anak, ayusin mo ang paghingi mo ng tawad.” Sabi pa ng mommy ni Tyson at bumuntong hininga. Naman si Tyson.

“I'm sorry, that wouldn't happen again... ” Sabi nito kay Zephyr. Ngumiti ito ng nakakalong ngiti Kay Zephyr.

“... I hope you can be my girlfriend soon or—” bago pa nito matapos ang sasabihin nito ay nagsalita ang ama nito.

“We're leaving Lazaro.” Sabi ni Aaron at hinila ang magina nya palabas.

Nang tignan ko ang expression sa mukha no dash at madilim ito.

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ