Chapter 17

787 57 0
                                    

Chapter 17

After 5 years....

Sa limang taong nakalipas ay masasabi kong masaya at kontento na kami ng mga anak ko sa lugar na ito. Mababait ang mga tao dito, si Ashton ang nag-tago saakin dito... Hindi alam ni Dash na bumili si ashton ng malawak na lupain dito sa Visayas. Kaya kapag lalabas ako ay nag iingat ako o ang mga anak ko, dahil minsang nasabi saakin ni Ashton na nag hire daw ang kambal nya para mahanap ako. Marami na raw itong na hire na mga professional na imbestegador, pero ni isa ay walang nakahanap saakin o sa mga anak ko. Kahit hindi sabihin saakin ni Ashton na sya ang dahilan kung bakit hindi kami mahanap hanap ni Dash, alam kong may ginawa sya dun narinig ko kasi sya minsan nung dumalaw sya dito sa amin ng anak ko na may kausap sa telepono ang sabi pa nya ay kahit triple-hin nya pa ang binabayad ng kapatid ay ayos lang sakanya basta wag kikilos ang imbestegador ni dash.

Sino ba namang may ayaw ng ganun hindi ba? Uupo ka lang, relax relax then may sasahurin ka at triple pa.

Pero laking pasasalamat ko talaga kay Ashton dahil hindi sya tumatalikod sa pangako nya.

Nakahanap din ako ng pamilya sa lugar na ito.

Si nanay Helena ang umasikaso sakin dito habang nagbubuntis ako kasama nyang umalalay ang asawa nyang si tatay Berto.

Hindi nila kami tinuring na iba ng mga anak ko. Tinuring na nila akong anak dahil ang mga anak nila ay bumukod na sakanila.

Sila na din ang kinagisnang Lola at Lolo malayo kasi sila Mama at papa kaya minsan lang kami makapunta sakanila.

"Mama? May papa po ba kami?" tanong ng anak ko sakin. Parang may Kung anong tumusok sa puso ko sa tanong sakin ng anak ko.

"Nanjan naman si tito Ashton mo ah." sagot ko sa anak ko. Pinipigilan kong wag maiyak. Dahil alam kong naghahanap sila ng kalinga ng isang ama.

"Mama, gusto ko pa po ng ice cream. Subuan mo po ako." sabi ni Zep di na ito nagtanong pa. sinubuan ko ito at agad naman nitong binuka ang bibig para kainin ang ice cream, sinubuan ko din ng ice cream si Zac na naglalaro ng laruang kotse nya binigay ito sakanya ni Ashton.

Sa gulang na apat ay tuwid na silang magsalita.

Kapag pumupunta si melody at Ashton dito ay Lagi silang may dala Para sa kambal.

Masabi kong maayos ang pag papalaki ko sakanila lumaki silang magalang.

Si Zephyr bibo at masayahing bata pero grabe kung magalit. Nung inagaw nga ni Zachary ang krayola nya ay bigla nalang nitong sinuntok ang kapatid at nagkaroon ito ng black eye.

Si Zachary naman ay tahimik at seryoso lang pero mapang asar at mabilis magalit masyado itong protective sa kapatid nya. Nung nakaraan nakita ko  itong nakikipagaway dahil hinalikan daw ang kapatid nya dumugo ang ilong ng bata at todo cheer pa si Zep sa Kuya nito nagtatalon ito at sumisigaw pa ng "GO KUYA WAG KAG PAPA SAPAK."

Mabuti nalang at mabait ang nanay at di na kami pinabaranggay.

Narinig kong may kumatok sa may pinto agad namang tumakbo ang dalawa para buksan ito. Sinundan ko sila para tignan kung sino ang kumatok.

"Tito daddy!" sigaw ng dalawa. At agad itong yumakap sa binti ni Ashton.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nasa likod nya.

Ang mga magulang nila.

Si Mr and Mrs Lazaro.

Nang makita ito ni Zep ay agad itong nagpakilala.

"Hi pooo!, Ako po si Zephyr Milaruza Evangelista, pero ang tawag po nila sakin ay Zep pwede nyo din po akong tawaging Zep."bibong pagpapakilala ng anak ko.

"Apat na taong gulang." ipinakita pa nito ang apat na daliri at tsaka tumingin Kay Zac.

"Sya naman po ang kambal kong si Zachary Millar Evangelista, ang tawag po sakanya dito ay Zac pwede nyo din po syang tawaging Zac. Apat na taong gulang na din po sya gaya ko po." pagpapakilala nya sa kambal. Kahit kailan talaga napaka bibo ng batang ito.

"Kayo po ano pong pangalan nyo po?" inosenteng tanong ng anak ko sa magasawang Lazaro.

"Ako si Alice Lazaro at ito naman ang asawa kong si Henry Lazaro. Pwede nyo kaming tawaging mommy La at daddy lo." halos mangiyak ngiyal na Sabi ni madam Alice.

"Hello po mommy la." Niyakap ito ng anak kong si Zep. Tumingin ito at sakin at kay Zac.

"Pwede mo din ba akong yakapin apo" sabi ni madam alice.

Tumingin sakin ang anak ko at tumango naman ako, lumapit ito sa matanda at yumakap.

Tinignan ko naman si Ashton ng Pano-nila-nalaman-na-may-apo-sila-look.

Nagkibit balikat lang ito.

"Pa-pasok ho kayo."pag aaya ko sakanila.

Hinila naman ni Zep ang mommy La nya.

"Halika po, tignan nyo po ang mga laruan ko." sabi ng anak ko sa matanda.

Dinala ko sila sa sala at nag eenjoy ang mga anak ko habang kalaro nila ang Lola nila at si Ashton.

"Kailan mo balak sabihin Kay dash na may anak kayo? Sigurado akong malalaman at malalaman nya kung nasaan kayo. " Sabi ni sir Henry. Bahagya pa akong nagulat sa sinabi nya, pano nya nalaman na hinahanap ako ni dash.

"Wala pa po sa plano ko ang sabihin sa kanya na may anak kami. Baka hindi ko na rin po sabihin, gusto ko lang po ng tahimik na buhay. " sabi ko sakanya habang nakatuon pa din ang pansin ko sa mga anak ko.

"Sana sabihin mo sa anak ko ang tungkol sa mga bata. Awang awa na ako sa anak ko, napapabayaan na nya ang sarili nya. Walang araw na hindi ka nya hinahanap, aalis sya ng bahay para hanapin ka uuwi sya ng bahay na halos di na makalakad dahil sa kalasingan" sabi nya pa. Nakita ko pa ang pag iling nya bakas rin sa boses nya ang lungkot.....

"Hindi ko na ho kasalanan kung anong ginagawa ng anak nyo sa buhay nya, malaki na sya alam nya na ang tama at mali... Di na naman nya po siguro kailangan ang anak namin tutal may anak na naman po sya sa iba, ayoko pong makasira ng pamilya sir. Sabihin na nating sperm donor ko sya, hanggang doon nalang po siguro kami. Nakikiusap po ako wag nyo nalang pong sabihin na may anak kami. Masaya naman na po kami dito ng mga anak ko at kuntento, Kaya ko naman pong gampanan ang pagiging ina at ama sa kanila, sapat na ho siguro yun. " Sabi ko sakanya, hindi pa rin nawawala ang sakit at lungkot sa puso ko. Inaamin ko na walang araw na hindi ko na mimiss si Dash pero sa bawat araw na maaalala ko ang masasaya naming alaala ay laging napapalitan iyon ng sakit dahil hindi ko maitatangi ang katotohanan na nag mahal ako ng taong pamilyado na. Na hindi ko magawang maipakilala ang mga anak namin dahil natatakot ako na baka hindi nya tanggapin ang mga bata...

"Nirerespeto ko ang desisyon mo, but sooner or later baka malaman nya din  na may anak sya. Pero who knows baka simula pa lang alam na nya. " sabi ng matandang Lazaro at pumunta ito sa asawa nya Para laruin ang kambal. Kinabahan ako dahil sa sinabi nya. Paano nga kaya kung nalaman nya na may baby na naninirahan sa loob ng tiyan ko noon.

Kung alam nya man simula palang na may anak na kami ay lalo akong magagalit sa kanya dahil hindi nya kami agad nahanap.

"Sorry hindi ko nalaman agad na sinusundan pala nila ako." pag hingi ng tawad ni Ashton.

"Hindi ko kasalanan ash." sabi ko sakanya.

Hindi pa ako handa na malaman ni dash na may anak sya, ayokong saktan ang mga anak ko.

Hindi ko alam ang mga ganap sa buhay ni dash. Hindi ko rin alam kung may asawa na ba sya ang alam ko lang may anak sya.

Alam kong darating ang panahon malalaman din ni dash ang tungkol sa kambal.



You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveWhere stories live. Discover now