Chapter 2

2.1K 143 35
                                    

Chapter 2

Naglilinis si Zuri ng kanyang apartment ng biglang may kumatok.

Hindi kaya si melody yun.

Si melody ay kaibigan nya simula pa lang nung elementary sila naging magkaibigan sila dahil lagi syang binubully ng mga classmate nila nung elementary payatot kasi sya nung bata pa sya tinatawag nga syang stick noon e pero simula nung lumipat si melody sa school nila di na sya binubully kasi lagi syang pinagtatanggol ni melody o kaya naman ay nakikipag away pa ito para lang maipagtanggol sya kaya simula nun ang batang payatot at ang batang uhugin ay naging magkaibigan.

Lumapit ako sa pinto para buksan yun at laking gulat ko ng makita ko kung sino yung kumatok kanina.

Yung unggoy na nangagaw ng sapatos sa mall nung nakaraang araw.

"IKAW? ANONG GINAGAWA MO DITO? AT PAANO MO NALAMAN KUNG SAAN AKO NAKATIRA HA? UMAMIN KA NGA STALKER KITA NO?" Bulyaw nya sa lalaki, baka kasi kidnapper 'to tapos ganto pala yung modus nya diba. Mabuti na ang nag iingat.

"Wait, can you please lower your voice your too noisy. Masakit sa tenga." Sabi nya habang hinihimas ang tenga nya. Aba parang kasalanan ko pa na sumisigaw ako ah.

"ABA! ANO NAMANG PAKE KO KUNG MABINGI KA? AT ISA PA ANONG GINAGAWA MO DITO? BAKIT KA NANDITO?" sigaw ko ulet sakanyan.

"I will ask you a date? Remember the last time? I won't accept no."Sabi neto habang nakatitig sa kanya, naiilang na sya pero bahala na.

Nagiwas sya ng tingin dito.

"Busy ako, di pwede."pag kasabi nya nun ay sinarado nya ang pinto narinig pa nya na parang tinatawag nito ang pangalan nya habang kumakatok.

Pero teka pano nya nalaman yung bahay at pangalan ko?

Hindi kaya serial killer sya at ako na ang next target nya?

Pero ang pogi nya para maging killer ah, in fairness

O di kaya baka leader sya ng sindikato at balak nya akong kidnapin at kunin yung mga laman loob ko at ibenta.

Di pa ako ready mamatay.

Sa pag kakatanda ko ay wala naman akong sinabing pangalan at address ko nung una kaming nag kita ako nga ang natatandaan ko lang ang mukha nya. Di naman ako ganun ka ulyanin para di maalala yung nangyaring yun sa mall

Iiyak na ba ako?

Wag na tinatamad pa ako e mamaya nalang mga 10:24 magpapahinga muna ako mamaya nalang ako matatakot.

°°°

Tinignan ko ang orasan, dahil nakaramdam ako ng gutom. Mag se-seven na pala, nakatulog kasi ako agad nun pagkatapos kong mag linis e.

Sinuklay ko ang buhok ko at tinignan ko kung maayos ba ang aura ko o mukha akong dugyot sa salamin. Lalabas ako bibili lang ako sandali ng barbecue sa may kanto. Di na ako nag abalang mag saing dahil bibili nalang ako ng kanin sa karendirya ni aling Minchi.

Kinuha ko ang wallet ko at tinignan ko kung may laman ba ito dahil ayoko ng bumalik mamaya sa bahay para kumuha lang ng pera

Pag kabukas ko ng pinto ay halos lumuwa ang mata ko sa gulat dahil nakita ko yung lalaki kanina na nakaupo sa may gilid ng pinto ko.

Agad itong napatayo ng makita ako, sumuray ang ngiti sa labi nito.

“Diyos ko, bakit nandito ka pa? Diba pinaalis na kita kanina?”Sabi ko, hindi naman ako ganun kasama para hindi makunsensya sa ginawa kong pag papaalis sakanya kanina. Kung alam ko lang sana na ganto edi sana hindi ko na sya sinigawan kanina at pinaalis nalang sya ng maayos.

“I'm sorry, Ikaw kasi e.” Sabi nya sa mababang boses. Okay na sana e kaso sinisi pa ako.

Bigla nyang naalala na binili sya ng makakain nya. Kung kanina pa itong lalaki na ito dito. Ibig sabihin ay hindi pa sya kumakain.

“Teka kumain ka na ba?” Tanong ko at may bahid ng pag aalala ang boses ko.

“I just drink coffee for breakfast and nothing for lunch.” honest na sagot nya saakin.

“At nakakaya mo? I mean nakakaya mo na iyon lang ang laman ng tiyan mo? Diyos ko bakit ka naman hindi kumakain, mabuti at hindi pa butas yang bituka mo.” Sabi ko sakanya dahil hindi ko kinakaya yung pinag gagagawa nya sa buhay.

“I'm a busy person, so i always skip meals.” Pangangatwiran nya na ikinakunot ng noo ko.

“Anong connect ng pagiging busy mo sa pag kain mo? May oras ka sa ibang bagay tapos sa pag kain ay wala kang oras. Aba'y mali yun, halika samahan mo ako at kakain tayo sa karendirya dahil hindi ako nakapag luto.” Sabi ko sakanya at walang sabi sabing hinila ko ang pulsuhan nya. Para akong nanay na at sya ang anak ko na ayaw kumain, diyos ko ang dami daming taong walang makain tapos ang isang ito ay nag papalipas. Mukha naman syang mayaman, di kaya nag papanggap lang itong mayaman?

Nang makarating kami sa karendirya ni aling Minchi ay ako na ang umorder ng kakainin namin.

“Aling Minchi kakain po kami.” Sabi ko kay aling minchi at agad namang nangasim ang mukha nya dahil sa sinabi ko.

“Ako nga tigil tigilan mo sa kakaaling minchi mo, Zuri dalaga pa ako no.” Pag susungit ni aling minchi saakin palibhasa menopause na e.

“Whatever aling minchi. Order ako ng  apat na plato ng kanin, isang sisig, isang pinakbet, anim na lumpia at dalawang libreng sabaw.” Sabi ko kay aling minchi at tumingin ako sa kasama ko.

“May gusto ka pa bang idagdag?” Tanong ko sakanya dahil baka may gusto pa syang kainin.

“Wala na, That's okay with me.” Sagot nya at napa tingin naman si aling minchi sa binata.

“Boyprend mo? Zuri? Aba tiba tiba ka kung nag kataon. Maisasalba mo ang itsura ng magiging anak mo dahil panigurado akong magiging kamukha ng Boyprend mo.” Pang aasar ni aling minchi saakin.

“Ikaw talaga aling minchi, mag kano lahat?” Tanong ko sakanya.

“Bale 150 lahat ito.” Sabi ni aling minchi at inabot saakin ang nakabalot ma pagkain na pinamili ko.

Dumudukot pa ako sa wallet ng pera ng biglang mag abot ng pera yung lalaki kay aling minchi.

“Here.” Sabi nya at abot ng bayad kay aling minchi at sinuklian sya.

Habang papalakad kami papa uwi ay medyo awkward...

“Dapat hindi mo na binayaran, ako na dapat ang nag bayad e.” Basag ko ng katahimikan sa pagitan namin

“That's fine with me.” Sagot nya.

“Okay, Thank you. Ito na yung date na sinasabi mo ah, huwag ka ng mag e-expect ng isa pa.” Sabi ko sakanya at bago sya nginitian. Kailangan kasing mag pabebe muna ng kaunti para naman magmukhang dalagang pilipina ako.

“Let's see.”



You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon