Chapter 5

1.4K 77 3
                                    

Chapter 5

Pag kabukas ko ng pinto bumungad agad sakin si melody na nag kakape.

"HOY BABAE SAAN KA GALING? BAKIT MO KO INIWAN KAGABI SA BAR? MAY KASAMA KANG LALAKI NO? SAAN KA NATULOG? SUMAGOT KA!" Sigaw saakin ni Melody. Na akala mo nanay ko sya.

"H-hi friend bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at ngumit. Ang totoo ay kinakabahan ako. Napaka bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, si melody lang ito pero yung kaba ko ay parang nanay ko sya na nahuli akong lumandi.

"SAAN KA GALING? BAKIT MO AKO INIWAN KAGABI SA BAR? GAGA KA BUTI NALANG NAKAUWI PA AKO NG BUHAY! "sigaw nya ule sakin. Galit na galit sya masyado yan ang nakakatakot kay melody kung makasigaw ay akalanmo walang bukas.

"A-ang galing m-mo talaga, kasi bibihira lang ang nakakauwi ng ma-maayos ang l-lasing." Sabi ko na magkanda buhol buhol na ang dila ko. May namunuo na ring pawis sa noo ko kaya agad ko itong pinunasan. Bakit va ako kinakabahan e si melody lang naman ito.

Kahit na, ano naman kung si melody ito dapat hindi ako matakot kasi si Melody lang ito.

Yun na nga e si Melody lang kito kaya kailangan kong matakot.

"Ako pa kailan ba ako naging mahina, ako nga wag mong inuuto. Saan ka galing kagabi at bakit ako lang ang nakauwi? Kanino ka natulog? Paano kung napahamak ka? Pinaaral kita! Tapos ito ang igaganti mo saakin, nagpakahirap akongbigapang kayong magkakapatid tapos ganto ang gagawin mo! Kung alam ko lang na ganto ang gagawin mo sana di nalang kita pinag aral." Sigaw nya saakin at nangunot naman ang noo ko dahil dun. Ang topic ay ang hindi ako nakauwi kagabi pero bakit naman ganyan ka advance ang sinasabi ng babaeng ito.

“Ano ba yang pinagsasabi mo friend?” Naguguluhang tanong ko sakanya dahil masyadong malayo na ang topic ng isang ito.

“Ganyan ang sinabi nya tiyahin ko sa pinsan ko nung nabuntis sya ng maaga.” Sabi nya ng nakapamewang pa.

Napailing ako dahil sa inasal nya kahit kailan talaga itong si Melody ay napaka sira ulo. Minsan naiisip ko kung talaga bang may sira angbulo neto e, kung titignan mo sya at hindi kayo mag kakilala parang normal at mahinhin na babae lang sya eh wag nga lang mag sasalita dahil kapag nagsalita na ito ay para itong machine gun. Minsan naman ay mapaglakamalan mo syang rapper dahil sa sobrang bilis magsalita kala mo may sinalihang rap battle eh.

May susi  sya ng bahay ko binigyan ko sya ng duplicate para papasok nalang sya. Ganun din naman ako sa bahay nya e, binigyan nya ako ng susi ng bahay nya para mabilis akong makapasok sa bahay nya ng walang abala.

"Alam mo friend nakakaliit ng boobs yang kape."malumanay na sabi ko sakanya. Buti nalang at nahagip ng mata ko ang kape na iniinom nya kaya iibahin ko nalang ang usapan.

Tama ganyan nga ang gagawin ko para di nya ako pagalitan.

Tumingin sya sakin na parang nagulat sa sinabi ko mabilis nyang binitawan ang mug na hawak nya sa lamesa at tsaka humarap sakin.

"Talaga friend?" tanong nya sakin sabay hawak ng magka ilang braso ko.

"Oo." sagot ko at napatingin pa sa dibdib nya. Baby bra warrior kaya itong si Melody.

"Kaya naman pala ganto kaliit 'tong boobs ko, ngayon alam ko na ang dahilan." Madamdaming sabi nya binitawan nya ako at tsaka hinawakan ang dibdib nya bumuntong hininga sya na para bang wala ng pag asang lumaki yun, parang akala mo ay pasan nya ang buong mundo.

Well di ko naman talaga alam kung totoo ba talagang nakakaliit yun ng boobs. Nabasa ko lang naman yan sa epbi e.

Pero kung titignang maigi ang dibdib ng kaibigan ko muka ngang totoo yun totoo ang nabasa ko.

"Hoy, akala mo nakaligtas ka na ha? Saan ka galing kagabi?"sabi neto sakin habang pinandidilatan ako ng mata na para bang may ginawa akong krimen.

Napalunok ako at tsaka tinignan sakanya.

Sasabihin ko na sakanya yung nangyari? Nakakahiya kasi e.

Sure ako pagtatawanan ako neto.

Sasabihin ko na nga lang, ganun din naman e. Kung hindi ko sasabihin ay kukulitin lang ako ni melody hanggang sa wala na akong pagpipilian kung hindi sabihin sakanya yung nakakahiyang bagay na ginawa ko sa condo nung lalaking yun.

Teka ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa alam yung pangalan ng lalaki sa mall.

Well pogi naman sya.

Mapungay ang mga mata.

Mapulang mga labi.

Makapal na kilay.

Lalo pang nagpapogi sakanya yung jawline nya.

Napansin ko din na may nunal sya sa mukha.

Maganda ang pangangatawan nya.

"Hoy babae ka bakit ka nalang natutulala jan bigla-bigla anong iniisip mo ha? Tsaka sabihin mo na kasi kung saan ka naggaling kagabi at saan ka natulog para naman alam ko yung mga ganap mo sabuhay." Sabi nya sakin, napaka kulit talaga ng babaeng 'to.

"Natulog ako dun sa condo ng lalaki sa mall?" Sabi ko sakanya. Bigla namang nanlaki ang mga mata nya at bigla nalang sumigay.

"OMG AS IN OH MY GOSH!" Sabi nya sakin bakas parin ang gulat sa muka neto.

"Ang OA mo naman mag react friend, kumalma ka nga lang." Sabi ko sakanya.

"BUNTIS KA? SINO ANG AMA YUN BANG LALAKI NA YUN?NALAMAN MO NA BA YUNG PANGALAN? ANONG PANGALAN NYA DALI SABIHIN MO SAAKIN. IN-FAIRNESS ANG POGI NG TATAY NG MAGIGING INAANAK KO."sigaw nya sakin tignan mo tong babaeng to.

"kumalma ka nga, ang advanced mo naman mag isip. Buntis agad?" tanong ko sakanya.

"So ano na nga yung nangyari?dali na friend kwento mo na." Sabi nya saka umupo.

"Nalasing ako kagabi, diba? Tapos sya nag dala sa akin sa condo, ang akala ko nga nung una ikaw yung kasama ko e. Niyakap yakap ko pa sya pero nung mahawakan ko yung birdy nya e ayun na nga confirm, hindi ikaw yun." Maikling kwento ko sakanya sandali syang natahimik ang hindi nag tagal ay bigla syang tumawa ng pag kalakas lakas.

Ito na nga ba ang sinasabi ko e...

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat