Chapter 14

845 51 0
                                    

Chapter 14

Mahigit isang buwan na ng makabalik kami ni dash dito sa Manila. Sa nakalipas na isang buwan ay sobrang saya ko sa piling ni Dashie.

Kagigising ko lang at naabutan ko si melody sa may sala nanunuod habang kumakain.

"Gising ka na pala."sabi nya. Kung makaupo at makalamon ay akala mo sakanyang bahay ito. Napailing nalang ako dahil kaya pala ang bilis maubos ng mga stock ko dahil sya ang salarin kinakain nya ang pagkain ko.

Tinignan ko sya ng masama, bakit sya nandito? Ang gmaga aga nandito agad. Sa pagkakatamda ko ay may bahay naman itong babaeng ito hindi pa naman sya homeless e.

"Bakit ganyan ka makatingin sakin?" tanong ni Melody bago inumin ang gatas na hawak nito sa lalagyan ito mismo uminom. Nag init ang ulo ko sa nakita ko. Akin yun e.

Lumapit ako sakanya at inagaw ang gatas habang nainom sya.

"Teka bakit mo inagaw, umiinom Lang ako e. Akin na yan penge, para naman 'tong others. "sabi ni melody at pilit na inagaw ang gatas sa kamay ko.

Nilapag nya ang gatas ng bigla akong umiyak natataranta itong tumingin sakin.

"Ba-bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong nito sakin. Patuliy lang ako sa pag hikbi dahil ang sama ng loob ko kay Melody.

"Gatas ko yan e bakit mo ininom, akin yan e. Napakasama mong babae ka." umiiyak na Sabi ko sakanya.

"Seriously?? Umiiyak ka ng dahil Lang sa ininom ko ang gatas mo?" tanong nito tumango ako, maiyak iyak na tumingin ako sakanya.

"Ano bang nangyayari sayo Zuri. Para Kang tanga." Lalo akong na paiyak sa sinabi nya.

"Ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba? May masakit ba sayo? Ano magsalita ka." may halong pag aalala sa boses nito.

"Yu-yung gatas ko." sabi ko.

"Bilhan moko ng gatas, madaming gatas. Para di na kita awayin." dugtong ko.

"Sige, wag ka lang iiyak." sabi nito. Tumigil ako sa pag iyak.

"Talaga?" tanong ko sakanya at tumango naman ito. Niyakap nya ako pero agad ko syang tinulak.

"Ano ba melody? Bakit ganyan yung amoy mo? Naligo ka ba?" tanong ko sakanya. Bakas ang gulat sa mukha nito dahil sa ginawa ko.

"Huh? Naligo naman ako ah" I amoy nya ang sarili.

"Mabango naman ako e, di naman ako mabaho ah." sabi nya sakin.

"Maligo ka dun, tsaka palitan mo yung pabango mo ang baho e." sabi ko.

"Okay, magbihis ka at mamimili tayo ng gatas mo at ng stock mo na rin." sabi nya sakin at nagpunta sa cr.

Pumunta na din ako sa cr sa kwarto ko para maligo.

Nang matapos ako ay lumabas ako at nandun na si melody sa sofa inaantay ako lumapit ako sakanya Para amuyin. Ang bango nya.

"Anong ginamit mong pabango melody? Ang bango mo grabe." sabi ko sakanya.

"Wala, di ko naman ginamit yung pabangong ginamit ko kanina e." sagot nya.

"Ang bango bango mo talaga." sabi ko sakanya habang inaamoy sya.

"Ang weird mo ngayon friend." sabi nya sakin.

"Tara na nga, gusto ko kumain ngayon ng ice cream at tuyo." sabi ko sakanya.

Nang makarating kami sa grocery store ay agad akong kumuha ng mga gusto ko kumuha ako ng gatas at ice cream.

"Punta tayo dun sa mga cheese" sabi ko sakanya sya ang nagtutulak ng push cart.

"May gusto ka pa bang bilhin?" tanong nito sakin.

"Gusto ko ng tuyo." sabi ko sakanya.

"May tuyo ba dito?" tanong nya.

"Ayoko ng tuyo dito." sabi ko sakanya Sana makauwi na kami gusto ko ng kumain ng tuyo na ginisa sa ice cream at cheese na may bagoong.

"Saan naman tayo bibili?"tanong nya.

"Edi sa palengke, at bibili rin tayo ng bagoong." sabi ko sakanya.

"Ang weird mo talaga ngayon friend, sure ka bang okay ka Lang?" tanong nya sakin halatang nag aalala sya.

Tumango ako bilang sagot.

Nang makauwi kami ni melody ay kinuha ko agad ang ice cream, bagoong, cheese at tuyo.

Pumunta ako sa kusina para mag luto.

Bigla namang pumasok si melody sa kusina.

"Ano yang niluluto mo ulam natin?" tanong nya sakin.

"hindi Para sakin Lang 'to" sabi ko at sinimulan ng iprito ang tuyo.

"Ang damot mo—" naputol ang sasabihin nya ng bigla akong sumigaw.

"AKIN NGA LANG TO!" sigaw ko.

"—pero penge ako." sabi nya pa di ko na sya pinansin.

Nang maluto na ang tuyo ay hinango ko ito at yung kawaling pinag prituhan ko ng tuyo ay nilagay ko don ang ice cream, hinintay ko iyong natunaw at hinalo ang bagoong ng kumulo ito ay nilagay ko ang tuyo at cheese, ang bango ng amoy. Hinantay kong matunaw ang cheese at nilagay iyon sa Plato.

"Ano yan?" tanong nya saakin habang sarap na sarap naman ako sa kinakain ko.

"Ice cream na may tuyo bagoong at cheese. Bawal Kang humingi." sabi ko sakanya at nilapit ko pa sakin ang pagkain ko para di nya makuha.

"Yuck, anong klaseng pagkain yan?" tanong nya sakin.

"Buntis ka ba?"

Nabigla ako sa tanong ni melody.

Ako buntis?

Napaawang ang labi ko ng Maalala kong delayed pala yung menstruation ko ngayon hindi Kaya?

"Melody?" halos maiyak na tanong ko.

"Kanina kasi ayaw mo sa pabango ko tas iniyakano yung gatas na ininom ko tapos ngayon Yan naman. Buntis ka ba Zuri?"

"Melody anong gagawin ko Kung buntis nya ako?" tanong ko sakanya.

"Gumamit ka muna ng PT Para makasigurado tayo."

"antayin mo ako dito bibili ako ng PT." sabi nya sakin at umalis.

Pano nga Kung buntis talaga ako.

Nang makabalik si melody ay may dala syang PT lima ang binili nya.

"Oh, gamitin mo lahat yan Para makasigurado." sabi nya sakin agad naman akong pumunta sa cr.

Halos maiyak ako ng magkaroon ng dalawang guhit ang limang PT, ibig sabihin ay buntis ako.

Pag labas ko ng cr ay agad akong sinalubong ni melody.

"Anong resulta friend?" tanong nya.

Pinakita ko sakanya ang lahat ng PT at tumalon talon ito sa tuwa.

"Buntis ka nga, masaya ako Para sayo." Niyakap nya ako.

Buntis nga talaga ako.

Magkaka baby na kami ni dash.

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon