Chapter 8

1.1K 64 0
                                    

Chapter 8

Gising na yung katawang lupa ko pero di pa rin naka mulat ang mga mata ko.

Tinatamad pa akong dumilat.

Ang sarap ng tulog ko dahil siguro dito sa unan na yakap ko ang bango kasi.

Ang laking unan naman nito.

Parang may mabigat sa may bandang bewang ko parang may nakapatong na kung ako roon.

Minulat ko ang aking mga mata ganun nalamang akong pag kagulat ko ng makita ko ang position namin sa pag tulog ni dash naka unan ako sa mga braso nya at nakasiksik sakanya samantalang sya naman ay nakayakap sa akin at ang isa kong hita ay nakaipit sa hita nya.

Gumalaw sya ng konti at mas lalo akong niyakap siniksik nya ako sa dibdib nya at mas lalo akong nagulat ng halikan nya ako sa gilid ng noo ko. Grabe naman ang bango nya kahit bagong gising nagpanggap nalang akong tulog pero bigla iyong nag salita.

"Wag ka ng magkunwaring tulog ka." Sabi nya sakin habang yakap pa din ako.

Gising naman pala 'tong hayop na' to nagpapanggap lang din na tulog.

"Pareho lang naman tayo nagpapanggap na tulog e tas kung makayakap ka naman parang huling araw ko na ngayon." Sabi ko sakanya at kumalas ako sa yakap nya,pero nagmamatigas sya at mas lalo pa akong niyakap.

"Let stay like this for a while." wika nya at wala na akong kong nagawa. Sa ilang araw na nakakasalamuha ko ang unggoy na 'to ay nasanay na rin ako sa presensya nya. Napatingin ako sakanya nakapikit sya na animo'y tulog.

May sinabi sya pero hindi ko narinig.

"May sinasabi ka?"tanong ko sakanya.

"Wala." maikling tugon nya.

Nagkatitigan kami ng marinig namin ang biglang pagkalam ng sikmura ko.

"Hmm...p-pwede ka na bang bumitaw sa pagkakayakap sakin nagugutom na kasi ako e." Sabi ko sakanya sa mababang boses. Binitawan nya naman ako.

Pumunta agad akong cr para maghilamos at mag toothbrush.

Pagka labas ko ng kwarto naka higa parin sya.

"Hindi ka pa ba nagugutom." tanong ko.

"Nagugutom, mauna ka na dun maliligo muna ako." Sabi nya habang Naka pikit.

"O-okay." Sabi ko at lumabas ng silid pag ka labas na pagkalabas ko palang naririnig ko na yung inggay nila mama.

"Mama, ang daya daya po ni Cara naka dalawang itlog na po sya at tatlong hotdog." reklamo ni Carter kay mama. Napalabi naman si Cara.

"Hayaan mo na Carter. Alam mo naman yang kapatid mo e matakaw." nakangiting sabi ni mama.

Bigla namang dumila si Cara Kay Carter nung di nakatingin si mama.

"MAMA SI CARA OH." sigaw ni Carter at bigla namang bumalik sa normal si Cara na parang walang nangyari.

Napailing ako.

"Good morning." bati ko sakanila. Hinalikan ko sila isa isa at binati. Umupo ako sa tabi ni Rem.

"Good Morning ate." bati nya sakin.

Dumating si dash sa hapagkainan ng bagong ligo at binati kami ng magandang umaga napuno ng inggay ang hapag.

°°°

Dalawang araw na mula ng makauwi kami ni dash galing sa probinsya namin.

Normal naman ang takbo ng mundo dito sa Manila. Magulo, maingay at traffic wala namang nagbago ganun pa rin ang hangin dito polluted dahil sa dami ng sasakyan. Konti nalang din ang puno, kung ako ang papipiliin mas gusto kong tumira sa probinsya doon sariwa ang hangin tahimik payapa ang buhay hindi kagaya dito sa Manila.

When The Devil Falls In LoveWhere stories live. Discover now