Chapter 18

756 52 0
                                    

Chapter 18

Umuwing umiiyak ang babae kong anak at pilit itong pinapatahan ng kanyang kuya.

"Shhhh... Wag ka ng umiyak, nasuntok ko naman sya sa bunganga e. Di na nya tayo aasarin sa susunod." pag aalo  ni Zac Kay sa kambal nito.

"Pe-pero ku-kuya, nasaan na-na ba ang pa-pa natin? Di na ba nya ta-tayo love kaya wa-wala sya dito?" tanong ni Zep sa kambal, parang mag kung anong dumurog sa puso ko sa narinig ko sa anak ko. Alam kong kahit anong gawin ko hahanapin pa rin nila ang ama nila.

Hindi ba pwedeng ako nalang?

Tumulo ang mga luha ko pero agad ko din itong pinunasan, ayokong makita ako ng mga anak ko na umiiyak. Kapag nakikita nila akong umiiyak ay umiiyak din ang mga ito.

Lumapit ako sakanila.

"Anong nangyari?" Malumanay na tanong ko sakanila, pinilit kong maging normal lang ang boses ko.

"Si Vincent po kasi sinabihan po kaming walang papa." sabi ni Zac bakas ang lungkot sa boses nito, nakaramdam ako ng awa sa mga anak ko. Alam kong gusto nila ng papa pero hindi ko kayang ibigay sakanila yun.

"Pero di na po nya uulitin yun." dugtong pa ni Zac. Bigla akong kinabahan dahil boses pa lang ng anak ko ay alamnko nang kay ginawa nanaman ito.

"Sinabi nya ba na hindi na nya uulitin?"kinakabahang tanong ko dito. Malakas ang kutob ko na nakipag away nanaman itong batang ito.

"Opo, di na daw po nya uulitin. Humingi pa nga sya ng sorry samin e." Mayabang pa na sagot ni Zac. Duda ako sa sagot nya. Kapag gantong mayabang syang sumagot ay alam kong may ginawa itong kabalastugan.

"Zachary!" tawag ko sa pangalan nya at pinanlakihan sya ng mata.

"Sinuntok ko po kasi yung bunganga nya ng tatlong beses, kaya di na daw po nya uulitin. Takot lang nya sakin. " mabilis na sagot nito. Nasapo ko ang noo ko sa sinagot ng anak ko. Diyos ko po masyadong sadista ang anak myang lalaki.

"Bakit mo ginawa yun? Diba sabi ko sayo bad ang manakit. " pinagsasabihan ko ito sa mahinahong boses dahil kapag sisigawan ko ito ay baka matakot ito saakin at lalong hindi makinig, sutil pa naman nag batang ito.

"Opo, pero po bagay lang sakanya yun. Buti nga di ko sya binugbog e." Nasapo ko ulet ang noo ko. Malaki ang potential nyang maging basag ulo kapag nag binata ito. Pwede ko itong isali sa boxing kapag binata na ito. Napa iling iling nalang ako dahil sa sinabi ng anak ko.

Manang mana sa tiyuhin nyang si Ashton, kung ano ano kasing tinuturi sa bata, ayan tuloy puro kalokohan.

"Mangako ka sakin na wag mo ng uulitin." sabi ko sakanya. Makakampante ako kapag nangako na ang anak ko dahil may isang salita ang mga ito.

"Pangako po." sagot naman nito agad. Nakahinga ako ng maluwag dahil kilala ko ang anak ko kapag nangako na sila, ay talagang gagawin nila

"Gusto nyo ba ng ice cream?" tanong ko dito.  Para naman makalimutan nila kung nanong dahilan nh pag iyak ni Zephyr at panununtok ni Zach.

"Opo! " sagot ni zac.

"Opo mama!" sagot naman ni zep. Pinunasan nya pa ang luha nya at suminghot singhot pa ng sipon.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng ice cream ng may biglang tumawag.

Kinuha ni zep ang cellphone ko at iniabot ito sakin.

"Thank you." sabi ko sakanya at tinignan kung sino ang tumawag si Melody ito.

"He-hello friend." bati nito sa kabilang linya.

"Bakit may problema ba?" tanong ko dito.

"Si... si da-dash," sabi nya sa kabilang linya. May kakaiba sa pag banggit nito ng pangalan ni dash.

May pakiramdam ako na mayroon di magandang nangyari.

"Ano? Anong mayroon Kay dash—" tanong ko sakanya. Pero bigla nalang itong nawala sa kabilang linya.

Sinubukan ko itong tawagan ng ilang ulit pero out of coverage ang telepono ni melody nagaalala ko Kay melody baka Kung anong nangyari sakanya.

Ano kaya ang gusto nyang sabihin tungkol Kay dash.

Lakad ako ng lakad, kinakabahan ako.

"Mama pwede po bang mag stop ka na sa pag lalakad napapagod na po kami e." Napahinto ako ng marinig ko ang anak ko na nagsalita.

Tumigin ako sa likod ko at nakita ko silang naroon, sumusunod pala sila saking ikutin ang sala. Natawa ako sa ginawa nila.

Umupo ako sa sahig. At gumaya din sila naupo silang dalawa sa kandungan ko.

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ng malaman kong buntis ako.

Tapos ngayon malalaki na sila.

Napakaswerte ko dahil nabigyan ako ng dalawang mababait at masiyahing na anghel, masiyahin lang pala minsan lang sila mabait pag good mood.

"Bakit nyo ba kasi ako ginaya na mag ikot ikot dito ha? Ang mga anak ko talaga ang lalaki na wag muna kayong mag aasawa ah.” Sabi ko sakanila at hinalikan sila sa noo pareho.

"Kala po kasi namin e maglalaro po tayo. At tsaka po mama four pa lang po kami. Diba sabi nyo po kapag thirty pa po kami pwede mag boyfriend at girlfriend. " sagot ni zep. Napaawang ang bibig ko dahil sa sagot nya, talaga ngang matalino itong anak ko parang matanda na kung sumagot...

"Kaya nga po, Wala pa sa plano namin ni Zephyr. Besides I don't want to stick with one girl." Sagot ni Zachary, diyos ko po wag namna sana maging babaero ang anak ko.

"Ah basta, wag nyo akong iiwan ha." sabi ko sakanila at muli ko silang hinalikan sa pisnge.

"kiss nyo din ako." sabi ko pa at tsaka nila ako hinalikan ng sabay sa magkabilaang pisnge

Natigil kami sa pag kukulitan ng bigLang may kumatok.

Tumayo ang dalawa para tignan kung sino ito. Tumayo na din ako Para sundan sila.

"Tito daddy, nandito po kayo ulet." sabay na sabi nilang dalawa yumakap pa silang dalawa sa binti nito.

May naamoy akong pamilyar na pabango. At hindi pabango no Ashton yun.

Nang tignan ko kung sino ito ay nanlaki ang mga mata ko.

Tumingin ito sa dalawang bata at tsaka tumingin sakin.


















"Da-dash?"


You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveWhere stories live. Discover now