Chapter 3

1.6K 121 3
                                    

Chapter 3

"Dali na kasi, minsan lang naman tayo mag punta sa bar eh. Samahan mo na ako. Para naman mabawasan ang pagiging boring nang buhay natin at tsaka malay mo makahanap ka na ng jowa sa bar, huwag kang mag alala dahil mga sosyal ang mga tao dun sa pupuntahan natin. Hindi naman tayo mapagkakamalag dukha no, sa ganda ko palang na ito ay malayong malayo ma sa pagiging dukha no. Tara na kasi. " Kanina pa ako kinukumbinse ni melody na sumama sakanya na mag puntang bar.

"Mag-iinom ka lang dun eh. Baka nga ibugaw mo pa ako dun sa bar eh. " Sabi ko sakanya at halos malukot naman ang mukha nya dahil sa sinabi ko.

"Gaga ka! Malamang kaya nga bar e kasi mag lalasing tayo. Tsaka sige ka kapag may nangyaring masama saakin, di ka papatulugin ng konsensya mo. Tsaka anong pinagsasabi mkng ibubugaw kita? Hindi ka naman ganun kaganda para ibugaw fresh ka lang pero hindi ka maganda" Pagsusungit nya saakin kala mo naman ang ganda nya kung makalait sa ganda ko eh mas maganda naman ako kesa sakanya.

"Sige na nga, sasamahan na kita. Alam ko pa namang ta-tanga-tanga ka kapag lasing ka na. At tsaka FYI maganda ako no. " Sabi ko sakanya at tumakbo ako papuntang kwarto para mag palit ng damit na pang party. Bar ang pupuntahan namin kaya sure akong party party ang magaganap alamgan namang may Bible study dun anong dadasalan nila dun? Alak?

Minsan lang naman e, kaya gumora na ako. Tsaka tama si melody para mabawasan naman ang kaburyuan ko.

Sumama na ako kasi boring sa bahay. Baka sa sobrang boring ko ay mag bangs nalang ako iniisip ko plaslaang ang mukha ko na may bang ay hindi ko na kaya, ang chaka saakin ang bangs para akong si Dora na pagod na.

Minsan lang naman eh, kailangan din nating mag chill chill kahit minsa lang. Baka tumanda ako agad kung puro stress ako. Sino ba gustong tumanda ng Virgin diba? Kung ang iba ay gustong tumanda ng Virgin ay pwes ibahin nyo ako. Lalo namang ayokong mamatay ng Virgin no, kung mamamatay ako bukas ay mag papakangkang na talaga ako diba atlease bago mamatay ay naranasan ko ang ma dasalan.

Naka ilang shot na din ako at medyo nahihilo na ako. Nahihilo pa lang naman pero hindi ako lasing, malakas kaya ako mas malakas pa ako sa mga alak na ito. Amg mga alak dito ay pang mahihinang nilalang lamang.

"Friend, dahan dahan naman sa pag inom ano may pinagdadaanan ka ba ha?" Sabi ni melody nandito na pala sya nagpaalam kasi sya kanina na mag c-cr daw sya. Ang tagal nga nyang mag cr actually kala ko nya ay nilamon na sya ng cr dahil sa tagal nya e.

"Ito naman minsan lang naman ako mag inom parang ano ka naman jan, tsaka diba ikaw nang-aya sakin dito."sabi ko sakanya tsaka pinakita yung shot glass ko sa kanya.

"Mag-enjoy nalang tayo sayang yung oras oh."sabi ko sakanya habang natawa. Lasing na nga talaga ako.

Nakita ko kasi yung unggoy na nang-agaw ng sapatos sa mall e.

Grabe naman ang imagination ko.

Ganto ba pag nakainom?

Pero ang gwapo nya ah.

Ngayon lang naman kasi ako ulet naginom sa isang bar.

Inalis ko yung tingin ko sa lalaki, imagination ko lang naman sya e.

"Kuya isa pa ngang baso netong iniinom ko." Sabi ko dun sa bartender.

"Friend, tara sayaw tayo." Sabi nya sakin sabay turo sa dance floor.

"Naku ikaw nalang, wala akong future sa pag sasayaw. Dito nalang ako kasama netong alak na 'to ang sarap kasi e. Kasing sarap ko HAHAHAHA." Sabi ko sakanya habang natawa ako.

Pero totoo masarap ako.

"Okay ako na nga lang, lasing ka na e. Tsaka anong masarap ka jan ulol ka HAHAHHA."Sabi nya sakin at sabay kaming tumawa.

"Punta na ako dun friend ah, dito ka lang wag kang aalis ah. Pag umalis ka yari ka sakin." Sabi nya sakin

"Oo na, oo na umalis ka na punta ka na dun."sabi ko sakanya sabay tulak.

"Ma'am eto na po yung drinks nyo."Nakangiting Sabi nung bartender

"Thank you po."nagpasalamat ako sakanya bago ko kinuha yung alak.

Habang iniinom ko yung binigay nung bartender biglang may tumabi saking lalaki. Tumingin ako sakanya na nakatingin pala sya sakin.

"Hi miss, I'm Paul." pag papakilala nya sakin at nilahad nya yung kamay nya sa harap ko.

"Zuri."maikling sagot ko at tinanggap ang kamay nya ka agad ko rin yung binitawan.

"Are you alone?" Nakangiting tanong nya sakin.

Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko tsaka tumingin sakanya.

"May nakita ka bang kasama ko?" tanong ko sakanya bigla syang natawa.

Anong nakakatawa dun, baliw na ba to oh baka nagdu-drugs 'to.

Baka kaya nya ako kinausap at tinabihan dahil aalukin nya ako ng droga.

Loka-loka lang ako pero wala akong balak na matokhang no.

"You're funny and you are beautiful as your name."sabi nya nakita ko sa mata nya ang pagnanasa.

Parang manyakol pa 'tong isang to ah

Magsasalita na dapat sya ng may bigla nalang nag salita mula sa likuran nila ni Paul.

"Stay away from my girlfriend you mother fvcker." galit na boses ng lalaki.

Ng limgunin nya ito ay nakita nya yung imagination na lalaki kanina.

"Teka totoo ka?" takang tanong nya dito.

Bigla namang umalis si Paul at walang sabi sabi ay hinila sya ng lalaki palabas ng bar.

"HOY SAAN MO AKO DADALHIN?"sigaw nya dito.

"HOY MAGSALITA KA SANDALI LANG NAMAN NAHIHILO AKO."sigaw nya dahil bigla nalang sumakit yung ulo nya at medyo umiikot na yung paningin nya.

Napahinto ang binata dahil sa sinabi nya.

Bigla sya nitong binuhat at sinakay sa kotse.

Di na sya nakapag protesta dahil sa nahihilo na sya dahil siguro sa nainom nyang alak kanina.

Sabi na nga ba e kidnapper 'tong lalaking to e saan nya ako dadalhin?

Bigla akong nakaramdam ng antok

At unti unting bumigat ang mga talukap ko saanhi upang makatulog ako.

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon