Chapter 30

694 37 6
                                    

Chapter 30

Kinakabahan ako ngayon, papasok na ako sa sinabi kong meeting place namin ni Atty. Lim. Medyo late na ako nakakahiya dahil pinag antay ko pa sya. Pinapractice ko kasi kung paano ko ba kakausapin si Atty. Lim. Buong magdamag akong nasa harap ng salamin para lang mag  practice  ng sasabihin kaya medyo puyat ako.

Pag pasok kong restaurant ay agad na kumaway si Atty. Lim, malakas akong bumuntong hininga bago tuluyang lumapit ako sa direksyon nya.

“I am sorry for being so late with this meeting.” Pormal na paghingi ko ng paumanhin kay Kay atty. Lim tumango naman ito at mukhang ayos lang sa kanya na nalate ako, pero nahihiya pa rin ako dahil ako ang nagsabi kung saan yung meeting place at oras pero late ako. Pero sa bagay Filipino Time.

“It's okay hija, beside I'll just arrive here a minute ago... Have a sit.” Sabi nya at tsaka nya inilahad ang kamay nya hudyat para maupo ako. Hinila ko ang upuan at naupo dito magkatapat lang kami mi Atty.

Sumenyas ito at may lumapit na waiter sa table namin para kunin ang order namin.

“What's your order sir and ma'am?” tanong ng waiter saamin binigyan nya kami ng tig-isang menu ni Atty. Lim, hindi na ako mag abalang tignan ang mga pagkain sa menu gagayahin ko nalang kung ano yung Inorder ni Atty.

“One cup of tea and apple pie for me, how about you hija?” tanong nito nakita ko pang nilista ng waiter ang sinabi ni Atty. Lim na order nito at tsaka tumingin saakin.

“One cup of coffee and one slice of blueberry cake.” Sabi ko sa waiter at sinulat naman nya ito sa hawak nyang parang note pad. Ginaya ko lang si Atty pero ang kinuha ko naman ay kape ayoko ng tea masyadong sosyal. Baka kasi KKB ito e.

You know “Kanya Kanyang Bayad”. Para makatipid naman ako ng kaunti, kailangan kong mag tipid dahil may mga anak ako.

“One cup of tea and coffee, apple pie and a slice of blueberry cake. May idadagdag pa po ba kayo ma'am? Sir?” tanong pa nito umiling naman ako at ganun din si atty. Lim nagpaapam pa ito bago umalis, pagka alis ng waiter ay nagsimula nang magsalita si Atty. Lim tungkol sa kompanyang makukuha ko.

“Ang kompanya na naiwan ng daddy mo ay pinamamahalaan ngayon ng kapatid nya na si Lourdes Asuncion Quinton.” panimulang sabi ni Atty. Lim, Medyo pamilyar saakin ang pangalang Lourdes. Siguro dahil nakakasama ko ito nung bata pa ako.

May Inilabas itong papel at pinakita saakin. Ang daming nakasulat sa papel na yun dinaig pa yung essay ko nung nag aaral palang ako. Binasa ko ito at base sa pagkakaintindi ko ay nakapangalan saakin ang lahat ng ari arian ng mommy at daddy ang ilan dito ay binenta at ibinigay ang napagbentahan nito sa simbahan at foundation. At meron ding nakuhang 10% ang kanyang tiyahin. Kung pagbabasehan ay malaki na ang 10% dahil sa dami ng pra ng kanyang magulang. Kung taantyahin ay bilyon na ang sampong porsyento na iyon.

“Walang Makukuha ang tiyahin mo bukod sa 10% na iniwan sakanya ng daddy mo. 20% naman ay sa simbahan at foundation at ang natira ay sayo na iyon. Mayroon pang ilang mga Isla ang pagmamay ari ng pamilya nyo na nakapangalan din sayo 70% ng pag aari nya ay sayo. Para makuha mo ang para sayo ay kailangan mong mag pakita sa kompanya ng daddy mo at ikaw mismo ang mamamahala nun, papatakbuhin mo ang mga kompanyang naiwan nya at mas papalaguin pa. Huwag kang mag alala makukuha mo yun sa legal na paraan tutulungan kita dyan, kailangan lang natin na mapatunayan na sa kanila o sa board members na ikaw ang nawawalang tagapag mana ng ama mo. ” Sabi ni Atty sakin. Napatango tango lang muna ako bago magsalita.

“B-bakit pinatay sila daddy at mommy?”Hindi mapigilang tanong ko sakanya. Natigilan naman ito sa tanong ko.

Nuong una ay nakita kong nag-aalinlangan pa tong kung sagutin ba  ang tanong ko o hindi pero napilitan din itong magsalita at sagutin ang tanong ko.

“May nasabi dati saakin ang daddy mo na may nagbabanta raw sa buhay nya at sa inyong mag-ina nya, hindi nya ito sinabi sa mommy mo dahil ayaw nyang mag alala ito. Hanggang sa isang araw ay tinawagan nya ako at ibinilin saakin na kapag may masama raw na nangyari sakanya ay ako na raw ang bahala sa iyo ng mommy mo pero sa kasamaang palad ay nadamay ang mommy mo... Ibinigay nya sakin ang papel na yan na nagsasaad Kung saan mahahati-hati ang yaman nya. Hindi ko nagawa ang paki usap nya na alagaan ka pero maniwala ka man sa hindi ay hinanap kita, Natagalan nga lang pero handa parin akong tumulong sayo para gabayan ka sa bawat hakbang mo at handa akong payuhan ka hija. Huwag kang mag alala ako ang magiging gabay mo sa laban mo na iyo hija.” Sabi nya saakin nakita ko ang lungkot sa mga mata nito habang nag kukwento.

“Hayaan nyo na po i-iyon ang mahalaga po ay napunta ako sa maayos na pamilya.” sagot ko sakanya at pinunasan ang luha ko, na paiyak na pala ako sa kinwento nya agad kong pinunasa ang luhang tumulo sa mata ko. Nagpapasalamat ako dahil napunta ako sa maayos na pamilya.

“Kailangang makabalik ka na sa lalong madaling panahon upang makuha mo ang tunay na sayo at huwag mong hayaan na magreyna reynahan ang tiyahin mo sa kahariang dapat na saiyo.” Makahulugang sabi nya ngunit wala akong emosyon na nakikita sa mukha nito.

“Ang payo ko sayo hija ay huwag kang masyadong magtitiwala kapag ikaw na ang namamahala dahil maraming tao ang gustong pabagsakin ang daddy mo, kilatisin mo munang mabuti ang at piliin mo ang taong totoo at tapat sayo....
Tumango ako bilang sagot.

Kailangan kong bawiin ang kompanya ko.

Mahaba haba itong journey na ito pero kakayanin ko, para saan pa't matatapos din ito at kapag natapos na itong laban ko ay babalikan ko ang mga naiwan ko.

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon