Chapter 24

737 37 0
                                    

Chapter 24

Nagising ako dahil naramdaman kong mayroong gumalaw sa tabi ko at niyakap ako. Ang init ng yakap nito, siniksik ko ang sarili ko sa yumakap saakin dahil gusto ko ang init ng katawan nito at komportable ako sa ganitong posisyon.

Nang imulat ko ang mata ko ay nakita mo si dash na nakayakap sakin.

Pano sya napunta dito sa kama?

Diba sa sofa sya natulog kagabi? Magician pala ang isang ito.

Nakatitig ako sa gwapo nitong mukha.

Gumalaw ito at mas lalo pa akong niyakap,at ang mukha nito ay isiniksik nya sa aking dibdib.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawang iyon ni Dash.

Ano bang nangyayari sakin.

Ginantihan ko ito ng yakap.

Parang normal Lang namin itong ginagawa.

Naitulak ko sya ng bumukas ang pinto at may pumasok doon ba batang babae.

"Mama!"sigaw nya, napabangon naman ako at tsaka nya ako niyakap at hinalik halikan ako sa mukha.

Kung hindi ako nagkakamali ito yung bata sa hospital.

Kung hindi ako nagkakamali Zephyr ang kanyang ngalan at ang batang lalaki naman ay Zachary.

"Bakit kayo nandito?"malambing na tanong ko sakanya.

Tumingin ako Kay dash na bumangon mula sa sahig.

Napanhiwi ako, ganun ba kalakas ang pagtulak ko sakanya. Kawawa naman ito dahil napalakas nag tulak ko hindi ko namalayan na nahulog na pala ito sa kama...kasalanan naman nya e kasi nang yayakap sya.

"Ouch." daing nito sabay hawak sa may likuran.

Nako...

Mukhang napuruhan ang likod nito. Babawi nalang ako mamaya sakanya.

Hihilutin ko ang likod nya mamayang gabi.

"Bakit po kayo nanjan papa?" inosenteng tanong ni Zephyr.

"Naghahanap ako ng isda dito anak." sagot nya Kay Zephyr at tumingin saakin.

Nginitian ko sya at nag peace sign pa ako sakanya.

Paniguradong masakit ang pagkakahulog nya.

"Mama!" sigaw naman ng batang lalaki tumatakbo ito papalapit saakin at niyakap nya ako tsaka sinubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib.

Ang sarap sa pakiramdam ang yakap nya. Kagaya ni dash ay ang init ng yakap ng batang ito. Ginantihan ko sya ng yakap dahil parang ang tagal tagal na ng may yumakap saaking bata.

"Namiss po kita mama." sabi nito at naramdaman kong parang nababasa ang aking dibdib. Umiiyak ba ito? Wala naman akong hinagawang masama e?

"Teka? Umiiyak ka ba?" tanong ko sakanya.

Umiling ito.

"Namiss lang po talaga kita mama." sagot nya at tumingin saakin.

Hindi daw umiyak.

Pero namumula ang ilong.

Nang tumingin ako Kay Dash ay nakayakap sakanya si Zephyr.

Wala sa sariling napangiti ako ng dahil sa tagpong iyon.

Feeling ko tuloy isa kaming masayang pamilya. Sana pag nagkaroon na ako ng sarili kong pamilya ay mag karoon ako ng ganto kalalambing na mga anak, sana sila nalang ang mga anak ko.

When The Devil Falls In LoveWhere stories live. Discover now