Chapter 34

702 36 3
                                    

Chapter 34

Papasok na ako ng company ng biglang may bumungo saakin, muntik na akong matumba pero nahawakan naman ako agad nito.

“Pasensya ka na miss, di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko e.” Sabi nya sa itsura nya ay medyo may edad na itong lalaki.

“Okay lang po di naman ako nasaktan e...sige po una na po ako.” paalam ko at tsaka ngumiti bago umalis.

ILang araw na akong na pasok sa kompanya.

Ang hirap palang mag handle ng company. Nakakabagot magbasa ng mga contract at pumirma ng pumirma.

Biglang nag ring ang cellphone ko Kaya agad ko itong kinuha, nang tignan ko kung sino ang tumawag.

Si dash...

Agad ko itong sinagot.

“Hello dash, finally tumawag ka na. Kanina pa ako na bagot na bagot dito, sunduin mo ako dito.” bungad ko sakanya.

“...”

“Hello? Hindi ka man lang ba magsasalita?”

“Pupuntahan kita jan, may importante akong sasabihin sayo. Be safe okay?” pagkasabi nya nun ay namatay ang tawag.

Ano kaya ang sasabihin ni dash saakin?

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nuon si Margaret ang secretary ko, sya ang pumalit doon sa isa. Dahil medyo hindi ko gusto ang vibes nya parang may hidden agenda ito.

“Ma'am, yung meeting nyo po with the investors ay magsisimula within 25 minutes.” Sabi nito at tsaka ngumiti.

“Cancel the meeting, I have important things to do.” seryosong sabi ko.

“Noted ma'am... Alis na po ako” Sabi nya at tumgango bago umalis.

Lumipas ang ilang sandali ay bumukas muli ang pinto at iniluwa naman nito ang bulto ng isang lalaki na walang iba Kung hindi si dash.

“Dash, ang bilis mo naman ata makarating—” hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin ng bigla nya akong hilain patayo.

“Teka! Ano bang ginagawa mo?” tanong mo sakanya dahil hinila nya ako lalabas ng opisina.

“Just shut up, we're going somewhere.” Sabi nya sakin at patuloy lang ito sa laglalakad hanggang makarating kami sa parking lot.

Tsaka nya lang ako binitawan ng buksan nya ang kotse nya.

“Get in.” maawtoridad nyang sabi habang seryosong nakatingin saakin.

Agad akong pumasok duon sa sa sakyan nya at di kalaunan ay pumasok na rin ito.

“Dash saan ba tayo pupunta?” tanong ko sakanya ulet. Dahil hindi ako mapakali, ano bang nangyayari.

Hindi ito umimik. Medyo nabubwiset
na ako dahil sa ginagawa nyang di pagsasalita.

“Dash ano ba? Ano bang nangyayari sayo!? Kung may problema ka sabihin mo... Hindi yung ganyan na hindi ka nagsasalita!”medyo tumaas ang boses ko dahil sa pagka bwiset.

Hindi pa rin ito umimik at mas Lalo pa akong na bwiset kaya imbes na mag salita ako ng kung ano ano sa kanya ay tinuon ko nalang ang pansin ko sa daan dahil baka kung saan pa mapunta itong pagka bwiset ko.

Maya-maya lang ay pinark na nya ang sasakyan nya.

Inilibot ko ang mga mata ko at nakita kong may malaking logo at ang nakalagay doon ay Vasquez Hotel.

Ibig sabihin ay nasa hotel kami, pero anong ginagawa namin dito?

Hindi nalang ako nag salita.

Bumaba si dash sa sasakyan at umikot papunta sa gawi ko para buksan ang pinto.

When The Devil Falls In LoveWhere stories live. Discover now