CHAPTER 10

2.4K 92 7
                                    

"You know you're so conyo." Natatawang komento ni Sydney sabay salita nang mahina kay Yvette.

"Conyo?" Naguguluhan na tanong ni Sergie.

"Yes conyo bunana!" Si Valkyrie at ang laki ng bunganga nito kung makatawa.

Pareho kami ng iniisip ni Valkyrie 'yon din ang dapat kong sasabihin kaso naunahan niya lang ako dito.

I'm now laughing out loud. Mayroong napapadaan at napapalingon sa amin at minsan pa ay tinatarayan pa kami.

"What is conyo bunana?"

"Just..." Tawa ko. "Just forget about it." An'ya ko at pinipigilan pa ang sarili na matawa.

Sergie just shrugged and looked away.

"Girls andoon s'ya!" Rinig kong sigaw ng matabang babae sabay turo sa puwesto namin.

Nagsitakbuhan ang lahat ng kasama n'yang babae sa pwesto namin at napaatras naman si Sergie dito.

"No! Dont you ever dare touch me!" Si Sergie at mukhang beast mode na dahil may gustong humawak sa kan'ya pero halata sa boses n'ya na nagtitimpi s'ya.

"Camari asawa mo, oh, inaaagaw sa'yo!" An'ya ng mga kaibigan ko sabay tulak sa sa akin papunta kay Sergie.

"Camari." Si Sergie at mukhang kailangan na talaga n'ya ng tulong ko dahil pinagkakakaguluhan na siya.

May ibang babae na nagpapapicture sa kan'ya, may ibang kinikilig sa isang tabi, may ibang napapatalon at may iba rin nang lapit nang lapit sa kan'ya, at s'ya naman ay urong nang urong sa akin. Dinaig pa niya si Sydney. Siguro kung mag-aartista ito sa Pilipinas sure ako na sisikat ito.

I clear my throat first before speaking.

"Excuse me!" Singit ko sa kanila at puwesahang hinila sa kanila si Sergie.

"Ano ka ba naman!"

"Ang damot mo!"

"Tsk. Akala mo kung sino!"

"Hoy dahan-dahan sa paghila, ha! Hindi mo siya boyfriend!" Sigaw ng babaeng mataba sabay irap sa akin.

Pinaningkitan ko naman s'ya mata at kinukutan ng noo. Tusukin ko 'yang mata mo, kung makairap parang kung sino. At tiyaka, hindi ko naman talaga boyfriend si Sergie, kasi fiancee ko sya, kahit na fixed marriage lang ang lahat.

"Yes he's not my boy—" Hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin dahil pinutol na nila ito.

"'Yon naman pala hindi mo pala siya boyfriend pero kung makahila daig pa ang asawa."

"Tama!" Sigaw ng mga babae.

"Ilusionada!"

Kaagad namang nag-init ang ulo ko dahil sa huling narinig. Hindi ko nga s'ya boyfriend, kasi fiancee ko s'ya! Ikakasal na kaming dalawa!

"Hoy mga pangit! Patapusin ninyo muna ako bago kayo sumatsat!" Sigaw ko ng malakas. Mabuti na lang at wala ng taong dumadaan dito siguro nakita nila na siksikan.

"Makapangit, bakit maganda ka ba, ha?!"

"Hoy babae! Kanina pa ako naiinis sa'yo, ha! Yes I'm not his girlfriend because I'm his fiancee, kaya pwe! Umalis kayo bago ako tumawag ng security!" Wika ko sa matabang babae sabay irap. Pagkatapos ko itong sabihin dali-dali kong tinago ang kanan kong kamay sa likod ko para hindi nila makita na wala akong suot na engagement ring. My instinct was right! Ito nga ang una nilang tiningan nang sabihin ko na fiancee ko si Sergie.

"Weh?" Hindi makapaniwalang tanong nila sabay hila ng kanan kong kamay.

"Hey don't touch her!" Sigaw ni Sergie at mukhang hindi na nagtitimpi.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon