CHAPTER 18

1.7K 82 1
                                    

"Oh anong sabi?" Tanong nila pagkababa ko ng cellphone.

Buti na lang at kami na lang ang natira ng mga kaibigan ko sa field dahil nasa stage na ang lahat para sa susunod na laro.

"Wala, si Sergie daw kasi nasa history...history bar–" Naputol ang pagsasalita ko nang si Delaney na ang nagpatuloy nito.

"History Karaoke Bar Cocktail Lounge."

Napaaawang naman ang aking bibig at biglang bumilog ang aking mga mata.

Wow! Memorize nya! Ang galing!

"Yung karaoke bar sa Tomas Claudio?" Tanong ni Yvette.

Isa pa ito alam n'ya rin yung bar na 'yon. Baka nakapunta na sila doon.

"Oo."

"Bakit n'yo alam yung bar na 'yon? Nakapunta na ba kayo doon?" Curious kong tanong.

"Ako, hindi pa. Hanggang Barcode lang ako."

"Ako din hanngang Zamboaga White lang ako." si Valkyrie naman ang sumagot.

Nilingon ko naman si Valkyrie nang may natatawang hitsura. Zamboanga White is a known club here in Zamboanga. Naalala ko pa nga dati, yung tawag ng mga bata doon, eh pokpok club. Eh, pano ba naman kasi naghuhubad talaga ang mga babae.

"Syiempre joke lang." Agad na binawi ni Valkyrie ang sinabi n'ya.

Napa iling na lang naman ako sa kanila. Mga walang kwenta kausap.

"So....pupunta ka doon?" Pagbabalik ni Valkyrie sa naunang topic.

Napasinghap muna ako bago s'ya sagutin. Ano pa bang magagawa ko? Ako yung tinawagan, eh.

"Yeah." Sagot ko sabay kibit-balikat.

Wala naman akong magagawa kargo ko yun. Sa amin pansamantalang nakatira, kaya kung ano man ang mangyari doon, ako ang mapapagalitan nina Mommy, kesyo hindi ko binantayan, alis ako nang alis.

"Ay ganon ba? Sayang naman." Malungkot na wika ni Sydney sabay nguso.

"Aalis ka na?" Si Yvette at mukhang naghihinayang.

"Eh ano pa bang magagawa ko? Kargo ko yun." Sagot ko habang ang tanaw ay nasa malayo.

"Ano ba naman 'yan hindi na 'yon bata! Matanda na 'yon kaya na n'ya ang sarili n'ya!" Komento ni Valkyrie, mukhang ayaw rin akong paalisin.

Kahit ako ayaw ko rin namang umalis dito sa school, nag-eenjoy kasi ako dito. Para akong bumalik sa pagkabata, nakakapaglaro ng mga outdoor games. Nung nasa Italy kasi ako wala akong time para makapaglaro dahil yung modeling career ko talaga ang inaasikaso ko.

I sighed. "Nagwala daw kasi 'yon doon."

Napalaki naman ang mga ng mga kaibigan ko, at kita sa kanilang mukha ang pagkagulat. Eh, kahit ako nga rin eh, gulat din.

"Nagwala?!" Sabay-sabay nilang tanong sa akin.

"Yeah." Mahina kong sagot sabay iwas ng tingin.

Kasabay ng pag-iwas ko ng tingin ay ang pagtama ng mga mata namin ni Michael. Mukhang kanina pa s'ya nakatingin sa akin. Inirapan ko lang s'ya at itinuon ang atensyon sa cellphone ko.

"Problema no'n? Bakit 'yon nagwala?! Nag-away ba kayo?!"

Nagkasagutan kami ni Sergie pero hindi naman iyon away, simpleng sagutan lang 'yon dahil doon sa peste n'yang girlfriend.

"It's normal Valkyrie wag kang OA." Saway ni Valkyrie.

Siguro may problema si Sergie kaya 'yon naglasing. Hindi naman kasi iinom ang isang tao kapag walang problema.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon