CHAPTER 19

1.8K 80 10
                                    

Nasa sofa pa rin ako at hindi pa rin umakyat ng kwarto. Napagod ako ngayong araw dahil sa foundation day, buti na lang at mahaba ang sanitary pad ko at hindi pa ako natatagusan.

Habang nakahiga sa sofa nakita ko si Petty na may dalang plato na may lamang kanin at caldereta.

"Petty, aakyat ka?" Tanong ko habang nakahiga pa rin sa sofa.

Nilingon naman ako ni Petty. "Ah, opo ma'am aakyat na po ako."

Napatayo naman ako sa sofa at inunat ang katawan. Aakyat na rin siguro ako.

"Akin na 'yan, ako na lang ang magdadala n'yan sa taas." Usal ko sabay punta sa direksyon n'ya para kunin ang plato.

"Sure po ba kayo, Ma'am?" Tanong nito sabay bigay sa akin ng plato. Halatang nagdadalawang-isip.

"Ah yeah, I'm going in my room na rin naman. Kaya ako na ang magdadala." Sagot ko sabay tikim sa caldereta.

"Beef ba ito or goat?" Tanong ko sabay nguya. Masarap s'ya at may nalalasahan akong liver paste.

"Baka po 'yan. Wala po kasing bentang karne ng kambing sa palengke." Sagot naman n'ya.

Tumango na lang ako bilang sagot, nahihirapan kasi akong magsalita dahil puno ng pagkain ang bibig ko. Gutom na gutom ako ngayon.

"Ma'am, i-akyat ko na lang po 'yong juice n'yo." Wika ni Petty, habang ang kamay ay nasa likod.

"Just water."

Tumango lang naman si Petty bilang sagot at hindi kalaunan ay pumunta na sa kusina. Pagkatapos niya akong lagpasan umaakyat na rin ako sa kuwarto para macheck si Sergie. Baka sumusuka na naman sya.

Pagkabukas ko ng pinto, wala akong nadatnan na taong nakahiga sa kama ko, pero ang CR ko naman ay nakabukas.

Maghihinala na lang nga ako tama pa talaga. Napailing na lang ako ng ulo at ipanasok na ang buong katawan sa loob ng kuwarto. Pagkatapos ko ng kuwarto, kaagad kong narinig ang ragasa ng tubig na nangagaling sa gripo.

Mas pinili ko na lang na hintayin si Sergie na matapos sumuka. Baka kasi kapag pumasok ako sa loob ng cr pati ako ay masuka din dahil sa baho ng suka nya. Pagkalabas ni Sergie sa cr, bumalatay agad sa kaniyang mukha ang paggulat nang makita ako sa loob ng kuwarto na nakaupo sa sofa habang kumakain ng caldereta.

"O,  ano? Susuka ka na naman?" Mataray kong tanong sa kaniya.

Hindi naman ako sinagot ni Sergie, pinunasan niya lang ang bibig niya gamit ang kaniyang braso at hindi kalaunan ay umupo na sa hamba ng kama papaharap sa akin.

"Akala ko kasi hindi malakas ang alcohol content no'ng alak." Pagsasalita n'ya habang pinupunasan ang sarili gamit ang bimpo na nasa gilid ng lamp shade ko.

"Ano? Masarap bang sumuka?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"Tsk, dont be rude, Camari, I'm broken hearted right now!" Malakas na sigaw n'ya sa akin at halatang galit na galit s'ya.

Nabulunan naman ako sa kinakain ko. Ano daw? Broken hearted s'ya? Napa-ismid naman ako ng patago. Baka kasi mas lalo siyang magalit o baka ay sumigaw na naman siya kapag nakita akong nangisi sa harapan niya.

Ibinaba ko muna ang platong hawak-hawak ko, at hinarap si Sergie ng maayos. Mag-uumpisa na sana akong magsalita nang biglang bumukas ang pintuan at iniluha nito si Petty na may dala-dalang pitchel ng tubig at dalawang baso.

Hindi naman nagsalita si Petty nang nasa loob na s'ya ng kwarto ko. She just put quietly the pitcher in the table. Pagkatapos n'ya itong gawin agad na rin s'yang umalis ng tahimik.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon