CHAPTER 7

2.2K 118 7
                                    

Nasa kuwarto pa rin ako ngayon at nagpo-powder ng mukha. Kanina pa umalis si Petty, tinawag kasi ito ng isa pang kasambahay namin.

She just braid my hair but it's a messy braid na bumagay naman sa akin. Sabi kasi niya design ito kaya pinabayaan ko na lang. Ayaw ko namang ipaulit sa kaniya itong ginawa niya. Nageffort siya para sa buhok ko tapos sasayangin ko lang? Hindi naman 'yon makatarungan, diba? At tiyaka hindi naman ako maarte basta gusto ko presentable.

"Ma'am." Katok mula sa pinto.

Napahinto naman ako sa pagpo-powder at hinarap ang pinto. Nakasilip ngayon si Petty at tanging ulo lang ang litaw.

"Yes?" Tanong ko.

Pumasok muna ito bago ako sagutin.  Wala naman itong kaso sa akin. It's okay kung papasok s'ya sa room ko, pero iba naman yung hindi s'ya kakatok at papasok na lang nang bigla bigla. Where's the privacy there?

"Maam and'yan na po yung bisita n'yo." Imporma nito sa akin habang nakatayo sa gilid ko.

Oh, andyan na pala sila. So makikita at makikilala ko na pala 'yong future husband ko. Sana totoo yung sinabi nila Mommy at Daddy na hindi mukhang matanda yung fiancee ko. Kasi kung mukhang matanda, naku! Mag ba-back-out ako! Nakakainis kaya kung gano'n. Ano 'yon? Magiging sugar baby niya ako?

Yuck kadiri!

"Ilan sila?" Tanong ko naman.

"Tatlo lang naman po sila."

Napatango naman ako dito, mas lalo akong kinakabahan dahil sa sinabi n'ya. Siguro strict yung mga magulang nya kasi thirty years old na siya tapos wala pa ring asawa.Nakakatakot naman.

"Gwapo ba?" Biglang tanong ko. Dapat ko itong tanungin, para naman may alam ako kahit papano tungkol doon sa pakakasalan ko.

"Ho?" Gulat na tanong n'ya sa akin, pero alam ko naman narinig n'ya ang tanong ko sa kan'ya.

Napabuntong hininga naman ako. Mukha siyang naguguluhan sa sinabi ko.

"Kalimutan mo lang 'yong sinabi ko." Sagot ko sa kan'ya. Baka dalawa ang lalaki sa ibaba at hindi niya kilala kung sino ang tinutukoy ko sa kanilang dalawa. Ako nga na ikakasal hindi kilala kung sino ang pakakasalan ko, siya pa kaya, diba?

"By the way, okay na ba ang mukha ko?" Pag-iiba ko ng topic habang inaayos ko ang mga hibla ng buhok ko na tumatakip sa mga mata ko.

"Okay naman po maganda na po kayo!" Bola nito sa akin.

Napangiti naman ako sa sinabi n'ya at tumayo na. I'm excited to meet my future husband. Nacucurious tuloy ako sa mukha niya. Wala ba siyang pimples? Makinis ba s'ya? Hindi ba s'ya mukhang dugyot? At tyaka... gwapo ba s'ya?

Hindi ko na kinulit pa si Petty tungkol sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko. I want trill. Gusto ko ng excitement habang bumababa ako ng hagdanan.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, agad na akong lumabas ng kwarto at agad na ring bumaba ng hagdanan.

Noong bata pa ako nag-iimagine rin ako nito. Ini-imagine ko na ako si Cinderella tapos hinihintay ako ng prince charming ko sa baba ng hagdanan tapos pinagtitinginan ako, hahalikan ng prince charming ko abv palad ko tapos magsasayaw kami. Nakakakilig mag-imagine.

Hanggang imagine na lang ako.

Natigil lang ako sa pag-imagine nang may biglang tumikhim at paglingon ko sa lalaking tumikhim bigla akong dinapuan ng kaba. I am pretty sure siya ang ama ng pakakasalan ko. His hair is gray and he looks old.

What is his first impression about me? Is it a bad impression?

Nakakatakot. Pa'no na lang kung hindi matuloy ang kasal dahil sa first impression niya sa akin?

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon