CHAPTER 31

2K 71 7
                                    

"Wow Camari! Is this your mall? It's super huge!" Nanggigil na bulong ni Miranda sa akin.

Nandito kasi kami sa mall namin, kasama ko si Sergie ngayon, parang group date nga, eh. Buti na lang nga at napilit ko si Sergie na sumama, ayaw n'ya kasing sumama sa akin. Ewan ko ba sa kanya. Masyado s'yang KJ ngayon.

Pagkatapos kasi nang usapan namin kahapon. Sumama si Sergie sa mga magulang n'ya. Ewan ko ba pero makakapagtaka lang. Siguro na missed n'ya lang ang mga magulang n'ya, kaya gano'n. Habang sila Antonio at Miranda naman ay sa bahay na natulog. Sabi kasi nina Mommy at Daddy, sa bahay na lang daw mags-stay sina Miranda at Antonio, para iwas gastos. Para hindi na sila magche-check in sa ibang hotel. Sa bahay na lang daw.

"You're a rich kind, huh?" Tukso ni Antonio sa akin. Lalapit sana si Antonio sa akin nang biglang higitin ni Miranda ang braso ng kanyang nobyo, at pinaglakhan ng mga mata.

"Shut up, Sergie is here." Bulong ni Miranda kay Antonio na naging sanhi para bumalik ito sa tabi n'ya. Rinig na rinig ko ang bulong ni Miranda dahil katabi ko s'ya. Magkatabi kami habang naglalakad. Napahinto lang kami sa paglalakad nakg huminto si Miranda.

Problema niya?

Napaharap kaming lahat sa kan'ya habang ang mga mata ay nag atanong. May masakit ba sa kany'a? Bakit parang namimilipit s'ya sa sakit?

"I want to pee!" Bulong n'ya sabay pilipit ng dalawa n'yang paa.

"Huh? Ihi? You want to pee?" Tanong ko kahit malinaw na ang pagkakasabi n'ya niyo.

"Yes! Where's the ladies comfort room here?!" Nagmamadaling tanong nito at halatang napapaihi na s'ya.

Agad ko namang tinuro sa kan'ya ang public restroom namin na kalalagpas pa lang namin. Mabuti na nga lang at nasa first floor pa lang kami, kasi kung hindi baka magkaihi na s'ya sa salawal n'ya.

"Prima era ancora a casa, ha detto che non aveva ancora urinato e ora ha detto che stava urinando." ( Before when we still at house she said she doesn't want to urinate and now she's telling that she want to urinate.) Mahinang bulong ni Antonio sa sarili n'ya.

"Antonio, I can hear you!" Sigaw ni Miranda habang nagmamadaling pumasok sa loob.

Natawa na lang ako at napailing kay Miranda. Masyado kasi s'yang bossy, at kung makairap, parang lalabas na ang dalawa nyang mga mata.

"Si, amore." (Yes, love.) Malambing na sagot ni Antonio, ngunit taliwas naman ang ipinapakita ng kaniyang mukha. Nang-uuyan kasi.

Mukhang under itong si Antonio kay Miranda. Mukhang takot s'ya sa girlfriend nya. Sino ba naman ang hindi matatakot? Parang amazona kung magalit itong si Miranda.

"Bye guys I want to urinate!" Paalam ni Miranda sabay pasok sa isang cubicle na nasa tapat lang ng pinto ng comfort room.

Nasa labas lang kami at naghihintay kay Miranda. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng kaba at takot. May pagka-maarte pa naman itong si Miranda. Natatakot ako na baka madumi 'yong bowl, baka hindi na flush ng maayos 'yong bowl, baka walang tissue sa loob.

"Are you okay? Do you also want to pee?" Tanong ni Sergie sa akin nang maramdaman na hindi ako gumagalaw sa pagkakatayo ko.

"Kinakabahan ako." Mahinang usal ko kay Sergie. "Sabi kasi nina Sydney sa akin no'ng umihi raw sila dito, walang sanitizer, tapos marumi raw." Bulong na sagot ko sa kan'ya. Sinadya ko talaga na hinaan ang boses ko para hindi marinig ni Antonio. Mahirap na, nakakaintindi pala ng tagalog itong dalawa. Pero konti lang.

"Don't worry." Pagpapakalma n'ya sa akin sabay akbay sa leeg ko. Nakaramdam naman ako ng konting pagkalma namg maramdaman ang kaniyang mga kamay na hinahaplos ang balikat ko. Tila pinapaklama ako.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon