CHAPTER 9

2.2K 106 6
                                    

"Huy Sydney 'yong mask mo." Saway ko kay Sydney dahil nakikita na ang mukha niya sahul sa pagkakaba niya ng mask n'ya.

She's busy with her phone. Inayos naman n'ya ang pagkakasuot n'ya ng kanyang mask, pero hindi pa din maalis-alis ang mga mata niya sa hawak n'ya.

"Ano ba naman yan DATE nga diba?! Pero yung ISA d'yan busy sa cellphone! Ano 'to?! Iba yung kadate mo, online date gano'n?!" Pagpaparinig ni Delaney sabay irap.
Si Delaney sabay irap kay Sydney.

Mukhang napansin naman ni Sydney si Delaney pero halata pa rin sa mukha n'ya na kinikilig s'ya at halata rin na para bang napipilitan lamang s'yang sumama sa amin.

Napagplanuhan kasi namin na magwindow shopping sa mall namin. Sa akin wala itong problema, in fact nakatutulong pa nga itong pagwi-window shopping namin para malaman ko kung anong pagkukulang ang nagawa namin, kung anong strategy ang pwede kong gawin para lumakas muli ang aming kita. But for Sydney, parang hindi ito okay, she said na gusto na daw n'yang umuwi para mamemorize ng script dahil babalik na naman daw s'ya ng Aklan next week.

"Huh?" Umakto ito na parang nagulat. "Guys sorry na, minememorize ko kasi yung script." Pagdadahilan ni Sydney at halatang hindi bukal sa puso nya ang paghingi niya sorry sa amin. Paano ba naman kasi, pangisi-ngisi.

"Sorry daw pero nakangisi." Pagpaparinig naman Valkyrie sabay tawa ng peke.

"Mukhang hindi ka naman nagbabasa ng script, eh! Mukhang may ka-chat ka kaya ayaw mo sa amin sumama." Si Yvette at may makabuluhan itong tingin kay Sydney.

Napasinghap naman si Sydney dahil sa sinabi ng mga kainigan namin at pagkatapos nito ay kaagad na tinago ang cellphone niya.

"Okay fine, let's go." Si Sydney na mismo ang nag-aya at kaagad ako nitong hinila. Na patinanod naman ako sa ginawa n'yang paghila sa akin kaya nagsisunuran na rin ang mga kaibigan namin. Hindi pa man kami nakakalayo ay biglang nagvibrate ang phone ni Sydney. Tiningan naman muna ako ni Sydney bago kunin ang cellphone niya. Akala siguro nito na hindi ko ito napansin dahil kausap ko sila Yvette.

Nahagip ng peripheral vision ko na chineck ni Sydney kung sino ang nagtext sa kanya gamit ang kaliwang kamay nito. Kinuwit ko naman si Valkyrie sa kan'yang likod at kinausap ko siya gamit ang mga mata. Napansin naman ng dalawa na nag-uusap kami ni Valkyrie gamit ang mga mata namin kaya sinali na rin namin sila sa pag-uusap gamit ang mata.  Sinasabi ng mga mata ni Yvette na tatabi s'ya kay Sydney para malaman kung ano ang pinagbu-busihan nito kaagad naman kaming pumayag sa kan'ya.

Katulad nang kanina hindi ko pa rin pinansin si Sydney at kausap ko pa rin ang tatlo habang si Yvette ay dahan-dahan na lumakad sa likod namin para malaman kung sino ang kausap ni Sydney. Hindi naman napansin ni Sydney na may nagbabasa sa likod n'ya dahil ang buong atensyon nito ay nasa cellphone.

"Arf!" Panggugulat ni Yvette sabay hawak ng madiin sa kaliwang paa ni Sydney.

"Ay Martin!" Malakas na sigaw ni Sydney sabay hawak sa kaniyang puso. Halatang nagulat talaga siya.

Napatingin naman ang iilang tao na lumalabas at pumapasok sa mall. Ang ilan ay natatawa sa naging reaksyon ni Sydney at ang ilan ay napapakunot ng noo. Sandali lamang ito nangyari dahil mukhang hindi naman interesado ang mga tao dito.

"Ah kaya pala... kaya pala mukhang hindi interesado na kasama tayo, katext nya pala ang bebe love n'ya." Ako naman ngayon ang nagpaparinig at walang sabi-sabing kaagad na kinuha ang cellphone mula sa kamay niya. Kaagad kong binasa ang conversation nila ni Martin. Nakiutchoso naman sa akin ang dalawa, habang si Yvette ay pinipigilan si Sydney na lumapit sa amin.

"Please give back my phone!" Pagmamaka-awa ni Sydney at pilit na kumakawala kay Yvette.

I didn't mind her, I just scroll down her phone finding where their chat started. Ang haba na ng chat nila, ah. I accelerated faster so I can easily find the beginning of this chat.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon