CHAPTER 23

1.7K 67 4
                                    

"Camari." Rinig kong pukaw sa akin. Hindi ko naman ito pinansin, tumagilid lamang ako ng higa.

"Your friend is calling." Wika ulit nito sabay sundot ng pisngi ko.

Kahit inaantok pa ako, at gusto pang matulog, wala na akong iba pang magagawa kundi ang bumangon ng higa. Mukhang ayaw papigil nang taong gumigising sa akin, eh.

"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ko habang nakapikit pa rin ang mata.

Ang aga naman nilang mangapit-bahay.

"Wala sila dito. They were calling through cellphone." Pagsasalita ni Sergie at kaagad nitong ibinigay sa'kin ang cellphone na hawak n'ya.

"Cellphone ko ba 'yan?"

Parang hindi 'yon ang cellphone ni Sergie, parang akin ang hawak n'yang cellphone. Kita naman kasi sa case ng cellphone at sa design na rin nito.

"Ah... yes it's your phone. Sorry kung pinakiaalaman ko. Kanina pa kasi ring nang ring." Sergie said while pointing the door.

Tumango lamang naman ako bilang sagot at bago ko ilagay sa tenga ko ang cellphone, humiga muna ulit ako.

"Yes?" Pagsasalita ko nang nakahiga na ako sa kama.

"Camari?! Magkatabi pala kayo natulog ni Sergie? O to the M to the G! OMG!"

Sa boses pa lang kilala ko na kaagad kung sino ang tumawag. It's none other than Valkyrie.

"Anything problem with that?"

Wala naman sigurong masama doon. He's my fiancee, and beside, wala naman kaming ginagawang masama.

"Wala naman...ano lang..." Wika ni Valkyrie, at para bang may gusto s'yang sabihin pero hindi n'ya lang masabi-sabi.

"What is it?

"Wala namang problema kung magkatabi kayong natulog ni Sergie.
Ikakasal na din naman kayo, diba?  Kahit you know fixed lang ang lahat, pero parang nagkakadevelopan naman kayo sa isa't isa. Kasi kahapon tumawag ako d'yan sa inyo ang sabi ng kasambahay n'yo nagdate daw kayo."

Nangunot naman ang noo ko. Ano ba ang pinu-punto nya? Para kasing may gusto s'yang sabihin, pero parang ayaw naman n'yang sabihin nang diretcho. Ang gulo!

"Paligoy-ligoy ka pa d'yan. Itumbok mo na kung ano man 'yang gusto mong sabihin."

Tumawa muna nang pabebe si Valkyrie bago sagutin ang tanong ko. "So may nabuo na ba kayo?"

Napailing naman ako nang wala sa oras. Katulad nina Mommy, mga atat. Anong gusto nila, magse-sex agad kami ni Sergie kahit na hindi pa kami gano'n ka komportable sa isa't isa?! Kung gusto nila nang bata, edi sila ang gumawa.

"Ewan ko sa'yo. May dugo ako ngayon." Saad ko at sa hindi malaman na dahilan parang biglang nawala ang antok ko.

"Ay oo nga pala, nakalimutan ko din. Paepal naman 'yang mens mo."

Tumawa na lang naman ako sa sinabi n'ya.

"So bakit ka tumawag?"

"Alam mo ba." Her voice was excited.

"Hindi ko alam." Kaagad kong sagot habang ang boses ay seryoso pero ang labi ay nakangisi.

Napahinto naman si Valkyrie nang ilang segundo pero kalaunan ay nagsalita na din. "Alam mo para kang menstruation mo, paepal. Epal ka masyado. Ang ganda-ganda ng mood ko tapos babarahin mo lang ako?"

Napabungisngis naman ako ng tahimik. Mukhang nagalit ko ata s'ya. Pero totoo namang hindi ko talaga alam. Alangan namang sabihin kong alam ko ang sinabi n'ya kahit hindi ko naman talaga alam.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon