CHAPTER 35.1

2.4K 70 15
                                    

"Thank you sa paghatid!" Nakangiti kong saad sabay serado ng pintuan ng sasakyan ni Michael.

"Welcome!" Nakangiti ring sagot nito at bago n'ya paandarin ang kan'yang sasakyan hinintay muna ako nito na makapasok sa loob ng gate namin.

Nang makaalis na ang sasakyan ni Michael, napasinghap ako ng hangin at pinilit ang sarili na ngumiti.

Ang sarap pa lang ikwento lahat ng nararamdaman mo. 'Yong tipong lahat ng sakit nailabas mo, buti nga lang at andito si Michael at sa kan'ya ko kinuwento ang lahat ng sakit na nararamdaman ng puso ko. Alam na n'ya ang lahat. Alam na ni Michael na ex din ni Sergie si Athena at nagalit s'ya dito dahil niloko din s'ya ni Athena. Itong si Athena nakakabilib at nakakagiraw 'yong tapang n'ya. Isipin mo ba naman may boyfriend na pala s'ya doon sa Italy, pero naghanap pa rin ng iba dito sa Pilipinas, at noong sila na ni Michael naghanap na naman ito ng bago, nagloko na naman s'ya. Ang kati-kati talaga n'ya. Sobra.

Bago ako pumasok sa mismong pintuan ng bahay namin, suminghap ulit ako ng hangin at pinilit ulit ang sarili na ngumiti, pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na ngumiti, napupunta ito sa pagngiwi.

Gusto kong makalimot. Gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari ngayong araw, gusto kong kalimutan ang lahat ng nakita ko kanina, pero pa'no ko naman 'yon gagawin kung 'yon palagi ang tumatakbo sa isipan ko?

Nang nasa loob na ako ng bahay, ang agad na bumungad sa akin ay ang mukha ni Sergie. Nakade-kuwatro ito ng upo, malalim ang iniisip at halatang may hinihintay. Napahinto ako pero hindi kalaunan ay naglakad na ulit. Mas pinili kong maglakad sa harapan ni Sergie para makita n'ya na nakauwi na ako.

"Camari." Tinawag nito ang pangalan ko pero hindi ko s'ya pinagtuunan ng pansin.

Bahala ka d'yan.

Tinawag n'yang muli ang pangalan ko pero katuland ng ginawa ko kanina, pinagsawalang kibo ko ulit ito na para bang hindi ko 'yon naririnig.

Galit ako sa kan'ya, galit na galit ako sa kan'ya dahil nagsinungaling na naman s'ya.

Matapos n'yang sabihin na kailangan daw s'ya ng Mommy n'ya pero ang totoo nakipagkita lang pala s'ya sa ex nya, sa tingin n'ya hindi ako magagalit sa kan'ya? Matapos n'yang mas piliin na samahan ang ex n'ya kesa sa akin na fiancee n'ya sa tingin n'ya magiging okay kami? Na papansin ko s'ya na parang wala lang 'yon? Nagkakamali s'ya.

Hinihiling ko lang na sana mali ang nasa isip ko. Sana mali ang kutob ko na buntis si Athena. Isa lamang kasi ang nakikita kong dahilan kung bakit bumalik ng Pilipinas si Athena, isa lamang ang nakikita kong dahilan kung bakit sila pumunta ng hospital at 'yon ay ang sabibin kay Sergie na buntis si Athena.

Sana mali ako, dahil ayaw kong masaktan.

Napangisi ako nang dahil sa iniisip at hindi kalaunan ay napunta na ito sa pagngiwi.

Hindi ba natatakot si Athena na baka magkaroon s'ya ng HIV or worst AIDS? Sana magkaroon s'ya nito para madala s'ya at magdusa s'ya sa lahat ng mga nagawa n'ya sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?" Ito ang unang naging tanong sa akin ni Sergie matapos nitong tumayo sa sofa.

Napahinto naman ako sa pag-akyat sa hagdanan at nilingon si Sergie gamit ang walang emosyon na mukha. "Kasi ngayon lang ako dumating?"

"I'm asking a serious question Camari." He said with a monotone voice, halata namang nagpipigil lang ng galit.

"Then, I'm answering your serious question with my common sense answer." Sagot ko nang nakangiti. "At sino ba ang nagsabing nakikipaglokohan ako sa'yo?" May diin na tanong ko sa kan'ya.

Ang galing din nitong si Sergie s'ya na nga itong nagsinungaling, s'ya na nga itong nangloko, s'ya pa talaga ang may ganang magalit?

"Its already two pm," Nilingon nito ang kan'yang relo. "At ang sabi nila ten am pa natapos ang photoshoot. Saan ka pumunta, at sinong kasama mo?"

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon