CHAPTER 35.2

2.6K 70 19
                                    

"Good bye, babe!" Masayang paalam ni Sergie sa akin sabay halik sa pisngi ko.

Ganito ang araw-araw na nangyayari sa bahay namin. Umaalis s'ya kapag umaga para puntahan si Athena sa hospital at umuuwi sa akin ng tanghali.
Umalis na kasi sina Miranda, bumalik na sa Italy kasama si Antonio. Two weeks na rin kasi silang andito at kailangan na sa trabaho si Antonio, at ganoon din si Miranda.

Wala akong magawa, kasi maski ako naaawa rin sa kalagayan ni Athena. She have HIV at kapag hindi nalunasan pwedeng maging AIDS pero sa pagkakaalam ko walang gamot sa HIV. Kung may HIV ka mabubuhay at mamamatay ka nang mayroon nito.

"Ma'am?" Katok mula sa pintuan. Napaangat naman ako ng tingin at nakumpirma na kay Petty ang boses na ito.

"Come in." Simple kong sagot.

Kaagad namang pumasok si Petty sa kuwarto ko habang ang dalawang braso ay nasa likod.

"Ma'am...okay lang po ba kayo ni Sir?" Bigla n'yang tanong sa akin.

Bakit naman n'ya naitanong sa akin kung okay lang ba kami ni Sergie?

Ngumiti naman ako sa kan'ya. "Bakit mo naman naitanong?"

"Kasi po M'am, no'ng isang araw...." Pagsasalita nito habang ang boses ay kinakabahan.

"No'ng isang araw? Anong mayroon?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Medyo kinakabahan ako sa mga susunod n'yang sasabihin.

"Hindi po sa gusto kong sirain ang relasyon n'yo Ma'am, pero kinokonsensya na kasi ako."

"Anong ba ang sasabihin mo?" Kinakabahan na tanong ko.

Ano ba ang gusto n'yang sabihin? Sa tono pa lang ng pananalita n'ya, halatang bad news.

"Si Sir Sergie po kasi Ma'am...no'ng pumunta po kami ni Mama sa hospital, para magpa-check-up, nakita ko po s'ya doon, tapos may kasama s'yang babae, tapos Ma'am....ano...'yong kasama n'ya....s'ya 'yong  babaeng nakita kong tumawag sa cellphone n'ya." Natatakot nitong pagkukuwento. "Ma'am, 'wag ka po sanang magagalit sa akin, pero promise Ma'am hindi po ako nagsisinungaling, totoo po ang mga sinasabi ko."

Matapos marinig ang sinabi ni Petty agad akong tumawa at parang nabunutan ng tinik. Akala ko pa naman kung ano na, 'yong lang pala.

"Ma'am?"

Wala kasing alam si Petty o ang mga magulang ko about dito. Ayaw ko na kasing palakihin ang issue namin at tiyaka hindi naman niya ako niloloko.

"Huwag mong sasabihin kahit kanino ha? Ikaw lang ang nakakaalam nito sa loob ng bahay..."

"Hala, Ma'am! Secret po ba 'yan?" Gulat nitong tanong sabay lagay ng kaniyang palad sa kaniyang bibig.

"Yes, and please keep your mouth shut, okay?"

"Yes, Ma'am."

Umayos muna ako sa pagkakaupo bago s'ya harapin at magsalita. "Bumalik na ang ex ni Sergie dito sa Pilipinas. Huwag ka munang magrereact patapusin mo muna ako." Kaagad kong sabi nang mapansin na magsasalita na sana ito.

"Okay po."

"Pero...para magpagamot. She have HIV."

Mababakas sa mukha ni Petty ang pagkagulat at hindi kalaunan ay natawa na. "Talaga, Ma'am? HIV?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Eh, wala namang gamot ang HIV, ah! Baka kamo nilalandi si Sir, mukha pa namang malandi."

Napangiti naman ako ng tipid. Ngayon lamang pumasok sa utak ko na pwede naman s'yang hindi magpaconfine sa hospital pero ginawa n'ya pa rin.

"Ma'am, sorry..."

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon