CHAPTER 40

4.2K 104 18
                                    

Nasa rooftop top ako ngayon. Nag-iisa. Walang kasama. Nasa baba kasi silang lahat at nagsasaya. I can't feel the enjoyment, I don't feel any enjoyment. I supposed to be happy because our fashion show was already done. Ang ginawa ko na lang na rason kaya ako pumunta dito ay para tawagan ang Mommy ko, buti na nga lang naniwala at pumayag sila.

Ewan ko ba, nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi pinakawalan ko pa si Sergie. Masaya na kasi s'ya ngayon. Nakahanap na s'ya ng bago nya. 'Yong iintindi sa kan'ya, hindi tulad ko na puro hinala na lang.

Napabuga ako ng hangin at pinipigilan ang sarili na umiyak. Ang tanga-tanga ko. Sana pala inintindi ko na lang s'ya, hindi 'yong naging selfish ako sa kan'ya. Pero anong magagawa ko? Napagod ako, eh. Napagod ako kakaintindi sa kan'ya na palagi na lang ang ex n'ya ang inuuna n'ya.

Pero sana inintindi n'ya rin ako.

Napayakap naman ako sa sarili ko nang biglang humangin nang malakas. Malamig dito sa roof top. Masarap ang simoy ng hangin. Presko.

Napapikit ako ng mga mata at pinipilit ang sarili na maging masaya. Hindi ko namalayan na habang nakapikit ako, kusa na palang bumubuhos ang mga luha ko.

Sergie, I'm pregant!

Sergie, I'm pregnant!

Sergie, I'm pregnant!

Agad ko namang tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad. Bakit ba hindi maalis-alis sa isipan ko ang mga salita na iyon? Bakit ba ang sakit sakit tanggapin na magkakapamilya na s'ya? Alam ko na wala akong karapatan na magalit sa kan'ya, dahil ako ang nakipag-hiwalay sa aming dalawa, ako ang umalis, kaya natural lamang na makahanap s'ya ng iba. Pero ang sakit sakit lang eh, two months pa lang ang nakakalipas. Pero bakit parang ang dali? Bakit parang ang dali na lang para sa kan'ya na kalimutan ako? Habang ako, nasasaktan pa rin. Nahihirapan s'yang kalimutan. Natamaan kasi talaga ako sa kanya, kahit anong pilit ko sa sarili ko na magmove on, wala pa ring nangyayari. Kapag nakakakita ako ng mga tao na may kulay abong mga mata, si Sergie agad ang unang pumapasok sa utak ko. Mga mata n'ya agad ang rumirehistro sa isipan ko.

"Puta! Ang hirap mong kalimutan!" I shout with full of emotion. I'm now crying out loud. Malakas ang loob ko na umiyak dito, kasi alam ko na nasa baba silang lahat at walang tao dito bukod sa akin.

May narinig naman akong tikhim galing sa likod ko. Dahan-dahan naman akong napalingon kung sino ito. Para akong nakakita ng multo nang makita kong si Sergie ang nasa likod ko.

Anong ginagawa n'ya dito?

Agad ko ibinalik ang mga mata ko sa harapan sabay lihim na pinunasan ang mga luha ko.

"What are you doing here?" Tanong ni Sergie sabay tabi sa akin.

Kinakabahan na naman ako.

"Uhh..." Hindi ko alam kung pa'no ako sasagot sa kan'ya.

Kanina pa ba s'ya sa likod ko? Narinig nya ba 'yong sinisigaw-sigaw ko kanina? Kung oo, nakakahiya.

"Malamig dito, bakit ikaw lang mag-isa?" Tanong n'ya ulit.

Ngumiti naman ako nang mapait habang may konting kirot ang puso ko.

Napalingon naman ako kay Sergie habang pinipilit ang sarili na ngumiti. Umaasa kasi ako na kapag ginawa ko 'to maitatago ko ang tunay kong nararamdaman.

"Ikaw? Bakit ka andito?" Balik na tanong ko sa kan'ya sabay balik ng atensyon sa harapan. Hindi ko s'ya kayang tagalan ng tingin. Nasasaktan ako. Naaalala ko ang mga pagmamakaka-awa n'ya sa akin na bumalik na ako sa kan'ya. Sana pala pinakinggan ko na lang s'ya para hindi ako nasasaktan ng ganito.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon