CHAPTER 27

1.8K 66 3
                                    

"Marguax, galit ka ba sa akin?" Mahinahon na tanong ko kay Marguax.

Nasa mismong lugar kami ng mga kaibigan ko at ng fiancee ko kung nasaan sina Marguax. Napagkasunduan kasi namin ni Sergie na kakausapin ko nang maayos si Marguax about sa relasyon naming dalawa. Nasasaktan ako para kay Marguax. Alam kong dapat n'yang tanggapin ang kung ano man ang mga desisyon ko sa buhay dahil labas na s'ya doon, pero parang kapatid ko na rin kasi itong si Marguax. Kung hindi dahil sa kan'ya, sa kaartehan n'ya hindi mabubuo ang pagkakaibigan namin.

Nakaupo ito ngayon sa buhanginan papaharap sa dagat. Kaming dalawa lamang ang nasa buhanginan dahil nasa dagat ang mga kaibigan ko pati na rin si Sergie.

Nakausap ko na ang pamilya ni Marguax. Nagkamustahan na rin kami at inexplain ko na rin 'yong side ko kung bakit hindi ako nakapunta sa bahay nila noong foundation day.

"Why would I?" Balik na tanong nito habang ang paningin ay nasa dagat pa rin. Nakapatong ang baba nito sa kan'yang tuhod habang sinasabi n'ya ito.

Napasinghap naman ako at humarap sa kan'ya.

"Hindi ako galit Ate Cam, wala akong karapatan na magalit sa iyo, it's your decision in life, and I don't have the right to butt in with it." Sagot n'ya sabay harap at ngiti sa akin, pero alam ko naman na nasasaktan s'ya.

She really did expect.

Umayos naman ako sa pagkakaupo at humarap rin sa kan'ya. "Eh, bakit ka umiyak?

"Because I thought you and Kuya are in relationship." Sagot n'ya sabay punas ng kan'yang mga luha.

Ngumiti na lamang naman ako sa kaniya. Wala. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Pagkatapos kong ngumiti ay pinunasan ko na ang kan'yang mga luha. "Stop crying."

Ayaw ko s'yang nakikita na umiiyak. Nasasaktan kasi ako.

"By the way congrats, Ate Camari!" Nabigla naman ako nang yakapin ako ni Marguax. Pero hindi kalaunan ay yinakap ko na din s'ya pabalik.

As her head is on my shoulder, I can clearly hear her soft cry and sob. Mukhang nasaktan s'ya ng husto.

"Thank you Marguax." Wika ko sabay kalas sa pagyayakapan namin.

Nabigla ulit ako sa biglaan n'yang pagkuha ng kanan kong kamay at nilingon ang diamond ring na kabibigay lamang ni Sergie sa akin kanina. Buti na nga lang at naisipan ni Sergie na bigyan ako ng singsing, kasi kung hindi baka ang isipin ni Marguax ay nagbibiro lamang ako.

"Wow, Ate Cam!" Lingon n'ya sa akin habang nakangiti. "Totoong diamond ba ito?" Tanong nya habang hinihimas ang diamond na nasa singsing.

"Yeah, totoong diamond 'yan." Sagot ko sabay tingin na rin sa singsing.

Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na binigyan ako ni Sergie ng singsing na sobrang mahal. Ikaw ba naman binigyan ng singsing na ang cost three million, hindi ka ba no'n matutuwa?!

Napabaling naman ang atensyon ko sa may dagat. May narinig kasi ako na para bang mag umahon mula dito, at tama nga ako. May umahon nga. It's Sergie. Tumutulo ang bawat patak ng tubig na galing sa dagat mula sa kan'yang mukha, pababa sa kanyang katawan. Ang hot n'ya. Shit kinikilig ako! Pero ang ngiti at kilig na nararamdaman ko ay pansamantala lamang pala. Nababalot na kasi ng takot at pagkabahala ang buong katawan ko nang biglang nagkasalubong sina Michael at Sergie.

Napatulala ako at biglang nablanko.

Nagkatitigan ang dalawang lalaki. Magsusuntukan ba sila?! Magsusuntukan ba sila?! Magpapatayan ba sila?! O My Yosh! 'Wag naman sana! Hindi pa kami kinakasal ni Sergie! Ayaw ko pang mabyuda nang maaga! Hindi pa nga ako nalalahian!

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon