CHAPTER 8

2.3K 106 6
                                    

Napanguso ako nang marinig ko ang malakas na halakhak ni Sydney habang ang boses ay hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi.

"Talaga, Camari? Ginawa nina Tita 'yon sa'yo?"

Nasa Alavar Restaurant kami ngayon at kwini-kwento ko sa kanila kung anong mga nangyari sa akin kahapon.

"Oh, tapos nakatulog ka ba?" Si Delaney naman ang nagtanong.

"Medyo." Wala sa loob na sagot ko. "Natatakot kasi ako na baka mayakap ko siya, mahawakan ko ang kamay niya o kung ano pa man ang magawa ko sa kaniya. Kaya nga nasa isang tabi lang ako ng kama, eh. Hindi gumagalaw."

Hindi ako masyadong gumagalaw kagabi, para akong stick sa isang tabi. Kahit na nanganglay na ako, kahit na gusto kong magpalit ng pwesto, hindi pa rin ako gumagalaw. Pinapangunahan ng takot.

"Nah! Dapat ka ng masanay you know, magiging mag-asawa na rin kayo." Sabi ni Valkyrie at may pahand gesture pa ito para ipaintindi sa akin kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Ay wow?" Hindi makapaniwalang saad ko. "Bakit parang mas ready ka pa kesa sa akin?" Yung tono kasi ng pananalita n'ya parang may alam na talaga s'ya tungkol sa pag-aasawa.

Inirapan lang naman ako ni Valkyrie at kalaunan ay luminga–linga na sa entrada ng restaurant.

"Sinong hinahanap mo? Si Yvette ba?" Tanong ni Delaney at nakilinga na rin sa entrance.

"Oo eh, ang tagal kasi. Anong oras na nagugutom na ako." Aniya ni Valkyrie sabay lumbaba sa mesa.

Nangako kasi si Yvette na manlibre s'ya ngayon sa amin at ang napili naming restaurant ay ang Alavar. Malapit lang naman ito sa bahay namin kaya wala itong problema sa akin.

"Siguro hindi na yung darating." Si Sydney sabay check sa kan'yang cellphone.

Yvette told me earlier na medyo mala-late ito ng dating kasi may aasikasuhin pa raw s'yang mga requirements para maging ganap na Captain o airline pilot.

Mukhang gutom na talaga si Valkyrie, kita naman kasi ito sa mukha nya. Siguro may bulati na s'ya sa tiyan, palagi na lang kasing gutom. Walang oras na hindi s'ya gutom.

"Bahala kayo, basta ako mag o-order na ako!" Deklara ni Valkyrie sabay tawag sa waiter. Mukhang totoo talagang nagugutom na s'ya.

"Huy konting hintay naman, dararing na rin yun." Saway ko sabay hablot ng menu sa kaniya.

"Eh, sa nagugutom na ako! Eh sino ba namang hindi nagugutom naamoy ko ang pagkain at ang bango, kumakalam na ang tiyan ko!" Sagot din nito sa akin, sabay hablot pabalik ng meni sa kamay ko.

Wala na kaming nagawa dito at pinabayaan na lang siya.

"Huy Sydney darating pa ba si Yvette?" Tanong ni Delaney.

"Huh?" Naguguluhan na tanong ni Sydney.

"You're checking your phone, right?" Tanong ko sabay halukipkip inaantok na kasi ako dahil sa gutom pero dapat ko pa ring tiisin.

"Umm. Yes but not in messenger but in my email. Hinintay ko kasi yung i-sesend na script sa akin nung writer." Simpleng sagot ni Sydney habang ang atesnyon ay nakatuon sa cellphone niya.

Sabay–sabay naman kaming tumango.

Nasaan na ba kasi si Yvette? Ang tagal naman.

"Yes, yang alimango sa akin. Lakihan n'yo sana, huh? Kasi noong huling kumain ako dito ang liit ng binigay ninyong alimango sa akin. Tapos damihan na din ninyo ng Alavar sauce." Napalingon ako kay Valkyrie nang marinig ko itong sinasabi niya. She's giving an instruction while her one finger was poiting something in menu.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon