CHAPTER 13

1.7K 88 22
                                    

"Oh, tingin-tingin mo d'yan?!" Pagalit na sigaw ko kay Sergie habang inaayos ang kama ko.

Napagkasunduan kasi namin na ako ang matutulog sa kama at siya naman sa sofa. He said earlier na ayaw n'yang matulog kama ko, kaya manigas s'ya!

He's now acting like a puppy. Binelatan ko lang naman s'ya sabay talukbong ng kumot.

Ano nagpapacute s'ya ngayon?

Magmamakaawa s'ya? Ha, ha ha, sorry s'ya, pero hindi n'ya ako madadala sa mga pagpapacute n'ya.

"Camari." He said with a pleading voice.

"What?" I said with a bored tone.

"Possiamo cambiare? Io a letto e tu a divano?"(Can we change? Me in the bed and you in sofa?)

Hindi ko naman mapigilan ang matawa dahil sa sinabi n'ya.

Seriously?

Ako papatulugin n'ya sa sofa? Lalaki ba talaga s'ya?

Napabangon naman ako sa pagkakahiga at umupo ng tuwid papaharap sa kan'ya.

"Seriously ako?" Hindi makapaniwalang turo ko sa sarili ko. "Diba you said earlier yo—" He cut my word.

"Just...just forget about it!"

"Ay wow?! You committed a promise! And now?" Tawa ko ng sarkastiko. Akala ko pa naman may isang salita s'ya, pero wala naman pala.

"I don't remember I say that." An'ya nito sabay upo na rin ng maayos sa sofa.

Maliit lang ang sofa ko sa kwarto at hindi s'ya nagkakasya dito. Nakafold ang dalawa n'yang paa at ang dalawa naman n'yang kamay ay nakaipit sa katawan nya. I give him a piece of blanket and two pillows, and I think tama na ito sa kanya.

"Sergie, Sergie, Sergie." I chanted his name. "Well, ano pa bang maasahan ko sa iyo?" Tawa ko, na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Matanda ka na kasi kaya makakalimutin ka na." I laughed.

"I'm not old young lady, mas mukhang ka pa ngang gurang kesa sa sa akin." Sy'a naman ang tumatawa.

"Ha, ha, ha, ha funny super." I laughed sarcastically.

"Sige na Camari, d'yan ako sa kama mo, at kung ayaw mo sa sofa...pwede ka naman sa sahig. Lagyan mo lang ng comforter." Suhestiyon nito sabay turo sa sahig.

Nag-init naman ang ulo ko sa sinabi n'ya. What does he think? Papayag ako sa gusto n'ya? Excuse me lang, ha! Paalala ko lang sa kan'ya! Ako ang may-ari nitong kwarto!

"Well, bakit hindi na lang ikaw 'yong matulog d'yan? Diba suggestion mo naman?" Mataray kong tanong sabay talukbong muli ng kumot. Nakakainis s'ya!

Bahala s'ya sa buhay nya. Hindi nga ako pinapatulog sa sahig nila Mommy tapos s'ya...

"Ang arte mo naman." Si Sergie sabay pagpag ng sofa ko sa kuwarto.

Mas lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi nya.

Ako maarte? Sa aming dalawa s'ya itong mas maarte! Lalaki ba talaga s'ya?!

"Wow?! Ako pa talaga ang maarte, ha? Sa ating dalawa you're the maarte! Sino ba sa atin ang ayaw mahiga sa sofa? Diba ikaw 'yon?" Turo ko sa sarili nya.

"Are you blind?! Or wala ka lang talagang pakialam?! Hindi mo ba nakikita na hindi ako kasya sa sofa so unfortunately sa kama ako at ikaw sa sofa." Mariin niyang saad, habang tinuturo ang sofa at ang kama ko.

Napabalikwas naman ulit ako ng bangon, at umupo sa kama ng naka-indian sit.

"Ay wow?! Iba na pala ngayon." Palakpak ko sa harap nyia. "Yung may ari na pala ng KUWARTO ang sa sofa matutulog tapos yung bwisita sa kama, ay ang galing!" Sigaw ko habang iniirapan s'ya.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon