CHAPTER 17

1.7K 78 10
                                    

"Go read team!"

"Go blue team!"

Kabi-kabila ang pagcheachear ng mga estudyante sa mga manlalaro ng sack race. Hindi ako sumali rito dahil may mens ako at bawal ang tumalon. Masakit kaya puson kapag talon ka nang talon.

Ayaw kong magcheer dahil parehong kaibigan ko ang naglalaro at ayaw ko namang sumama ang loob ng isa kapag 'yong isa ang chinear ko.

Ang magkalaban ngayon ay sina Marguax at Delaney. Nangunguna na ang grupo nina Delaney at Sydney habang nahuhuli naman ang grupo nina Yvette at Valkyrie.

"Hoy, Marguax bilisan mong tumalon d'yan! Huwag kang maarte!" Sigaw ni Valkyrie at mukhang galit na dahil sa pag-iinarte ni Marguax.

"Pwede bang huwag kang sumigaw?! Nahihirapan na ako dahil sa boots ko!" Sigaw nito habang tumatalon ng mabagal at mahina. Nahihirapan kasi ito sa suot n'yang boots.

"Edi, hubarin mo! Huwag kang maarte! Matatalo tayo nito!" Sigaw pabalik ni Valkyrie sabay irap kay Margaux.

"Go Marguax! Go! Go! Faster! You can do it!" Pagche-chear ni Michael sa pinsan n'ya na ngayon ay nasa tabi ko na.

Hindi s'ya sumali sa sack race, ewan ko kung bakit. Aalis na sana ako sa pwesto ko para maiwasan s'ya kaso nahawakan n'ya ang kamay ko. Buti na lang at nasa may bandang likod kami ng mga estudyante kaya walang nakakita nito.

"Go Marguax! I know you can do it!" Sigaw ulit nito habang tinataas ang kaliwang kamay habang ang kanan naman n'yang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Pilit naman akong kumakawala sa kan'ya kaso mas malakas s'ya kesa sa akin.

Napabuntong hininga naman ako at napalingon sa kaniyang kanan na paa.

Mukhang wala na akong iba pang magagawa.

Kasabay ng pagtaas ng kaniyang kanang kamay at pagsigaw ng pangalan ni Marguax ay ang pagtapak ng kaliwa kong paa sa kanan n'yang paa.

"Aray!" Sigaw nito sabay bitaw sa kamay ko.

Agad naman akong lumipat ng pwesto sa kabila. Nakikisiksik ako sa mga estudyante para makapasok sa loob. Mabuti na lang at pinayagan nila akong makisiksik sa kanila. May ibang nakarinig ng daing ni Michael at agad s'yang pinuntahan sa pwesto n'ya.

"Okay lang po ba kayo?" Tanong ng mga kababaihan.

"Ah oo, okay lang ako." Nakangiting sagot ni Michael at mukhang hindi iniinda ang sakit ng pagkakatapak ko sa kan'ya. Matapos s'yang ngumiti sa mga nagtatanong sa kan'ya kaagad niyang itinututok ang kaniyang atensyon sa puwesto ko, hindi ko naman s'ya nilingon pabalik para hindi makahalata ang mga estudyante.

Bumalik naman sa dati ang mga estudyante at nagcheachear na naman sila.

Si Valkyrie at ang isang estudyante ang magkalaban ngayon. Tinanggal ni Valkyrie ang suot n'yang sapatos para makatalon nang mabilis.

May iilang nakapansin nito at natawa.

Parang kangaroo kung tumalon si Valkyrie dahil sa sobrang taas at sa sobrang bilis nito, halatang ayaw magpatalo. Pabalik na s'ya sa pwesto ng grupo nila habang ang kalaban n'ya ay papaikot pa lamang. Kaagad namang pinalo ni Valkyrie ang kamay ng lalaking nasa harapan n'ya nang makabalik na s'ya sa linya nila, tanda na ang lalaki na ang susunod na maglalaro.

Kapuwa lalaki ang magkalaban ngayon at kapuwa malalakas ang sigaw ng mga estudyanteng hindi nakasali sa laro. Sampung tao lang kasi ang kailangan. Tiglilima sa dalawang kampo.

Sa huli, team ni Valkyrie ang nanalo, hindi naman nagalit ang team nila Sydney at Delaney kung natalo sila.
Tumatawa nga sila ngayon.

"And the winner is red team!" Anunsyo ng emcee sa laro. Agad namang nagsigawan ang lahat ng red team at may pantalon-talon pa silang nalalaman.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon