CHAPTER 38

3K 87 14
                                    

"Sure ka na ba d'yan sa gagawin mo? Hindi mo na talaga hihintayin si Sergie?" Tanong ni Mommy sa akin.

Hindi ko na mapigilan ang mapairap. For the nth time, she used to ask this same question to me.

"Mom, listen, nakinig ako sa inyo na hintayin ang paliwanag ni Sergie, but Mom, can't you see?" Kunot-noong tanong ko sa kan'ya. "Wala s'ya dito. I waited for him, naghintay ako ng isang linggo, pero Mom, nasaan s'ya?" Tanong ko pa ulit at medyo naiinis na. "Sure akong andoon na naman s'ya sa ex n'ya." Dagdag ko sabay iwas ng tingin kay Mommy.

I waited for him. Pero wala s'ya. Ni anino n'ya hindi ko nakita. I'm pretty sure nasa hospital na naman s'ya, binabantayan ang ex n'ya.

"Baka naman hindi Camari. Huwag ka na lang kaya umalis ng bansa." Suhestyon ni Mommy. "Dito ka na lang kaya? Makakamove-on ka naman, diba? Kahit na nasa Pilipinas ka." Si Mommy at halatang hindi mapakali sa kinatatayuan.

Agad ko namang ibinalik kay Mommy ang buo kong atensyon. "Teka nga Mom." Kunot noo kong saad. "Are you defending that guy?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Mommy.

Base sa tono ng pananalita ni Mommy, halata na dinidifend n'ya si Sergie sa akin. Halata na mas kinakampihan n'ya si Sergie kesa sa akin na anak n'ya.

"Hindi sa ganoon Camari," Mommy's face softened. "Ang gusto ko lang sabihin ay hintayin mo pa s'ya. Maghintay-hintay ka pa kahit konti. Malay mo mamaya andito na s'ya." Ngiting saad ni Mommy pero halata sa kan'yang mga mata na para ba s'yang natatakot. Hindi pa rin s'ya mapakali sa kaniyang kinatatayuan.

Napabuga naman ako ng hangin at lumingon sa gate ng bahay. Hoping na sana may dadating na Sergie. Wishing na sana dumating na s'ya. Napagpasyahan ko na kasing pumunta ng France.

"Mom... I'm tired. I'm tired of waiting. Nakakapagod maghintay lalo na kapag walang kasiguraduhan. Walang kasiguraduhan kung magpapakita pa ba s'ya, kung babalik pa ba s'ya." Ngiti ko ng peke habang ang mga mata ay nasa gate pa rin. "Ako na lang ang palaging naghihintay. Ako na lang ang palaging nag-a-adjust. Ako na lang ang palaging umiintindi. Mom, puwede bang s'ya naman?" Bigla kong lingon kay Mommy. "Ang sabi n'ya LAST WEEK babalik s'ya kinabukasan. Pero Mom, isang lingo na. Isang linggo na ang nakalilipas. Ano 'yon? Isang linggo talaga s'yang natulog?" Sarkastiko kong tanong kay Mommy.

Narinig ko namang suminghap ng hangin si Mommy at hindi kalaunan ay ibinuga rin ito. "Are you sure with this Camari? Sure ka na bang aalis ka ng bansa?" Malungkot na tanong ni Mommy.

Napahinto naman ako sa pagtitig sa gate namin at nilingon si Mommy.

"Mom if you're thinking about the partnership, then I'm sorry." Sinsero kong saad sabay ngiti ng pilit. "I'm sorry kung dahil sa akin hindi na matutuloy ang partnership.  Ang toxic na kasi. Masyado ng toxic ang relationship namin ni Sergie." Napakagat labi ako. "Pero mayroon naman sigurong gustong mag-invest kahit konting halaga lang Mom, diba?" Lingon ko diretcho sa mga mata ni Mommy. Pero wala na akong ibang makita dito kundi ang lungkot. "At sa tingin ko hindi na natin kailangan ang tulong nila. Kasi parang bumabalik na sa dating sigla ang mall natin. I'm really sorry, Mom, ako kasi ang naiipit dito. I'm stuck between love for family and love for myself. I'm sorry kasi —"

Mommy cut my word. "Camari hindi 'yan ang iniisip ko, ang iniisip ko ay ang puso mo," Lapit ni Mommy sa akin at marahang itinuro ang puso ko. "Iniisip ko ang magiging buhay mo sa France. Wala ka doong kakampi, andito kaming lahat sa Pilipinas. Andito kami ng Daddy mo, ng mga kaibigan mo." Si Mommy at medyo namumula na rin ang mga mata nya. "Kung gusto mong umiyak, andito ako, andito ang Daddy mo, papakinggan ka namin, dadamayan ka namin." Ngiti ulit ni Mommy ng peke, habang ang mga luha sa mga mata ay nag babadya ng tumulo. "Pero...France? Ang layo 'non anak. Sobrang layo."

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon