CHAPTER 24

1.8K 69 12
                                    

"Camari, what kind of flower is this?" Tanong ni Sergie sa akin habang tinuturo ang maliit na puno ng santan.

Dahil sa narinig, kaagad kong inalis sa chrysanthemum flower ang atensyon ko at itinuon sa kan'ya.

"Santan 'yan or also known as ixora coccinea." Aniya ko sabay pitas ng bugkos nito at pagkatapos ay sinipsip ang dulong bahagi ng isang pirasong santan.

I missed sipping it. Naalala ko no'ng bata pa lamang ako, palagi akong nasa garden ng bahay namin at palagi kong kinakalbo ang tanim ni Mommy na santan para lamang sipsipin ang mga dulong bahagi nito. Para itong tubig na matamis.

"What the?! What are you doing?!" .

"Sinisipsip ang katas ng santan." Simple kong sagot sabay pakita kung paano sinisipsip ang katas ng santan.

"Yuck, gross..." Maririnig ang pandidiri sa boses ni Sergie. "Stop that, Camari. It might contain bacteria or worst virus."

Kaagad naman akong natawa dahil sa sinabi ni Sergie.

Ano daw virus?

Kung may virus ang santan, sana marami nang namatay na tao sa Pilipinas dahil sa bulaklak na ito at tiyaka kung may virus ang santan edi sana matagal na akong patay.

"Wag ka ngang OA d'yan. Sinisipsip naman talaga ang katas nito. Naalala ko nga no'ng bata pa ako palagi kong sinisipsip ang nectar ng santan. Ang sarap kaya! And hello?! Virus?! Talaga?" I made a dry laughed. "Kung may virus ang santan edi sana matagal na akong patay, diba? Bakit hanggang ngayon humininga pa rin ako?"

Umiling-iling naman si Sergie dahil sa sinabi ko.

"Camari, all of the things here in our planet earth contains bacteria...even our hands have bacteria." Wika n'ya sabay pakita ng kamay n'yang malinis naman.

Tsk, OA lang talaga s'ya.

"Yeah, I know that and it's normal." Sagot ko, habang hindi s'ya nililingon. "Many bacteria and organism lives in our body...and normal lang naman sa isang tao na magkaroon ng bacteria. Kasi may mga bacteria naman na good for our body katulad ng lactobacillus na friendly, kasi nagproproduce s'ya ng lactic acid na kailangan ng katawan natin, then naghe-help din s'ya para mas maging mabilis ang pagbreak down ng mga foods sa ating katawan...at tiyaka," I stopped and looked at him. "Huwag mong lahatin ang lahat mga bacteria, 'no! Hindi lahat masama, kasi ang lactobacillus ay pumapatay rin ng kapuwa n'ya bacteria."

Sa lahat ng napag-aralan namin no'ng nag-aaral pa ako ang mga klase ng  bacteria talaga ang pinakatumatak at pinakapaborito ko, lalong-lalo na ang lactobacillus. Hindi ko alam pero hanggang ngayon natatandaan ko pa rin ang kabutihang dulot ng lactobacillus sa ating katawan.

"So, you mean than, the santan or ixora coccinea contains lactobacillus?" He half laughed. Halatang sarkastiko.

Hinarap ko naman si Sergie nang may flat na mukha at inihinto ko na din ang paggawa ko ng necklace gamit ang santan.

"Excuse me?" Mataray kong tanong. "Wala akong sinasabing gan'yan. Ang pinupunto ko lang naman dito ay hindi lahat ng bacteria ay masama, okay? Mayroon din namang mga bacteria na good." Wika ko sabay taas ng kilay sa kan'ya. "At tiyaka anong tinatawa-tawa mo d'yan? Anong akala mo nagbibiro ako? Excuse me hindi ako nagbibiro!"

"I'm just smiling! Bakit bawal ba?" Tanong nito sabay ngisi.

"Oo bawalbkasi nakakamatay ang sobrang pagtawa."

"Okay fine, I was just smiling because our topic here was about ixora coccinea, then now, you're defending bacteria like lactobacillus. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang pinag-uusapan natin. Ang mga bulaklak ng Mommy mo o ang lactobacillus na 'yan."

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon