CHAPTER 34

2.1K 75 0
                                    

"Ho? P-Pero, diba po ang sabi n'yo fiancee n'yo ang kasama n'yo?"  Naguguluhan na tanong ni Rose sabay turo sa akin.

Ngumiti muna ako sa kan'ya bago umiling. Hindi ko alam kung papano s'ya sasagutin.

"Sorry, nagkaroon kasi ng emergency sa bahay. I know that it sound unprofessional because I'm who the one suggested my fiancee..." Hindi ko na natuloy ang mga dapat ko pang sasabihin dahil sa binabalot na ako ng hiya.

"O-Okay lang, Miss." Kaagad nitong sagot sabay lingon kay Michael nang nakangiti. "Andito naman si Mayor!" Rose giggled. "Ang guwapo n'ya po talaga, as in." Mahinang saad ni Rose sabay hawak sa dalawa kong kamay.

Napalingon naman ako kay Michael na ngayon ay palinga-linga sa kabuuan ng Astoria.

Tumango naman ako at ngumiti bilang pagsang-ayon sa sinabi n'ya. Totoong guwapo si Michael kahit na medyo simple lamang s'ya manamit. Pero kahit kailan hindi ako nagkagusto sa kan'ya, ewan ko kung bakit?

"So...Miss Camari and Mayor, tara na po." Tumikhim si Rose para maagaw ang atensyon namin sabay turo sa daanan.

Tumango naman kaming pareho ni Michael at nauna nang maglakad si Rose sa aming tatlo. Habang naglalakad hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa kabuuan ng Astoria Hotel, malinis ito at kaaya-ayang tingnan. Katulad sa labas, wala ring masyadong tao sa loob nito, may iilang nakaupo sa mga couch dito sa loob pero hindi nila kami napapansin. Mabuti na rin 'yon, mahirap na at kasama ko si Michael. Baka kasi mamaya picturan kami tapos makita ni Sergie.

"Psst!" Pagpupukaw ni Rose sa mga taong nag-uusap at nakaupo sa isang lugar. Kaagad naman nitong naagaw ang atensyon ng mga ito at napaharap sa amin.

Mukhang nakaayos na ang lahat, mukhang wala ng kulang sa mga gagamitin para sa photoshoot, andito na kasi ang lahat ng mga bagay para doon, parang kami na lang ni Michael ang hinihintay para magsimula na.

Nang linungin ko ang mga tao sa harapan namin nakita ko kaagad ang mga gulat at hindi makapaniwala nilang ekpresyon. May ilang nakanganga, may ilang natulala at may ilang hindi gumagalaw.

"Mayor?!" Ito ang nasabi nila nang makarecover na sa pagkakagulat.

Nagsimula namang magbulungan ang lahat at ang iba ay ang sama na ng tingin sa akin.

"S'ya ba ang fiancee n'ya?"

"Ikakasal na pala si Mayor, pero hindi naman binabalita."

"S'ya ba ang fiancee na sinasabi mo?" Tanong ng isang matandang lalaki sa akin at halata sa kan'yang mukha ang pagkagulat.

Agad naman akong napailing. "Hindi po, hindi po s'ya ang fiancee ko." Tipid kong sagot.

Tamang-tama talaga ako. Tamang-tama ang hula ko na ito din ang unang iisipin at tatanungin ng mga taong nasa loob.

"Pero ang sabi mo kagabi, fiancee mo ang kasama mo." Sagot ng matandang lalaki.

Nagsimila na naman ang bulungan.

"Sorry po, hindi po kasi makakapunta ang fiancee ko. Nagkaroon po ng emergency." Pagsisinungaling ko sabay siko kay Michael na ngayon ay tahimik lamang sa tabi ko.

My gosh! Dapat din s'yang magsalita, hindi 'yong ako lang!

"A-Ah yes, I'm not her fiancee, I'm just her bestfriend." Sagot nito sabay ngiti sa akin.

Base mga ekpresyon na ipinapakita nila, halatang may mga iniisip pa rin sila tungkol sa akin at alam ko din na may sinasabi ang kanilang mga mata pero hindi ko lamang maintindihan 'yon.

"Parang familliar po kayo." Out of the blue a guy suddenly pointed me.

Napakunot naman ako ng noo.

Anong pinagsasabi n'ya? Anong nakita? Ngayon ko nga lang s'ya nakita.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon